A/N: eto na po ung nangyare kay Alex pagbalik niya ng Pinas. Sana po magustuhan niyo.
-ActLikeAPanda
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1: The Day I Met HerDaryll's POV
Nung umuwi si Alex ng Pinas halata sa mata niya ung sobang kalungkutan. Sinasabi niya samin na ok lang siya pero halatang di siya ok. Kilala ko si Alex ayaw niya na kinakaawaan siya. Ayaw niyang magmukhang mahina sa mata ng iba. Minsan nga umuuwi siya ng laseng sa apartment namin. Iniintindi ko nalang siya. Buti nga kaya niya ung sarili niya eh pagnalalasing siya. Tinutulungan ko siyang magmove-on kay Avril buti nga medyo ok na siya ngayon eh. May na ngayon ibig sabihin next month may pasok nanaman. Sana nga bago mag pasukan maging ok na ulit siya pero sa kalagayan niya ngayon parang di pa niya kaya.
"Daryll may bibilhin lang ako sa 7-11" -Alex, speaking of malamang sa malamang bibili nanaman yan ng beer.
"Samahan na kita, at sasamahan din kita mag-inom." -ako
"Tara na" -Alex
*7-11*
Alex's POV
Nandito kami ngayon ni Daryll sa 7-11. Bumibili kaming beer. Alam na ni Daryll ang routine ko linggo-linggo, linggo-linggo rin kase akong nag-iinom. Minsan sinasamahan niya ako, minsan naman hindi. Ganto lang routine ko araw-araw. Parang di ko pa din kase matanggap na di na siya magiging akin. Di na magiging akin si Avril.
"Oh sh*t miss watch your step" napamura nalang ako kase may nakabunggo sakin na babae.
"Maka oh sh*t ka ah. Sorry ha kase nabangga kita! SORRY!" Pasigaw niyang sabi.
"So ako pa ang may kasalanan ganun!" Sigaw ko sa kanya
"Di ako nagsabi niyan ikaw."
"Aba at---" di ko na natuloy kase nagsalita na si Daryll
"Ah miss sorry ha kase bad mood ung kaibigan ko ngayon tsaka may mali ka rin naman eh" -Daryll
"Bahala nga kayo diyan. Kainis" sabi niya pero ung kainis pabulong niyang sinabi pero rinig padin namin.
"Tara na nga pare mas nasira ung araw ko" -ako
"Sige. Pero pare dapat di mo na punatulan ung babae" -Daryll
"Bakit totoo naman ah siya ung nangbubunggo di ako" -Ako
*Apartment*
Daryll's POV
Lasing nanaman si Alex eto nagsasalita nanaman at umiiyak.
"Pare ba't ang tanga ko hik naiinis na ako sa sarili ko bakit kung hik kailan ko siya minahal dun siya nakapagmove-on sakin ha. Sniff nakakainis dapat mas inagahan ko dapat nung minahal ko siya pumunta na agad ako ng sniff ng US para sabihin sa kanya yun sniff"
"Pare alam mo kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo walang mangyayari, marami ka pang makikilalang babae na mas mamahalin mo bukod kay Avril. Bro diba sabi ni Avril sayo na maghintay ka lang ng tamang panahon, makikita mo rin siya"
"Pero pare gusto ko si Avril siya lang wala na ako iba--" di ko na siya pinatapos kase sinapak ko na siya sa mukha baka matauhan ng kaunti.
"P*******a lang pare kung puro si Avril ang bukang bibig mo di ka talaga makakapagmove-on. Wala na siya, di na siya magiging sayo kase masaya na siya sa iba. ewan ko sayo bahala ka nga dyan aalis muna ako" at umalis na ako nakakainis lang kase tinutulungan na nga ayaw parin tumigil si Avril parin bukang bibig sana talaga makita na siya ung babaeng para sa kanya talaga.
Alex's POV
Dahil sa pagsigaw sakin ni Daryll medyo natauhan ako tama siya di na magiging akin si Avril kase masaya na siya kasama si Caleb.
"Sana nga Daryll makapagmove-on na ako, sana nga" -sabi ko sa sarili ko at nakatulog na ako sa sobrang kalasingan.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: sana po nagustuhan niyo ung first chapter alam ko po medyo lame kase medyo na boblock ako. At sa school din po pinepressure po kase ako ng ibang readers na kaibigan ko na gawin ko na daw po ung May FOREVER Ba Talaga. So salamat po sa pagbabasa ng chap 1 Kamsahadnida. 😁
BINABASA MO ANG
May FOREVER Ba Talaga?
Jugendliteratur"May Forever Ba Talaga?" Yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Ikaw gusto mo rin malaman kung may FOREVER talaga pwes basahin mo ang story ko at malalaman mo ang sagot.