Tila tumigil ang mundo ko at binalot ng takot ang buong katawan ko sa nakikita ko sa malaking Screen na ito. Wala akong ibang nariring kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Maging ang mga tao sa paligid ay tila gulat din, bulungan dito bulungan doon ng kung ano-ano . Hindi ako naniniwala sa videong iyon kaya para sa akin ay inedit lang ito.
"See? Kitang kita naman sa videong ito nababaliw na ang babaeng yan! Isa syang baliw kaya dapat ma-expell na sya sa skwelahang ito at ilipat sa mental hospital.."
Rinig kong pasigaw na sambit ni Rica, Walang hiyang babae to! Sya pala ang may pakana ng lahat . Sigurado akong inedit nya lang ang videong iyon dahil imposible naman na maging multo si Kenji.
Hindi ko na nakayanan pa ang mga nakikita at naririnig ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng School hindi ko alam kung san ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo hindi ko na alam kung anong tama o mali sa mga nakikita ko. Pakiramdam ko ay palagi akong niloloko ng tadhana.
Unti unting pumapatak ang malalaking patak ng ulan hanggang sa bumuhos na ito ng malakas. Napaupo na lang ako sa gilid ng kalye at napatakip ng mukha saka napahagulgul. Wala akong pakialam kung nababasa ako ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng bigat na nararamdaman ko.
THIRD PERSON'S POV
Labis labis at abot tenga ang ngiti ni Rica ng makita nyang pahiyang pahiya si Sheena. Lalo pa itong natuwa ng makita nyang tumakbo ito palabas ng eskwelahan.
Ngayon ay tapos na ang palabas inaayos na ang Screen na malaki at ang mga kalat doon. Hindi na nangialam pa ang mga guro dahil takot ito sa mga magulang ni Rica na nagtatrabaho sa publiko at malaki ang share sa eskwelahan. Unti unti na ring nag si alisan ang mga tao na may bahid parin ng pagtataka ang pagkagulat ang mga mukha.
Sa kabilang banda taimtim na nakatanaw at galit na galit si kenji sa kanyang nakita at narinig. "Humanda ka sa akin Rica, oras na magising na ako ihanda muna ang sarili mo!" Madiin na bulong ni kenji sa sarili.
Walang kwenta ang tingin nya sa sarili nya wala manlang syang magawa . Ni maipagtanggol ang babaeng pinakamamahal. Ngayon ngay hindi nya pa alam kung nasaan ito. Kaya mabilis itong umalis at hinanap ang mahal nya.
YURI'S POV(Bestfriend ni Kenji)
"Rica mag usap tayo" ma awtoridad kong sabi kay Rica. Alam kong matagal na syang may pagtingin kay kenji simula nung bata pa kami pero hindi pa din tama ang ginawa nya kay Sheena.
"what? Ano ipagtatanggol muna naman ang babaeng iyon?" Maarte at nakairap na wika nito
"Hindi tama ang ginawa mo Rica, oo alam kong galit ka sakanya dahil alam mong nuon pa man ay may pagtingin na sa kanya si kenji. Ano na lang ang magiging reaksyon ni kenji pag nalaman nya ang ginawa mo? Sa tingin mo ba matutuwa sya? Tandaan mo nandyan lang sya sa paligid at binabantayan ang babaeng mahal niya kaya magi pa tumigil ka na hindi ikaw ang gusto pinapababa mo lang ang sarili mo, napaka rami pang iba jan Rica" wika ko rito at mabilis syang tinalikuran.
"What ever! Lets go na nga Ashley"
Narinig ko pang pahabol na sinabe nya ng padabog. Pssh napaka bitch talaga. Oo alam kong magkaybigan kami pero hindi ko kinukunsinte ang mga masasamang ginagawa ng kaibigan.
SHEENA'S POV
nandito kami ngayon sa mall with uhmm Drake? ang tumulong sa akin na pagaangin ang loob ko. Paano kami nagkakilala?
FLASHBACK~
Nilalamig na ako sa sobrang pagka basa ko nakaupo lang ako rito sa gilied ng kalsada at nakatulala buti na lang at huminto na ako sa pag iyak pero gulong gulo padin ang isip ko.Tinaas ko ang palad ko at inilahad ito para pakiramdaman kung tumila na nga ang ulan n at nakaramdam ako ng tila may nagpatong ng kung ano sa balikat ko.
Itim na jacket tumingala ako payong lang pala akala ko naman ay tumila na nga ang ulan. Maya maya pa ngay may umupong lalaki sa tapat ko na pinantayan upo ko.
"Sino ka?" Walang emosyon kong tanong sa kanya
"Ako si Drake, Drake Thomson" nakangiting tugon nito at inilahad ang kamay niya na tila makikipag Kamay. Tinignan ko lang iyon at hindi ko inabot wala Nga sa mood dba. Kayat tumango na lang ako.
"Napanuod ko kanina ang video at hindi ako naniniwala roon, alam kong lahat ng bagay may kaakibat na paliwanag. Nakita kitang tumakbo kaya sinundan kita" nag aalalang sambit nya.
Mabilis akong nag angat ng ulo at kita kong nakangit sya. May itsura si Drake gwapo sya, matangkad,matipuno ang katawan at mahahalata mo sa itsurang mayaman ito.
"Hindi ka naniniwala?" Manghang tanong ko sa kanya. Tumango lang ito habang nakangiti. Ang ganda ng smile nya nakakatunaw *iling *iling ano ba Sheena may problema ka wag kang lumandi.
"Tara sa mall? Lilibre kita ng Ice cream" nakangiting tanong nito.
End of Flashback.
"You mean pwedeng may posibilidad na kaluluwa na talaga si Kenji?" Nagtatakang tanong ko kay Drake nandito kami ngayon sa isang sikat na Ice cream parlor sa mall , nakapagpalit nadin ako ng damit . Binilhan nya ko ng simpleng short at shirt lang. Dahil nakakahiya naman sabe ko ngay babayaran ko nalang sya no not need na daw. Edi wag na katipid pa ko diba haha.
"Oo meron pero may posibilidad parin naman na inedit lang ang video dahil sa panahon ngayon wala ng imposible. Modern na kaya lahat ng gamit no." Sabe nito habang sumusubo ng chocolate icecream nya. Ang cute nya talaga gosh.
"Oo nga hindi ako naniniwala na kaluluwa na talaga si kenji no tsk basta imposible" I said. Habang naiiling iling pa.
"Basta Sheena follow your heart sundin mo lang kung anong nararamdaman mo" nakangiting tugon nito at ngumiti na lang din ako.
"Ah Sheen pwede ba?" Tanong nito na bumasag ng saglit na katahimikan.
"Pwede bang ano? Naku wag muna hindi pa ako ready drake. Kung manliligaw ka plss ipaalam Muna kay papa plss drake"
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHA hindi tatanong ko lang sana kung HAHAHAHA. pwede ba tayo maging magkaibigan HAHAHAHA" tawang tawang saben ni Drake oh lord kunin nyo na ko ngayon din nakakahiya.
"Ah eh hehe oo naman"
"Haha thanks ang cute mo nakakatawa ka pala" nakangiting sabe nya at kinurot pa ang dulo ng ilong ko. Oh jusko piling koy sobrang pula ko na.
Tumawa na lang kaming parehas at ipinagpatuloy ang pagkain. May dalawang oras pa kaming nag ikot sa mall at maya maya umuwe na ren.
- -
Sorry late update guys :) wala kasing load iih hihi :D pakibasa yung isa ko pang story "ANG BOYFRIEND KONG UNDER" yung title :) punta lang kayo sa wall ko tapos sa works :) :*
Thankie guys :) enjoy reading :D

BINABASA MO ANG
my crush is a ghost
Randomito ay storya ng isang babaeng matagal ng inlove sa isang lalake lingid sa kanyang kaalaman ang lalake ay matagal na ding inlove sa kanya hanggang isang araw ay pinagtagpo sila ng landas ngunit hindi nya alam na ang lalakeng nakakasama at mahal nya...