COMMENT.
VOTE .
FOLLOW
________________
Athena POV"Ah . shit ayaw talaga papigil nang ulan .buhos padin ng buhos" bulong ko sa sarili
Andito ako ngayon sa may bintana sa living room ni Jake .at pinapanood ang ulan . natex ko na din kanina sina Mama na sa bahay ng kaibigan ko na ako matutulog . kasi inabutan na ako ng baha . may tiwala naman si mama sakin .kaya pumayag sila .
Ang Problema ko nalang ngayon kung paano ako .makikitulog ? Papayag kaya siya ? Sana naman ..
"You alright.?"nagulat ako sa boses na nasa likod ko galing ,
"Ah ..eh hehe" awkward kong ngiti .
"Ah .Jake alam ko bagong kakilala mo lang ako . tsaka wag ka mag alala di ako masamang tao .o magnanakaw promise wala akong papakialam .." Kumunot ang noo ni Jake .
I heaved a sigh . ok lang kong di siya pumayag,
"Ahm . Jake pwedi makitulog ??"diritso kong tanong .medyo kinakabahan kasi ako .
Mas lalong kumunot yung noo niya .
"Ah .ok lang kong ayaw . uuwi na ako he he he salamat" ako
Naglakad na ako nang nalagpasan ko na siya , bigla nyang pinigalan ang braso ko . at ng paglingun ko ..
Lubdub lubdub..
Waaaahhhh !!! Grabi ang pogiiii tehh !
Paano ba naman ? Yung ngiti niya ang ganda abot hanggang mata .yung ngipin ang papantay at ang puti ..
"B-bakit ?"shete ! Kinabahan ako bigla
"Of course you can stay "
Lumiwanag bigla ang .pagmumukha ko I'm sure . kala ko maliligo at sosoong ako sa baha , pheww !
"T-TALAGA ?WAAAH !! THANK YOUUU !!"napayakap ako sa kanya .dahil sa tuwa ..
"Ah eh he he sorry !"sabay peace sign .at humiwalay sa kanya.
-----
Shit paano ako makaktulog nito ? Kung may katabi ako na isang GreekGod ? Sabihin niyo nga sakin ? Wahhh grabi !!
Di ko mapigilan na lingunin siya . ang gwapo niya talaga . swerte ko na din dahil nakatabi ko isang katulad niya .hihihihi
Yung nose niya ,grabi ang perfect .di katulad ng sakin . pero matangos padin naman .akin. yung pilikmata niya . sigurado ako na mas mahaba pa kesa sakin , yung kilay shit ang itim bagay sa Makinis niyang mukha at mapupulang LA...l-labi
Lunok .
O//////O
Bakit ganun .gusto kong itry yung lips niya . shit !
Pervet na yung utak ko .
---
Kanina pa ako . nakapikit at tuwid na nakahiga . gusto ko nang matulog .. Paano ba ako makakatulog .. At tsaka .. Ang lamig .yung aircon kasi naka fully conditioned.
Tama tama ../tango .tango / may naisip ako .sana mag work.
Isang tupa
Dalawang tupa
Tatlong tupa .
Apat na tupa
Limang tupa
Argh !paano ako makakatulog pag nag bibilang ? Si Mr.Bean nga di nakatulog kahit si teddy lang ang katabi niya habang nagbibilang ng tupa . ako pa kaya !!!????
Nawala ako sa pag iisip ko ng biglang gumalaw si Jake .napatuwid ako ng husto.
"God"napaatras ang hininga ko ng maramdaman ko ang Binti ni Jake sa binti ko .ang braso niya sa may tummy ko.tapos ...tapos yung mukha niya nasa may kaliwang banda ng leeg ko .
Sana talaga pumayag nalang ako na sa sofa siya matulog huhuhu ..
sa kakaisip ko .nakatulugan ko na din ..
--
Kinaumgahan .
8:06am
Nagising ako na dahil sa bigat ng katawan . pagtingin ko
O___________O
Nakatagilid na ako .at nakayap sakin si Jake .yung binti niya nkapulupot sakin .
Nararamdaman ko pa ang hininga niya sa may batok ko .
Kakagising ko lang at puyat ako . pero ang Diwa ko gising na gising na .shemay ..
Unti unti ,at hinay hinay akong gumalaw at umalis sa pagkakayakap niya ..tumayo agad ako at tumakbo papuntang cr . pero kinuha ko muna ang sa bag ko ang personal hygiene syempre ,
Nang nakalabas na ako , ng cr . napa hinto ako sa isang painting na may taong nakatalikod at nakahubad . ang galing ng pagka painting di siya malaswa tignan .
--nang papababa na ako .. Nakita ko ang kabilang kwarto na may siwang .. Lumapit ako ..nang hawak hawak ko na ang doorknob ------
"ATHENA"napatalon at napahawak ako sa bandang puso dahil sa gulat .
Mabilis siyang nakalapit sakin at .hinablot ang wrist ko na nakahawak sa doorknob . ang higpit ng pagkakahawak niya habang hinihila ako pababa .napapangiwi nalang ako.
"Jake sorry"sabi ko na parang pabulong . natauhan naman siya . at binitawan ako .
Grabi yung kamay ko parang namanhid .
"S-sorry .. Nagulat lang ako . sorry talaga sorry .."siya .habang nakatungo .
"Ako dapat mag sorry , sabi ko pa naman na di ako mangingialam "ako.I smiled to him
"Ok lang yun ."nakangiti na siya sakin ngayon "halika kain na tayo"hinila niya bigla ang wrist ko
"A-aray .."
Tinignan niya ako na may pag aalala ..at tinignan ang wrist ko.
O_____O
"S-s-sorry..w-wag kang m-magalit s-sakin please , ito"sabay abot ng wrist niya sa kamay ko
"H-hurt m-me too please .." Namumula ang mata niya .
Ano ba nangyayari sa kanya ??bakit ? Bakit siya umaakto ng ganito ??
