Part 17

6.2K 95 14
                                    

Carlo's POV

Buong akala ko ay tuluyan ko ng hindi makakasama si Vincent pabalik ng manila, maging si JM ay ikinalungkot ang naging desisyon ni Vincent ng umuwi ito sa mga Lola niya, kahit papaano'y napahamal na siya amin ni JM at naging masaya kaming tatlo kahit panandalian lamang.

nagdesisyon kami ni JM na bumalik na ng maynila kahit may ilang araw pang nalalabi sa aming bakasyon, napagpasyahan namin na sa bahay na lamang muna kami mapaghinga, tutal maayos na ang lagay ni itay at nakalabas na ito ng hospital.

bago kami umalis ay tinawagan ko si Vincent upang ipaalam sa kanya ang aming paguwi sa maynila, agaran naman niyang sinagot ang tawag ko ngunit bigla akong nag-alala ng maulinigan ko ang pag iyak niya, alam kong hindi maganda ang kalagayan niya nung araw na yun at nagdesisyon siya na sumama sa amin pabalik ng maynila, nakaramdam ako ng pagaalala at kaakibat nun ay pagnanais na makita siyang muli, mabilis kaming hinatid ni Kuya sa bayan nila Vincent at naabutan namin siyang naghihintay sa waiting shed, niyakap ko agad si Vincent pagbaba ko ng sasakyan hindi ko na inalam kung bakit nagbago ang isip niya, mugto ang mga mata niya na alam mong galing sa matinding pag iyak, tila napakasaya niya ng mayakap ako.

Nang makabalik na kami ng Manila at nakabalik na kami ni JM sa aming trabaho at si Vincent naman sa pagaaral, hindi na ito bumalik pa sa kanilang probinsya, ipinagtapat niya sa amin ang naranasang panghahalay sa kanya ng kanyang tiyuhin, gayun pa man ay pinili niya na huwag nalang magreklamo at kalimutan nalang ang mga nangyari, 

Ipinagpatuloy namin ni JM ang aming pagsuporta sa kanyang pagaaral hanggang sa siya ay makagraduate, at ng makapagtapos siya ay sumunod na siya sa kanyang Mama sa Canada, at makalipas ang ilang taon ay nakapagasawa din ito at nagkaroon ng sariling pamilya, tuwing umuuwi sila dito sa pinas, ay dito pa rin sila amin ni JM tumutuloy kasama ang kanyang asawa't dalawang anak, at sa tuwing nandito sila ay palihim pa din siyang nakakikipagtalik sa amin ni JM, kami ni JM ay nagpakasal na ng minsan kaming magbakasyon sa ibang bansa at hanggang ngayon lalong tumitibay ang aming pagsasama.

Ako si Carlo at ito ang aking kwento"........................... 





I'm your DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon