Carlo's POV
Maaga akong gumising upang igayak ang aming mga dadalhin, ipagiimpake ko pa ng mga damit ang dalawang hari ng buhay ko, dalawang lingo kaming mamalagi sa bicol tinawagan ko na ang kuya ko para makapaghanda na din sila sa aming pagdating, maya maya'y bumangon na din si JM at tinulungan ako sa pagaayos, matapos kaming mag agahan ay tumungo na kami sa terminal papuntang bicol, medyo mahaba haba ang aming biyahe.
Hapon nan g makarating kami, sinalubong kami ni ate Shane asawa ni kuya kasama ang anak nilang babae si Jane, dalawa ang kanilang anak panganay nila ay lalake si Joco na kasalukuyang nasa kolehiyo na din,..
"kumusta kana," bati ni ate Shane sabay yakap sa akin,
"ok lang te, nasan ang kuya,? Tanong ko naman, habang pinapapasok niya kami sa bahay, nilibot ng aking paningin ang buong kabahayan, ganun pa rin ito walang pinagbago, lumabas naman si inang mula sa kusina at nagmamadali yumakap sa akin,.
"ang tagal mo naman bumisita dito, kung hindi paba magkasakit ang tatay mo? Sabi ni inang na naluluha sa kasiyahan na mayakap ako,.
"sino naman itong mga kasama mo? Tanong ni inang
"ah si JM po at si Vincent," sabi ko naman
"o siya iakyat nyo muna yang mga gamit nyo," inalalayan sila ni ate Shane paakyat sa taas para ituro ang tutulugan namin, sakto naman ng pababa ni kuya sa hagdan napatingin ito sa dalawa at tila kinikilala kung sino ang mga kasama ko.,
Nilapitan ako ni kuya at niyakap bilang pagbati,.
"kung di kapa tawagan di ka man lang bumisita dito," anito
"busy kasi ako kuya," nasabi ko nalang, tumungo kami sa biranda, namiss ko itong bahay" sabi ko,"
"sino naman yang mga kasama mo?" seryosong tanong ni kuya, mamaya ko pa sana ipapakilala sa kanila pero nauna nang nagtanong si kuya,
"yung isa parang namumukhaan ko yun, yung Jowa mo nakita ko na yun sa pictures mo dati,"
"ah si JM yun, oo kami pa din naman," sabi ko nalang
"e sino naman yung isa? Bata pa yun ah, wag mo sabihing Jowa mo din,? Usisa pa nito
"si Vincent yun anak ko," napatingin sakin si kuya, at napailing,
" praning ka na ata ah, sabi nito na tila natatawa, tigilan mo yan mukhang menor de edad pa yan, tanggap na nga namin na lalake din ang gusto mo, pero wag naman daladalawa at menor de edad pa". sabi ni kuya.
Inabot ko sa kanya ang phone ko at ipinakita ang picture ni Karen, tinitigan niya ito ng matagal,
"natatandaan mo pa ba kung sino yan," tanong ko kay kuya
"oo, ito yung pamangkin ni ate Lydia, yung dating nakatira sa kanto, nasa kabilang siyudad na sila ngayon" wika nito,
"naalala mo ba yung bago mo ko ihatid sa boarding house ko sa maynila, may nangyari samin niyan at nabuntis ko siya," pinuntahan niya ko sa bahay last year at ipinakilala sakin ang batang yan na anak ko sa kanya," kwento ko kay kuya, napatingin ito sa malayo at tila may inaalala sa mga kwinento ko. tumingin ito sakin, tinitigan niya ako at biglang tumawa.
"anong kagaguhan yang pinagsasabi mo,? Nagulat ako sa reaksyon niya kasi seryoso ang mga sinasabi ko
"yung gabing bago kita ihatid sa maynila? gulat na tanong nito, Hahaha siraulo, yung naginuman kayo ng mga barkada mo? Dinala ka nitong babaing to dun sa dating kubo sa likod ng bahay, hahahah gago! Nandun kami nun," nagulat ako sa mga sinabi ni kuya dahil tila alam niya ang mga pangyayari nung gabing iyon kaya hinayaan ko lang siyang ipagpatuloy ito,
BINABASA MO ANG
I'm your Daddy
RomantikAng kwentong ito ay naglalaman ng maseselang tagpo o pangyayari na hindi naaangkop sa mga bata, at mga taong hindi bukas ang kaisipan sa relasyon at pagtatalik ng dalawang taong magkapareho ang kasarian, pinapayuhan na huwag ng ipagpatuloy ang pagba...