Hi!!! Dahil wala akong magawa at wala kayong kinocomment mag-uupdate ako. Bored kase bakasyon na. Sana support niyo pa din 'tong story ko kase kahit lame 'to pinag-iisipan ko talaga 'to. Salamat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Rhian's POV
Ngayon na ung gala namin at nandito na kami ni Meg 9:20 na at ang usapan namin is 9:30 maaga kami ng 10 minutes. This past few months ang weird ni Alex. May sasabihin siya tapos pag may dumating or may kakausap sakin pagkatapos namin mag-usap ng kausap ko di na niya sasabihin ung sasabihin niya sakin at lagi siyang may sinasabi pero mahina kaya laging di ko naririnig.
At this past months din ewan ko parang ung feelings ko kay Alex lumalaki. From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to bestfriends. At parang from bestfriend to??? Aghhh di ko alam may nararamdaman ako na kakaiba gusto ko lagi siya ung kasama ko, siya lagi ung nasa isip ko. Ughhh pero sure ako di pa to ung inlove talaga. Siguro nasa confusing stage palang ako.
Minutes past dumating na rin sila Alex, Daryll, Jazz, Audrey. At eto kami ngayon nakatunganga padin dahil di namin alam kung saan kami pupunta. Si Daryll nga may binubulong sa iba maliban samin ni Alex at bigla nalang...
"Alam ko na tara shopping nalang tayo. May gusto kase akong bilhin sa department store." -Audrey
"Nice suggestion Audrey, ano call kayo?" -Jazz
"Sakin ok lang. Gusto ko rin mamili ng bagong shirt may bago daw na one piece shirt eh." -Alex
"One Piece nanaman baka maalala mo nanaman si Avril niyan. Haha, malamang sa malamang marami nanaman yung one piece shirt." -Daryll
"Medyo eto nga yung regalo niya sakin oh sinuot ko. Eto din ung sinabi ko pag di niya 'to sinuot nun hahalikan ko siya sa lips, haha at saya lang balikan ung mga alaala namin." -Alex
Bakit ganun? Parang tinutusok ung puso ko ng paulit-ulit? Bakit ko 'to nararamdaman? Ang Weird talaga ng puso ko.
"So tara na" -Daryll
"Tara. Tara na Rhian" -Alex
"Ok"
Nandito na kami sa forever 21 si Audrey kase at Meg nagkasundo na forever 21 daw ang gusto nila puntahan. Kaya eto kami tingin tingin din pari sila Alex kase may mga panlalake din sa kanila eh.
"Guys punta lang kami ng CR ni Audrey gusto niyo kita nalang tayo sa department store? Dun sa gusto ni Alex puntahan." -Meg
"Ok, tara na Alex, Rhian. Una na tayo"
Pumunta na kami dun sa mga damit ng character. May spongebob, adventure time, superheroes, anime at marami pang iba, ang kucute nga ng mga design eh. Gusto ko din ang mga anime pero pili lang, mga love story lang ung iba lalo na ung Special A at Haikyuu. Yun ung mga paborito kong anime medyo ayoko ng mga laging away parang ang brutal lang kase.
"Rhian try mo oh. Sa tingin ko bagay sayo to." -Alex
"Ano yan one piece? Di ko paborito yang one piece eh."
"Sige na try mo lang tsaka si chopper naman to eh. Cute niya noh"
"Oo nga ang cute niya sige. Ano size ba to?"
"Small sige na try mo na"
"Ok"
Pumunta na akong fitting room at sinukat ko yun
Alex's POV
Nandito ako sa labas ng fitting room hinihintay ko si Rhian. Iniwan ko muna dun sila Daryll.
BINABASA MO ANG
May FOREVER Ba Talaga?
Teen Fiction"May Forever Ba Talaga?" Yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Ikaw gusto mo rin malaman kung may FOREVER talaga pwes basahin mo ang story ko at malalaman mo ang sagot.