KENJI'S POV
Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na nagawa ko yun sa kanya "lintek kinikilig ako ano bang kabaklaan to" hindi ko maiwasang mapangiti pag naalala ko ang itsura niya nung halikan ko siya, multo multo kapa ah eh multo na nga ako hehe.
Nandito ako ngayon sa ospital kung saan naka admit ang katawan ko. It's been 3 months na since naaksidente ako at naconfine dito 3 months na since naaksidente ako ng car accident.
"Ano?! Walang kwentang private Investigator na yan! Hanggang ngayon hindi niya padin mahanap kung sino ang bumangga sa anak natin? Walang kwenta! Lintek naman Ron, gumawa ka ng paraan , gumawa ka parang awa mo na Ron wag mong hayaang mawala ang anak natin"
Sabe ni mama na namumugto na ang mata sa sobrang pag iyak habang hawak hawak ang aking kamay. Niyakap ko na lamang si mama kahit na alam kong wala rin itong silbi hindi ko maiwasan masaktan pag nakikita ko siyang ganito, its been 3 months na lagi na lang ganito lagi na lang naiyak si mama at mugto ang mata kung may magagawa lang sana ako
"Anak ko kenji wag na wag mo kaming iiwan ng papa mo ha? Ang tagal mo ng natutulog baby over kana, you should better wake up na. Mahal na mahal ka namin ng papa mo gumising kana anak ko" usal ni mama na nagpapahid pa ng luha at hinalikan ang noo ko "opo ma, hintayin nyo lang gigising din po ako" pabulong na sabe ko sa sarili at niyakap siya
"Darling, tama na yan gigising din ang anak mo at gagawa ako ng paraan para mapakulong ang hayup na gumawa nito sa anak natin" pagalit na usal ni papa habang tila pinapakalma si mama at pinapatahan ito.
SHEENA'S POV
"Ms. Imperial are you listening?"
"MS. IMPERIAL!!" *boogssh*
"Ay butiki si mam!"
"Hahahahaha" narinig kong tawanan ng mga kaklase ko kung hindi ba naman ako ginugulat nito ni mam at ibagsak pa ang kamay niya sa mesa ko di sana di ko siya nasabihan ng butiki psh. Iniisip ko kasi si Kenji eh kung nasaan siya kung bakit hindi siya nagpapakita , pero bakit ko ba siya iniisip ay ewan! *iling iling* pero diko talaga mapigilan eh tsk. Ang malambot niyang labi ang maamong mukha ang gwapo at perpektong hugis ng mukha ang machong katawan ang.."Ms. Imperial in my office now!!" Galet at ma otoridad na pagkakasabe ni mam kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sundan siya.
Iginagala ko ang paningin ko dito sa office ni mam. Karen "ang creepy naman dito may kakaiba akong ambiance na nararamdaman sa kwartong ito" mahinang bulong ko sa sarili.
"So miss Imperial dahil sa ginawa mo at sinabe mo you will be suspended in 3 days" striktang pagkakasabe ni mam habang inilalagay ang mga gamit niya sa kanyang mesa.
"Pero mam, plss wag nyo po akong isuspend hindi ko po pwedeng mamiss ang mga lessons pasensya na kayo maM sorry ho talaga" pagmamakaawa ko
"Parusa mo yan dahil hindi ka na nga nakikinig sinabihan mo pa akong butiki" mataray na pagkakasabe ni mam.karen
Sa kalagitnaan ng pagsesermon ni mam napansin kong kumakaway kaway si kenji sa labas at kitang kita ito sa glass door na office ni ms. Karen. Kumaway din ako wait lang ha? Hintayin mo ako" I mouthed to him dahil alam kong di nya naman ako maririnig.
"Miss I-Imperial? What are you doing?" Tila gulat at nauutal pang sabe ni mam. Karen.
"Si kenji mam nasa labas hindi nyo ba nakikita?" may halong pagtatakang sagot ko sa kanya eh ayun si kenji oh ang gwapo gwapo hindi niya nakikita? May sapak ata tong si mam eh.
"Who's kenji?"
"Kenji Morales po" kunot noong sagot ko kay mam at nagulat ako ng biglang nanlaki ang mata niya at nanginginig nginig pa "dont fool me Ms.Imperial, wag mo akong takutin hindi nakakatuwang biro yan, hindi mo ba alam na..""Ms.karen 3pm meeting in principal office sunod nalang daw po kayo sabe ng principal"sabe ng co-teacher ni mam.karen lintek ng naputol tuloy ang sasabihin at ano naman ang sinasabe niyang tinatakot siya? Insane.
"Ok susunod na ako! Oh miss Imperial ha? Pagbibigyan kita ngayon pero dont you ever dare na ulitin pa to ok? Dali alis na!" Iwas tingin na sabe ni mam at tila madaling madali hindi ko na ito kinulit pa at baka magbago pa ang isip.
-
"Bat parang hindi kita nakikitang pumapasok?" Tanong ko kay kenji na nakahiga sa lap ko ewan ko ba sa sarili ko kung bakit parang sobrang komportable ko pag si kenji ang kasama ko pakiramdam ko ligtas at hindi ako nag iisa. "Napasok ako hindi mo lang nakikita, dito naman sa side na ito" makautos itong lalaking to. I-massage ko daw kasi ang ulo niya tch. "oo na po sir" sarcastic kong sagot sa kanya "cute mo talaga" usal niya at kinurot pa ng bahagya ang ilong ko, pakiramdam koy nag init ang dalawang pisngi ko at pakiwari koy sobrang namumula na ito "your blushing" titig na titig niyang sabi at ngiting ngiti pa sa akin nak nang tokneneng naman kinikilig ako "hi-hindi aa ah ano natural yan" iwas kong tingin na sagot sa kanya.*boogssh*
Nagulat kaming dalawa ni kenji sa ingay na yun para bang may bumagsak na kung ano "dito ka lang iche-check ko" may pag aalalang sinabe ni kenji pinagmasdan ko lang siya na tignan iyon bakit parang kinakabahan ako "wala namang tao eh tara baba na tayo" "sige" pagka rating namin sa pinto ay may napansin akong Ribbon sa sahig isang pink na ribbon na pangtali sa buhok mabilis kong inilagay iyon sa bulsa ko.
RICA'S POV
"Rica ano ba kasing ginagawa natin dito? So gross ang dami kayang germs""manahimik ka nga jan Ashley tatapalan ko ng maraming french fries yang bibig mo later, just shut the fuck up ok?"
"Okie sabe you promise me huh" maarteng pagkakasabe ng friend kong si Ashley. So kairita! Nag i-spy kame to that sheena girl masyadong pabida at matapang eh.
"Oh my god Rica! Why siya nagsasalita mag isa? is she baliw na ba? So creepy lets make alis na dito gosh!"
"Wag ka ngang maarte bilisan mo kuhanan mo na ng video bilis" akala mo ha! May balak ka pang agawin sa akin ang kenji ko. Ilalabas ko ang baho mong bitch ka! "Im done na Rica lets go na dali" at dali dali na kaming umalis roon napatid pa si Ashley at bahagyang napahawak sa buhok ko so clumsy kase , naglagalagan tuloy ang mga walis. Kaya mabilis nameng tinungo ang hagdan pahamak kasi itong ashley na ito eh! "Humanda ka Sheena!"
-Happy Valentines guys :) pa Vote yun na lang ang gift nyo haha. Thankie :* enjoy :)

BINABASA MO ANG
my crush is a ghost
Randomito ay storya ng isang babaeng matagal ng inlove sa isang lalake lingid sa kanyang kaalaman ang lalake ay matagal na ding inlove sa kanya hanggang isang araw ay pinagtagpo sila ng landas ngunit hindi nya alam na ang lalakeng nakakasama at mahal nya...