5th

2 0 0
                                    

Nahuhulog na ba ako?! Pero hindi pwede. Ahhhh!!! Sumasakit ang ulo ko. Playboy yun Alex at sobrang dami na ng naging babae nun! Anong gusto mo mapabilang ka sa mga yun?! Bat ba sumisigaw si Rebecca? Mas pinoproblema niya pa tong problema ko. Hindi. Hindi naman sa ganun Becs, iba kasi siya nitong mga nakaraang araw eh. Ano namang magagawa ko? Sobrang sweet niya, hinahatid niya ko, hindi siya rude sakin at mabait siya kung nakikita mo lang. Lagi nga yun nasa Rooftop eh dun sa pinagtatambayan ko. Pagpapaliwanag ko sakaniya, isa rin ksi itong my galit kay Ivan dahil sa pagiging chikboy niya. Masyado naman kasi talagang presko si Ivan kaya madalas nakakabwisit pero bumabagay naman iyon sa itsura niya. Alex. Narinig kong bumuntong hininga siya. Once a playboy always a playboy, do you really think na mababago mo siya? Mag isip ka nga. Atsaka ang taba taba mo! Imposibleng magkagusto yun sayo. Nakikita mo ba yung mga babae niya?! Ang gaganda, ang sesexy. Pero kasi wala naman akong nakikitang babae niya ngayon, ni hindi na nga siya gumigimik eh. Ini-istalk ko kaya facebook, twitter, at instagram niya. Alam ko naman Becs na wala ako sa mga yun. Pero malay mo naman nagbago na talaga siya. Pagtatanggol ko kay Ivan. Osege. Nagbago na, sabihin na nating ganun na nga. Eh nanliligaw naman ba sayo? Nagsabi ba siya ng pormal baka naman ikaw lang tong nahuhulog. Alam mo na masiyado ka kasing assuming. Napaisip ako sa sinabi niyang yun, oo nga. Wala pang ligawan hopiang hopia nanaman ako dito. Hindi pa. Mahinang sagot ko pero sapat lang para marinig niya. Kita mo na!! Ni hindi ka pa nga nililigawan!! Pano kung ikaw lang yung mahulog?! Sinong sasalo sayo?! Aber! Ang bigat bigat mo pa naman! Alex naman. Yan na nga bang sinasabi ko sayo eh. Si Raf, mabait din yun. Gwapo din at yun kinlaro na GUSTO KA at NILILIGAWAN ka! Tapos nagpapaka assuming ka kay Ivan. Anong katangahan yan Alex?! Kung nanjan lang ako sa pilipinas kanina pa kita pinagkokotongan sa asar ko sayo.
Aray ah kanina kapa sumisigaw. Sige na ibababa ko na magpahinga kana. I miss you Becs umuwi kana kasi dito para naman may kasama ako. At makapag usap tayo ng maayos mag iingat ka lagi jan! Mag aral mabuti. Pagpapaalam ko sakaniya para hindi na humaba pa ang usapan. Opo ma! Wag kanang magpakatanga ha. Opportunity mo na to para sumaya.

Ilang araw pa yung lumipas hindi naman nagbago si Rafael ng pakikisama simula nung nakita niya kami ni Ivan na magkasama, ni hindi nga siya mukhang nagalit eh. Simula nung monday balik sa dati nag uusap, nagkikita, kumakain, nagkakasabay, pero iba pa rin talaga pag si Ivan yung kasama ko. Iba pa rin pag siya yung kausap ko. This past few days hindi ko na siya gaanong nakikita kahit nga sa rooftop wala eh. Hindi siya gaanong pumapasok kaya kahit sa classroom wala yung presensya niya. Aaminin ko naman namimiss ko siya madalas kasi para kaming aso't-pusa na palaging nag aaway. Pero ok lang atleast alam kong anjan siya. Kaso ngayon wala tlga eh, as in ZERO. Kaya nagdadoubt na rin ako sa nararamdaman ko.

Pag andiyan si Rafael natutuwa ako. Pero pag andiyan si Ivan MASAYA ako.

Temporary.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon