"Ate, pa load po," sabi ko sa tindera nang makarating na ako sa tindahan. Inabot niya sakin ang kanyang telepono. Tinipa ko ang aking numero doon at saka inabot ito ulit sa kanya kasama na ng bayad kong bente pesos.
"Bale 10 pesos po na load."
Tumango siya at saka ibinigay sakin ang sukli. "Antayin mo nalang na maipasok na ang load," Wika niya nang nakangiti.
Nginitian ko siya pabalik at saka hahakbang na sana paalis nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses ng isang lalake.
"Gabing-gabi na ah, 'bat ka nasa labas?" tanong niya gamit ang kanyang baritonong boses.
Tama nga ang hinala ko, siya ang lalakeng nakabangga ko kanina. Tiningnan ko ang kanyang kinaroroonan. Nakatingin lang siya sa kanyang telepono, hindi man lang nag angat ng tingin sa akin.
"Psh! Pa cool!" bulong ko sabay irap.
This time inangat niya na ang tingin niya sa akin. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. "What did you say?" he asked.
I blinked my eyes two times then answered, "Nagpaload kasi ako."
Kumunot ang noo niya pero agad rin naman itong nawala. "Malapit lang yung tinitirahan mo dito?" he asked.
Yes. "No," I lied.
Tumango-tango siya na para bang nag-iisip nang sasabihin pero bago pa man bumuka ang kanyang bibig ay naglakad na ako palayo. I need to go home!
"Uuwi ka na?" pahabol niyang tanong. Argh! Isn't he getting tired of interviewing me?
"Oo, una na ako sayo. Bye!" I waved my hand then turned my back at him.
Medyo malayo-layo rin ang lalakarin ko. Two blocks away ang apartment na tinitirahan ko kaya for sure di niya ako masusundan.
While walking in a silent area may bigla akong narinig na tahol ng aso, yun bang parang umiiyak. Sabi nila kapag nagkakaganyan ang aso ay maaring may nakita ito, shit!
Pabilis ng pabilis ang hakbang ko ng bigla akong may marinig na latang tumunog mula sa aking likuran. Fuck! Wag kang lilingon. Tinakpan ko ang dalawa kong tenga sabay kumaripas ng takbo.
Nakahinga ako ng maluwag nang makapitan ko na ang gate ng apartment. Napakapit ako sa aking dibdib, napakalakas ng kabog netoh. Kala mo hinabol ako ng toro sa sobrang bilis ng tibok aking dibdib.
"Dito ka pala nakatira-
"Ay p*tangina!" napabalikwas ako.
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Siya na naman? Wait. HE FOLLOWED ME?!
"A-Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong.
"To answer your questions, yep, I am following you." Sagot niya. "Sabi kasi nila follow your dreams." Dagdag pa niya sabay ngisi.
Err. Bumanat siya? Napayuko ako. I DON'T KNOW WHAT TO SAY!
Tumikhim siya bago nagsalita ulit, "Dito ka nakatira?" tanong niya sakin ulit para maiba ang topic.
I have no other choice but to tell the truth. "Nope, yung tita ko taga dito. Nakitulog muna ako sa kanya." Parang may sariling utak ang bunganga ko at hindi sinabi ang totoo. Sana lumusot yung sinabi ko.
Tumango siya at saka tumalikod na. "We are neighborhoods then. Bye and good night to you Miss." Sabi niya bago tuluyan nang umalis.
Sinundan ko lang siya ng tingin at doon ko nakitang magkapitbahay nga lang pala talaga kami.
Panindigan mo ang palusot mo Alex! bahay pala ng tita ha? Ambobo naman!
The next day arrived. Maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon, its Friday kaya bukas walang pasok. Nang masiguro kong malinis na ang buong kwarto ko ay kinandado ko na ito at saka naglakad na palabas ng mismong apartment.
Napatingin ako sa bahay ni- wait, I don't know his name. Well hindi niya rin naman alam ang pangalan ko, quits lang kami.
Habang naglalakad ako ay bigla akong napa-hinto nang may humawak ng sling bag ko. Walang kung ano-ano akong sumuntok pero agad naman itong na pigilan ng holdaper. Sisipa n asana ako ng bigla itong magsalita, "Jeez, woman. Calm down, will you?"
Napa-angat ako ng tingin. Shocks, kung ganito lang naman pala ka pogi ang mga holdaper edi kusang loob na akong magpapahold-up.
"Ang aga-aga napaka-wild mo na."
I blinked my eyes twice then I realized that siya pala yung lalakeng nakabunggo ko sa school na stalker ko? Err. Stalker ba dapat ang term?
"Nope. Manliligaw," wika niya.
"Manliligaw mo ako," pagkaklaro niya.
Kumunot ang noo ko. Wait, what did he say? "Manliligaw? Pinagsasabi mo? Nakadrugs ka ba?"
"Oo, ikaw yung drugs. Adik na ako sayo."
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge kaya napatahawak ako agad dito, trying to hide it from him. I'm fucking blushing right now!
"Akin na ang bag mo," sabi niya sabay kuha ng bag ko. "And your hands." Then naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking kamay.
Oh shit, kinikilig na talaga ako!
BINABASA MO ANG
Akala ko
Teen FictionLahat ng kababaihan ay ngangarap na mahalin, ng isang lalakeng handa silang ibigin. Ibigin ng tunay, at walang kapantay. Isa ako sa kanila, ako si Cristine Vergara. Isa akong hopeless romantic na babae, sa hindi inaasahang pagkakataon may nakilala...