Vincent's POV
Pinagmasdan ko ang lalakeng itinuro ni Papa na nakatayo sa may paradahan ng tricycle, mukhang masaya naman ito sa buhay, maya maya'y may lumapit na babae dito na may akay na tatlong bata at isang sanggol, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, dapat ko pa ba siyang kilalanin o hindi? Ang mas ikinalulungkot ko ay ang malaman na hindi ko pala tunay na ama si Papa, kung saan itinuring ko ng tunay na pamilya.
Hinawakan ni Papa ang kamay ko at tinanong ako kung gusto ko daw bang magpakilala sa lalakeng sinasabi ng Kuya ni Papa na tunay kong ama, sa tingin ko naman ay hindi pa ako handa at hindi ito ang tamang pagkakataon, kaya sinabi kong "wag na lang" inirespeto naman ni Papa ang desisyon ko at matapos iyon ay tinungo na namin ang ospital.
Ok naman ang lagay ng tatay ni Papa, bumubuti na daw ang lagay nito ayon sa doctor, masaya si Papa ng lumabas mula sa silid kung nasaan nakaconfine ang kanyang ama.
Bago kami lumabas ng ospital ay tinanong ako ni Papa kung gusto ko daw bang magpa DNA test para maging malinaw ang lahat, Ok lang naman sakin sabi ko pero para sakin ay di ko na kailangan yun lumaki naman ako na walang kinikilalang ama, pero sabi ni Papa ay ayaw din daw niya, masaya siya na nakilala niya ako at kung sakaling hindi talaga kami magkadugo gugustuhin pa din daw niya na makasama ako.
Kahit maraming katanungan pinilit kong maging ok sa paningin nila.
Nung gabi ding iyon, hindi ako makatulog iniisip ko kung dapat paba akong manatili sa puder ni Papa gayong hindi ko naman siya tunay na ama, alam kong mahal niya ako at mahal ko na din sila ni Daddy JM,
Halos hindi na ako nakatulog ng gabing iyon hanggang sa umabot ng madaling araw, sa dami ng agam agam na tumatakbo sa isip ko, nagdesisyon akong umuwi sa mga lola ko sa kabilang syudad lang naman ito, kinuha ko ang mga gamit ko at umalis ng walang paalam, labag sa damdamin kong lumayo pero kailangan kong tanggapin na hindi ko sila tunay na pamilya.
Nagulat si lola Lydia ng makita akong parating magliliwanag palang iyon, nagwawalis na ang lola sa bakuran, namiss ko ang lugar na iyon, dahil sa tagal ko ding hindi nakauwi,.
"nakuu apo, bat naman bigla ang pagbisita mo dito, pinalayas kaba ng tatay mo, ha? Tanong ni lola matapos kong magmano,
"hindi po la namiss ko lang po kayo," tugon ko naman
"e bat hindi ka man lang nagpasabi ng nakapaghanda kami," ey ayan kamote ang agahan namin,. "kumusta nga pala ang pagtanggap sayo ng tatay mo? Tinanggap ka nga ba niya? Mabait naman yung batang yun, si Carlo medyo babading bading nga lang,".. hindi ko magawang sumagot sa mga tanong ni lola at di ko masabing hindi si Papa ang tunay kong ama.
"oh hayan kumain ka muna, hindi kaba napagod sa biyahe," usisa pa nito habang inihahain ang kamoteng inilaga niya., maya maya lang ay nagsigising na ang aking mga pinsan, medyo magulo sa bahay at maingay dahil sa mga bata,. Binati ako ni tito Hansel kapatid ni Mama, kakauwi lang niya galing Saudi maliit pa ako ng huli ko siyang makita, anim na taon kasi siya nagtrabaho doon, dito yata ako nagmana dahil may katangkaran siya at katamtaman ang pangangatawan, nasa mid 30's na din siya. Dalawa ang anak ni tito, dalawang taon ang tanda sa akin ng panganay niya si kuya Enzo at pitong taong gulang naman ang bunso niya na si Kaikai.
Napako ang tingin ko kay kuya Enzo ng lumabas ito ng kwarto pupungas pungas pa ito ng mata, bukol na bukol kasi yung ari niya sa shorts niyang pangbasketball, dumaan lang ito sa harap ko at tila hindi ako napansin nagmamadali ito papuntang banyo, ang kasilyas kasi doon ay nasa labas ng bahay at tabing lamang na yero ang pinto nito.
Tinungo ko ang kwarto namin ni Kuya Enzo, magkasama kasi kami sa kwarto nung dito pako nakatira magkatabi kami sa iisang papag, napansin ko ang bagong tropeo at ang mga medalyang nakasabit dito, namiss ko ang kwartong ito, sa isip isip ko.
BINABASA MO ANG
I'm your Daddy
RomanceAng kwentong ito ay naglalaman ng maseselang tagpo o pangyayari na hindi naaangkop sa mga bata, at mga taong hindi bukas ang kaisipan sa relasyon at pagtatalik ng dalawang taong magkapareho ang kasarian, pinapayuhan na huwag ng ipagpatuloy ang pagba...