"Sino ka ba, ha?"
Ngumisi lang siya habang naka-tingin sa akin. "Why?" tanong niya.
Napa-irap ako sabay tapon sa kanya ng sling bag ko. Agad naman siyang naka-ilag kaya ngayon ay nakalapag na sa sahig ang bag ko at may putik, pa! Shet!
"Ba't ka umilag?!" singhal ko sabay padabog akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Kainis ka!"
"Alangan namang hayaan kong dumapo iyang cheap mong bag sa mukha ko?" taas noo niyang tanong.
Bwesit? nabingi ata ako sa narining ko
"Are you for real?" naiirita kong wika. Kung pwede lang ay baka mag-usok na ang ilong ko sa sobrang inis.
"BUSTED KA NA! Wag ka nang manligaw!" huli kong sabi bago nagmartsa paalis.
Hinihingi niya ang kamay ko, tapos gaganyan siya? Hindi pa ako nahihibang para makipagrelasyon sa abnormal na 'yun! Bahala siya sa buhay niya!
After class ay palinga-linga ako habang naglalakad sa hallway. Mahirap na at baka maka-bunggo ko na naman ang lalakeng 'yun.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang biglang may mag-abot sa akin ng isang pulang rosas.
"Miss, para sayo daw." wika ng estrangherong lalake na nag-abot ng rosas sa akin. Tinanggap ko ito at saka siya nagpatuloy na maglakad.
"Anong nangyaya-
"Flowers for you, Miss!" isa na namang lalake ang nag-abot sa akin ng rosas.
"Tapos na debut ko, ah? 20 years old na ako, ano 'toh?" tanong ko sa hangin.
Sinundan ko ng tingin ang lalakeng bago lang nag-abot sa akin ng rosas. Naglalakad na ito palayo, weird. Sa pagpapatuloy ko ng paglalakad ay sa wakas wala nang nag-abot sa akin ng rosas.
Konting lakad na lang at makakalabas na ako ng paaralan nang biglang may humablot ng kamay ko at kinaladkad ako papuntang- wait, soccer field?
"Hoy, saglit! Tama na ang paghila! Naiirita na ako, ah!" tuloy-tuloy kong reklamo pero wala itong sagot at patuloy lang sa paghila sa akin.
"Hindi ako aso para hila-hilain mo lang. Stop!" sigaw ko.
Sa wakas at huminto rin ito sa pagkalad-kad sa akin pero, wait ulit! Napadako ang tingin ko sa isang napakalaking banner.
"WILL YOU BE MY PARTNER IN CRIME?" ang nakasulat dito.
Kumunot ang noo ko sabay nagsilikot ang mata ko. Sino may pakana nito? After a few seconds of searching, my eyes landed to a tall guy.
Parang bumagal ang takbo ng mundo nung umikot na ito paharap sa akin. Its him! The abnormal guy!
He smiled then make his way towards me, "Hey, beautiful," he said then winked at me.
Inirapan ko lang siya pero heto parin ako't gulat sa mga nangyayari. Parang ayaw e-process ng brain cells ko ang mga nangyayari.
"Let me introduce myself properly," he said then inabot ang kamay ko.
"I'm Matteo, your boyfriend," wika niya saka hinalikan ang kamay ko.
"B-Boyfriend? Hindi ka naman nanligaw, ah?" reklamo ko saka hinila ang kamay ko.
"Nanligaw ako," tipid niyang sabi habang naka ngiti.
"Kailan?"
"Ngayon."
"Hindi naman kita sinagot, ah!" irita kong sabi sabay nag-cross arm.
"Sinagot mo na ako."
"Kailan?"
"Ngayon," diretso niyang sagot.
"Hoy! Hindi ka-
He shook his head then said, "Just shut up, will you?"
"No way, bakit naman ako tatahimik-
Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay sa isang iglap nakita ko nalang ang sarili ko na tahimik na dahil ang mga labi naming ay magkadikit.
PUTAKTE! PANO NANGYARI 'TOH? TULONG!
BINABASA MO ANG
Akala ko
Teen FictionLahat ng kababaihan ay ngangarap na mahalin, ng isang lalakeng handa silang ibigin. Ibigin ng tunay, at walang kapantay. Isa ako sa kanila, ako si Cristine Vergara. Isa akong hopeless romantic na babae, sa hindi inaasahang pagkakataon may nakilala...