"Ate!" masiglang hiyaw ko sabay tumakbo papunta kay ate at saka siya binigyang ng mahigpit na yakap. "Ate, namiss kita ng sobra."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. "Namiss rin kita, Tine. Ang laki mo na, dalagang-dalaga na ang kapatid ko." Kumalas siya sa yakap, nilayo ako at saka ako pinagmasdan. Kumunot ang noo niya. "Naglilipstick ka na, ah? May jow-'
"Ate, liptint lang 'to!" sambit ko para maiwasan ang huling tanong niya. Sa susunod ko na siguro ipapakilala si Matt sa kanya, hahanap muna ako ng tyempo at para hindi ako mabatukan wala sa oras. Kinuha ko sa kanya ang mga pasanpasan niyang bagahe at saka ito dinala papunta sa guestroom. Buti nalang talaga may isang bakanteng kwarto kundi magsisiksikan kami sa kwarto ko.
Nang maibaba ko na ang bagahe niya ay bumalik na ako sa sala kung saan ko siya naiwan. Komportable na siyang naka-upo sa sofa ng madatnan ko ito. Tumabi ako sa kanya. "Ate, nagugutom ka na ba? Tara! May hinanda ako!" wika ko sabay hinila siya papunta sa kusina.
"Hmmm~" sabi niya habang inaamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Kahit ako ay nagugutom na rin kaya mabilisan akong naghugas ng kamay at saka naupo.
"Nagluto ka ng adobo?" nakangiti niyang sabi.
Tumango ako. "Oo, paborito mo 'to diba?" sabi ko saka siya binigyan ng adobong manok. "Ate, pakabusog ka! Ate, may alam akong matatrabahuan, may restaurant na naghahire ng-'
"Ako na'ng bahala, saka may pasok ka bukas. Magconcentrate ka sa pag-aaral."
"Sigurado ka ba'ng hindi ka magpapasama?"
Tumango siya sabay ngumiti. "Oo naman!" tugon niya.
--
Alas nuebe na ng gabi at katatapos ko lang rin ihanda ang mga gamit ko para bukas. Nakaugalian ko na kasing ihanda ang mga susuotin ko sa pagpasok bago ang araw na iyon bale sa gabi ready na ang lahat. Kaya nga dati ay napagkakamalan ako nina mama na excited mag-aral kahit ayaw ko naman talaga mag-aral. Kasama ko sina mama dati, doon ako sa Antipolo nag-aaral, kami ni ate kaso napahinto siya dahil hindi na kaya ng gastusin. Ako na ang ipinagpatuloy hanggang sa dumating ako dito sa Cavite. Isa ako sa scholar ng unibersidad na inaaralan ko kaya hindi masyado ako nahirapang mag-aral at mabuhay ng mag-isa.
Napa-kurap ako nang marinig ko ang pagtunog ng telepono ko. Tiningnan ko ito at nakitang may mensahe akong natanggap mula kay...
______________________________
From: Dodong
Sumilip ka sa bintana mo.
9:03pm
______________________________
Ibinaba ko ang telepono ko at nilapag sa kama. Lumapit ako sa aking bintana at saka hinawi ang kurtinang nakatakip dito. Automatikong sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Nakita ko si Matt nan aka silip sa bintana niya, nakatingin sa direksyon ko.
Ngumiti siya at kumaway sa akin at ganun rin naman ako. May kinuha siya sa kanyang gilid at nang makuha niya na ito ipinakita niya ito. Isang whiteboard at pentel pen ang hawak niya, winagayway niya ito kaya napakunot ang noo ko. May gusto ba siyang sabihin?
Sumulat siya at saka ipinakita ito sa akin 'KUMUHA KA NG PENTEL PEN AT WHITEBOARD!'
Tumango ako at saka naghanap sa drawer ko, nang mahanap ko na ang kailangan ko ay dali-dali akong bumalik ng bintana at pinakita ito sa kanya.
'Hi!' sulat niya sa whiteboard.
'Hello!' sagot ko naman na nakasulat rin sa whiteboard.
'And'yan na ba ate mo?' tanong niya.
'Oo, bakit?' sagot ko naman.
'Gusto ko sana pumunta d'yan.'
'Bakit?'
'Miss na kita?'
'Nagtatanong ka ba?'
'Ewan ko HAHAHAHA'
'Baliw!'
'Oo, sayo.'
Naramdaman ko na naman ang mga paru-parung nagsisilikot sa loob ng tiyan ko. "Kalma Tine!" pagkausap ko sa sarili ko.
"Tine?" narinig kong tawag sa akin ni Ate mula sa labas. Kasunod nito ay narinig ko ang pagkatok niya sa aking pinto.
Natataranta akong sumulat sa whiteboard at saka hinarap kay Matt. Ilang Segundo siyang napatitig sa nakasulat sabay namula. Ay saglit, namumula ba talaga siya? Namamalik-mata lang ata ako.
Tumingin ako sa pinto at ibinalik ang tingin sa bintana ni Matt pero pagkatingin ko doon ay nakasarado na ito, bastos! Hindi man lang nagpaalam!
BINABASA MO ANG
Akala ko
Teen FictionLahat ng kababaihan ay ngangarap na mahalin, ng isang lalakeng handa silang ibigin. Ibigin ng tunay, at walang kapantay. Isa ako sa kanila, ako si Cristine Vergara. Isa akong hopeless romantic na babae, sa hindi inaasahang pagkakataon may nakilala...