SHEENA'S POV
Lunes na ngayon at may pasok nanaman discuss discuss dito discuss doon yun lang gnawa namen buong araw. Napag desisyunan namen ni kenji na sa rooftop nalang magkita mamayang lunch aba ewan ko ba! Dun daw ang gusto niya para walang makakakita. Lage nga ako nagtataka kung bakit ayaw nya ng may makaka kita sa amin eh para bang may tinatago sya.
Naglalakad na ako papuntang rooftop para puntahan na siya doon dahil alam kong naiinip na siya kakahintay sa akin.
Hoy panget, san ang punta mo?" Bulyaw ng isang maarteng boses babae na hindi ko naman kilala nagpatulo'y lang ako sa paglalakad na tila bay walang narinig.
Napabalikwas ako sa marahas na paghawak niya sa aking braso "wag na wag mo ako tatalikuran babae kinakausap kita" galet na galet nyang sabe sa akin unti unti nadeng dumadame ang mga nakiki osyoso sa amin at tila ba nanunuod ng isang teleserye "bitiwan mo ako! Hindi kita kilala!" Pagalet kong sabe at itinulak ko sya at napa upo siya sa saheg.
"Oooohhhh" rinig kong hiyaw ng mga tao sa paligid nanlilisik na mga mata ang tumigin sa akin. Mabilis den siyang tumayo at akmang susugurin ako para saktan pero nagulat kame na may humawak na kamay sa kanyang braso at pinigilan siya "Rica tama na yan." Malumanay na pagkakasabe ng nagmamay ari ng boses ng isang babaeng hindi ko din kilala pero pamilyar para sa akin ang mukha nya "may araw kaden saken babae ka!" Pagalet na sabe nung Rica ang pangalan. "Oh ano pang tinitingin tingin nyo? Alis!" Narinig ko pang pahabol na sabe nya na tila sinusuway ang mga nanood sa amin.
Habang paakyat na ako ng rooftop ay hindi ko maiwasang isipin kung sino si Rica at ang babae . Anong kaugnayan nila sa akin bakit galet na galet sa akin c Rica.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nag hihintay at alalang alala sayo" sabe niya na may bahid ng pag aalala ang mukha "nag c-cr lang ako" pagsisinungaling ko "Cr? Talaga lang ha? Ganun katagal?" Sabe nya at nag smirk pa ang loko "kumaen na nga tayo" sabe ko para maiba naman ang usapan at umupo sa dulong bahagi ng roof top na hindi tinatablan ng araw "teka bakit ang pula ng braso mo san mo nakuha ito?" Mabilis kong binawi at itinago sa likod ang braso ko "wa-wala to kumaen na tayo" pagsisinungaling ko ulit. Naka dalawang pagsisinungaling na ako ngayong araw na ito psh. Tinitigan nya lang ako na para bang alam nya na nagsisinungaling ako.
KENJI'S POV
Kanina pa ako nandito sa room nila sheena hinihintay ko lang silang mag lunch break antagal nga eh naiinip na ako dito mabuti na lang at di nya ko nakikita dahil nasa likuran ako.
Maya-maya pa ay nag bell na nakita kong nag ayos si pa sheena nagsuklay at tila ba nagpapaganda napangiti ako sa nakikita ko ang ganda talaga niya kaya walang duda na mahal ko siya.
"Hoy panget, san ang punta mo?" Nakita kong pataray at pagalet na tinawag siya ni Rica. si Rica Sarmiento classmate ko siya last year at this year nadin kung hindi lang talaga tsk.timawag niya si Rica at nakita kong dire diretso paden ito sa paglalakad at ano ang problema ng babaeng ito? Sa pagka kaalam ko deads na deads sa aken itong Rica to eh. Di naman sa nagmamayabang pero totoo talaga . At tinawag niya pang pangit ang mahal ko aa tss. Eh wala naman sya kung ikukumpara kay sheena.
"wag na wag mo ako tatalikuran babae kinakausap kita" nakita kong hinawakan nya si sheena ng mahigpit sa braso at nakita kong nasaktan siya sa higpit ng pagkaka hawak ng Ricang ito kumulo ang dugo ko sa nakita ko kahit alam kong wala akong dugo hehe aba sumosobra na ito ah! "Hoy Rica! Bitawan mo nga si sheena!" Sigaw ko sa kanya pero alam kong hindi iyon makakatulong dahil wala namang nakakarinig sa aken Im so useless hindi ko manlang maipagtanggo ang babaeng mahal ko wala akong kwenta.
"Rica tama na yan" Rining kong sabe ng isang boses si Yuri, Yuri Aguilla ang Bestfriend ko malungkot ko syang tinignan habang inaawat nya ang senaryo ng bahagyang tumingin din ito sa akin hindi ako tanga dahil alam kong nakikita nya ko.
ca.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nag hihintay at alalang alala sayo" tanong ko sakanya kahit alam ko at nakita ko naman ang nagyare kanina "nag c-cr lang ako" "Cr? Talaga lang ha? Ganun katagal?" Aba mag sisinungaling pa ang isang to "kumaen na nga tayo" pag iiwas nya sa tanog "teka bakit ang pula ng braso mo san mo nakuha ito?" Mabilis kong binawi at itinago sa likod ang braso ko "wa-wala to kumaen na tayo" makahulugan akong tumingin sa kanya.
SHEENA'S POV
"Anong pangalan ng mama mo?
"Keria Morales ikaw?"
"Trina ang pangalan ni mama kaso wala na siya eh nasa heaven na namatay siya nung ipinapanganak nya ko"
"Ah sad naman pala, Si mama nasa Ospital binabantayan ako"
"Ha?"
"Wa-wala sabe ko binabantayan ni mama sa ospital kapatid ko magkamukha kase kame kaya ko nasabeng ako" "talaga? Pwede ko ba siyang dalawin?" "Ha? Hi-hinde pwede eh ngayon eh, next time nalang siguro" "ah ok" nakangiti kong sabe sakanya ganito lang kame kanina pa tanungan ng kung ano-ano getting to know each other stage ika nga.Marami naman den akong nalaman sa kanya parehas kameng 17 years old, may dalawa siyang kapatid si Kendra at Kenzie. Si Kendra ay 5 years old girl at si Kenzie naman ay 11. Marami kameng simillarities like mahilig sa music sa sports naman ay badminton, Ice cream naman ang sa pagkaen atbp. Napag alaman ko din na sa iisang street lang kame nakatira kaya pwede kame sabay mag uwe .
*KRIIIIIINNNGGG*
"Oh pano kenji mamaya nalang ha?" Nakangiti kong sabe sakanya "sige ingat ka" matamis na ngiti nyang tugon . Parang umirit sa sobrang kakiligan Sa tingin koy namumula pa itong pisngi ko :).
Mabilis deng natapos ang klase at agad ko ding natanaw si kenji na naghihintay sa akin sa gate. Ngumiti ako sa kanya "kanina kapa?" "Hindi naman"
"Baliw nag sasalita mag isa oh" haha baliw baliw baliw! Narinig kong tukso sa akin ng mga bata bahagyang kumunot ang noo ko pagsasabihan ko na sana ang mga bata ng biglang hinila ako ni kenji papalayo "teka bakit ba? Kelangan pagsabihan ang mga batang iyon maling asal ang ginagawa nila" usal ko na may halong pagkairita sakanya "Sheena hayaan mo na bata yun" sabe nya gamit ang malumanay na boses.
"Pero sabe nila baliw daw ako"
"Bakit? naniniwala ka ba?" Makahulugan nyang tanong.
"Ano ba namang tanong yan kenji syempre hindi bakit multo ka ba? Tss" inis kong sagot sa kanya at inirapan siya. "S-syempre hi-hinde no" nauutal nyang sagot na tila kinakabahan pa "hindi naman pala eh! Teka nga takot ka ba sa multo? Bat parang kinakabahan ka? Hahaha wag mong sabihing takot ka? Hahaha" natatawang sabe ko sakanya nakakatawa kasi yung itsura. "Hindi syempre. Ewan ko sayo sheena" sabe nya na halatang naiinis na. "Aminin mona takot ka sa multo ano? Hahaha" "ewan ko sayo sige na bye na" *tsup*Napatigil ako sa pagtawa nang naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking pisngi para akong kinukuryente at may mga uod na gumagalaw sa aking tyan alam kong butterfle iyon mas gusto ko ang Uod dahil takot ako sa butterfly .
*dug dug*
*dug dug*
Ang puso ko wala na namang tigil napasigaw ako habang naglalakad pauwe *kyaaaahhhh* kinikilig ako at abot tenga ang ngiti ko ansaya saya ko kyaaahhhh sana magtuloy tuloy pa ito.

BINABASA MO ANG
my crush is a ghost
Randomito ay storya ng isang babaeng matagal ng inlove sa isang lalake lingid sa kanyang kaalaman ang lalake ay matagal na ding inlove sa kanya hanggang isang araw ay pinagtagpo sila ng landas ngunit hindi nya alam na ang lalakeng nakakasama at mahal nya...