Una

82 28 67
                                    

Third Person POV

Sa isang mahabang pasilyo ng paaralan, may isang babaeng naglalakad. Siya si Tine, ang babaeng hopeless romantic. Habang naglalakad ng mag-isa, siya'y nakarinig ng mahinang hagikhik ng isang babae at lalake. Napatingin siya sa isang dulo at nakita ang magjowang nagkukulitan.


Napabuga siya ng hangin at saka napa-iwas ng tingin. "Bwesit naman, dito patalaga?" mahina niyang sambit.


Nagpatuloy siya sa paglalakad nang nakayuko sa sobrang badtrip nang biglang.. "Aray!" daing niya sabay hawak sa ulo niyang nauntog sa kung anong nakaharang sa kanyang dinadaanan.


Sobra siyang nainis at plano nang sermonan ang bumangga sa kanya ngunit nang maiangat niya ang kanyang tingin ay biglang umatras ang kanyang dila. She blinked ger eyes two times then divert her gaze to the other direction, "S-Sor-


Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang biglang iabot ng lalakeng kanyang nakabungguan ang telepono nito. "Wag ka na mag-sorry. In exchange, save your number in my phone." walang prenong sabi ng lalake.


She was taken aback with the guys' words. Feeling niya ay puputok na ang ribcage niya sa sobrang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Aatakehin na ata siya sa puso!


"Hey," the guy said then snapped a finget in front of Tine's face. "Are you still with me?" the guy continued.


"A-Ah o-oo," nabubulol na sagot ni Tine habang patuloy na tumatango. "Anong sabi mo kanina?" tanong niya.


Hindi nagsalita ang lalake bagkus ay winagayway niya ang teleponong kanina lang pala nasa tapat ni Tine.


"Ah, save? Yung number ko? Isesave dyan?" natatangang tanong ni Tine.


Tumango lang ang lalake. Wala sa sariling inabot ni Tine ang telepono at saka nilagay ang number niya.


After saving her number on the guys' phone, binalik niya na ito at saka nagpatuloy na sa paglalakad nang hindi sinusulyapan ang binata.


"Goodbye miss!" narinig niya bago siya tuluyang makalayo.


Mabilis na natapos ang klase kaya dumiretso na agad ng uwi si Tine. Saktong dumating siya sa kanyang tinitirhang apartment nang marinig niya ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Hinalungkat niya ang kanyang bag at nang makita ang cellphone ay agad niya itong inilabas at binuhay.


______________________________
From: Unknown
Hi, naka uwi ka na ba?

6:28pm
______________________________


Automatic na napangiti nag dalaga at saka pasalampak na humiga sa kama.


______________________________
To: Unknown
Yep, ikaw ba?

Sending failed...
______________________________


Napakunot ang noo niya nang makitang hindi na send ang reply niya. Agad niyang tiningnan ang load balance niya at nakitang 0 balance na pala ito.


"Nice timing." bulong niya sa hangin.


Tumayo siya mula sa pagkakahiga at saka dumiretso sa malapit na tindahan para magpaload.

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon