Chapter 12: One Word. Two Letters. Us

77 1 1
                                    

A/N: nainggit ako kay Rhian sa last chapter. Hehehehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Rhian's POV

habang tumatagal kami ni Alex ni minsan di siya gumawa ng kalokohan. Minsan nga lang nagseselos siya sa mga iba kong kaklase na lalake ang possessive. 6 months na kami ibig sabihin November na ngayon at sa six months na yun sobrang saya naming dalawa. Every pupunta kami sa doctor para magpacheck-up nandun siya. Kapag may sakit ako nandun din siya. Everytime na di ako makapasok sa school kinukuha niya lahat ng mga ginagawa ng klase namin. Mula sa assignments, projects at reporting kinukuha niya kapag absent ako. Kaya nga kahit absent ako nakakacatch-up ako sa klase namin. Mas nagiging ok nga daw yung puso ko sabi ng doctor. Siguro daw kase mas gusto ko nang mabuhay this time. Kae dati noon pinapabayaan ko ung sarili ko nung nalaman ko ung sakit ko at nung biglang nakipag-break sakin si Jb. Pero ngayon sobrang saya ko. Kase maraming nagmamahal sakin. Nandyan sila mama, papa, kuya, si Alex, Daryll at ang buong tropa. Kaya mas gusto kong lumaban ngayon.

Nakakatuwa nga si Alex eh. Ung dating akala mo walang sweetness sa katawan punong-puno pala. Kase ba naman pag-monthsary namin grabe sobrang sweet. Ang daming pick-up lines, mga banat na sweet words. Corny kung sasabihin ng iba pero napapasaya niya ako. Di nga lang ako eh pati sila Daryll kase ba naman sinasabihin nila si Alex ng Cornic sa sobrang kakornihan. Ang kulit nga ng tropa naming eh. Parang walang single kase parang lahat may partner ao at si Alex, si Daryll at Meg, at last si Marc at Audrey na di mo malaman kung MU ba o wala lang kung friend lang ba sila. Hahahahahaha parang walang loner. Pero sabi nila Daryll close friends lang daw sila ni Meg. Naniniwala naman kami kase si Daryll may nililigawan tapos si Meg may manliligaw at ang galing nga eh hindi nagseselos ung manliligaw ni Meg at ung nililigawan ni Daryll.

"Rhian ko anong iniisip mo?" sino pa ba syempre si Alex

"Wala lang 'to Alex ko" sabi ko.

"Ahhh ok tara baka malate ka pa sa next class mo hatid na kita" kakatapos lang kase ng Foreign Language class namin at may next subject pa ako tapos lunch break na bilis ng oras.

"Sige tara na Alex ko"

*Classroom*

"Mamaya nalang sunduin kita dito sabay naman tayo ng lunch ngayon eh. Ok ba yun Rhian ko?"

"Opo ok na ok yun Alex ko."

"Babay na" at pagkatapos nun kiniss na niya ako. Syempre sa forehead lang.

"Swerte mo talaga sa bf mo Rhian sobrang sweet sana ganyan din ung magiging boyfriend ko." Sabi ng classmate ko

"Oo nga kainggit k asana ganyan din yung bf ko sakin minsan kase sobrang sungit." Isa ko pang classmate

"wag kayong mag-alala magkakaroon din kayo ng boyfriend na katulad ni Alex."

"Pero sabi ng iba sa campus sobrang nabroken-hearted si Alex noon dahil sa isang babae"

"Oo nga totoo ba yun Rhian?"

"Oo bestfriend niya yun"

"Ung dahilan kung bakit siya nabroken-hearted?"

"Parang ang sama naman ng bestfriend niya"

"Hindi noh. Dati kase mahal siya nung bestfriend niya kaso di niya yun mahal. Then ung bestfriend niya pumunta nang US. Tapos one day nagising nalang siya na mahal naman pala talaga ung bestfriend niya. Then gumawa siya ng paraan para makapunta sa bestfriend niya kaso pagdating niya dun huli na siya may iba nang mahal ung bestfriend niya."

"Nakakalungkot naman ung story nila pero atleast parehas na siang masaya sa mga minamahal nila diba? Happily ever after na kayo?"

"Oo ganun na nga. Ayan na pala si Sir"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May FOREVER Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon