-Kinabukasan.
Nagkatinginan kami ni Ivan kaklase ko kasi siya sa halos lahat ng subj. Nakapagtataka lang bakit biglang bumait sakin kahapon ang mokong na to samantalang hindi ako pinapansin noon. Sabagay hindi naman ako nagpapapansin sakaniya masyado akong busy sa pag aaral kaya hindi ko siya iniintindi ngayon ko nga lang nalamang nag eexist pala talaga siya sa mundo ko. Nagpa'quiz lang si Sir Jonas kaya maaga niya kaming dinismiss haaay.
Salamat naman magkaka oras ako para gawin yung research paper ko sa English. Naglakad na ko palabas ng room. Nung paakyat na ko ng rooftop my narinig akong nagbanggit ng pangalan ko. Diba siya yung hinatid ni Ivan kahapon. Si Alex! Yung nakita natin? Shemay! Eto na nga ba yung sinasabi ko kaya ayokong naiinvolve kay Ivan eh. Tumingin ako dun sa babaeng nagsalita at tinuturo niya ako sa kasama niya. Biglang nagsalita yung babae Eh ano naman. Sa tingin mo ba magugustuhan siya ni Ivan? Ang taba niya kaya. Hindi yun papatol sakaniya no. Aba't! Tarantado tong babae na to ah! Che!
Umakyat na lang ako ng rooftop. Buti pa dito walang taong manghuhusga sayo kasi literal na wala talagang tao dito. Buti na lang lagi kong dala yung laptop at pocket wifi ko atleast hindi na hassle at magagawa ko ng maaga yung research paper ko.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagtatype nang biglang bumukas ang pintuan nitong roof top. At iniluwa si Ivan. Sa pangalawang pag kakataon naguluhan ako, Bakit nanaman nandito ang lalaking to. Ts! Nakakaistorbo. Tumingin ako sakaniya ng may pagtataka sa mukha ko. Naglakad siya papunta sa likod ng tangke. Oo nga pala! Naalala ko na. Natulog siya dito kahapon baka matutulog lang siya ulit. Nakooo!! Wag lang niya akong istorbohin sa ginagawa ko.
Ahhhhhhhhh!!!! Sumigaw talaga ako. Ang sakit ng batok ko. Natapos ko na yung research paper ko, ang sarap sa feeling. Hahaha! Tok. Araaay! My bumatok sakin, pag lingon ko si Ivan nanlaki ang mga mata ko. Naku po! Oo nga pala natutulog siya sa may likod ng tangke. Sorry nagpeace sign ako di ko naman ksi sinasadya. Nakalimutan ko talaga na andun pala siya' tapos ko ng ligpitin ang mga gamit ko. Bababa na ko ng maka uwi na Lex? Lumingon ako kay Ivan. Hm? Yun lang ang naisagot ko dahil sa pagod na talaga ako.
Ako na magdadala niyan. Hatid na kita. Kinuha niya yung mga libro ko at nauna siyang bumaba sakin Magkasama sila sa rooftop? Narinig kong sabi nung babae hinanap ko agad ang boses na yun kaso ang daming babaeng nakatingin samin ni Ivan. Hinatid niya yan kahapon diba? Sakin lang pala sila nakatingin. Nanganganib ata buhay ko dto ah! Dire-diretso lang si Ivan sa paglalakad hanggang sa makarating sa kotse niya.
Bumaba siya ng sasakyan at umikot. Binuksan niya yung pintuan ko kaya bumaba na ko. Thankyou Ivan. Nginitian ko siya pag sabi ko nun, tumango lang siya at pumasok na sa sasakyan niya. Kilalang mayabang at maingay si Ivan eh bakit pag kasama ko to laging ang tahimik. Bumusina sya tsaka umalis, pinagmasdan ko lang ang sasakyan papalayo.
BINABASA MO ANG
Temporary.
Non-FictionSa totoo lang hindi ko pa alam ang isusulat ko, may naisip lang akong concept at gusto kong itry.