Ika-Lima

19 6 4
                                    

Ilang araw ang lumipas at tuloy parin ang drama ng so called boyfriend ko na si Matt. Napakabilis ng panahon dahil mag se-second weeksary na pala kami.


My eyes roamed all over the place. Nasa isang five star hotel kami ngayon, yaman naman kasi nitong pekeng jowa ko. Ayaw ko nang magpakabitter at sinabayan ko na lamang ang trip niya.


San pa ba ako? May free pakain na, kaya go go go!


"Anong gusto mo?" tanong ni Matt sa akin habang nakatingin siya sa Menu.


Ikaw. Asa! "Ikaw na pumili, di naman sakin familiar itong mga pagkain dito."


He just nod then started blurbing about the dishes with the waiter. Nag-oorder
na siya habang ako ay abala sa pagpi-picture.


Ngiti dito sabay click, ngiti doon sabay click ulit. Busy ako sa pagpapacute sa camera nang makuha ng atensyon ko ang seryosong pagmumukha ni Matt. He's busy with his phone kaya I took the chance to take a pic of him, stolen shot.

FLASH- CLICK!


Napatingin sa akin si Matt. "Did you took picture of me without my permission?" he asked with an iritated tone.


Pa-inosente akong tumingin sa kanya sabay sabing, "What?"


He rolled his eyes then stood up and tried to reach for my phone but mabilis pa sa kidlat ang paglayo ko nito sa kanya. "Akin na yan."


I smiled sweetly at him then said, "No way, love." I winked at him.


"Ah ganun? Sige, sayo na yang picture ko," wika niya sabay inilabas ang kanyang cellphone at itinapat sa akin. After that I heard a flashing sound, pini-picture-ran rin ako ng mokong!


Itinapat ko rin ang aking cellphone at kinuhaan rin siya ng litrato. Pareho kaming tumatawa nang biglang may umubo sa aming likuran. Nilingon namin ito at nakita ang waiter na may dala-dala nang dish.


Ang bilis, ah?


"Here's your main course, ma'am & sir. Bon appetit!" wika nito bago naglakad paalis.




--
"Thank you," pagpapasalamat ko kay Matt nang makalabas na kami ng restaurant.


He smiled then answered, "Wala nang free ngayon, may bayad yan kaya wag ka magpasalamat."


Nakabusangot ang mukha kong tumingin sa kanya,"Eh? Ang daya mo naman! You should've informed me!"


Nagkibit balikat lang siya. "KKB ang date natin, hindi ba kita nasabihan kagabi?" tanong nito.


"Tae ka naman, eh! Grabe naman! Hindi pu-pwede!" 


Tumawa siya ng malakas sabay sabing, "I'm just kidding!" he leaned forward then let me faced his right cheek, "Kiss me here instead."


Nalaglag ang panga kong nakatingin sa kanya, "Are you for real? Ang kapal mo eh, noh?" naiirita kong singhal. Tumalikod na ako at nagmartsa paalis but in one swift move he held my wrist then pulled me close to him.


Ang lapit ng labi niya sa labi ko, tangina diko alam ang gagawin ko! Sinubukan kong ibaling ang mukha ko sa ibang direksyon ngunit pinaharap niya ako ulit at saka doon ko naramdaman ang paglapat ng kanyang labi.


I felt my heart beat abnormally. Nakakabaliw! Natataranta ako sa nangyayari hindi ko alam ang gagawin ko.


Bahagya siyang lumayo sa akin habang naka dikit ang kanyang noo sa akin. "Close your eyes," he whispered.


Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga ako o ano? Pero sinunod ko ang kanyang sinabi. I closed my eyes then after that I felt his lips press against mine.



"I love you Tine, sobra."

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon