SHEENA'S POV
Naglalakad na ako papasok ng school pilit kong inaalala ang nangyari kahapon. Natatakot ako na baka apihin nanaman ako pagpasok ko mamaya natatakot ako na baka iwasan at katakutan nila ako dahil lang sa isang pagkakamali natatakot ako na baka pag sinubukan kong magpaliwanag ay wala ni isang maniwala sakin. Sino ba ako para paniwalaan nila diba? Ano bang kalaban laban ko kay Rica *sigh*
Ang tanging ipinagtataka ko lang ay bakit hindi dumating si kenji para manlang ipagtanggol ako. Bakit di cya pumasok para makipag kita manlang hayss buhay!!
Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng room namin at hawak ang seradura nito. Sobra akong kinakabahan sa mangyayari baka mamaya pagbukas ko ay may lumipad sa mukha kong sapatos o di kaya naman mga itlog o binalot na papel.
Dahan dahan kong pinihit ang seradura neto
Papasok na ako..
Bubuksan ko na..
Isang pihit, kalahating bukas..
Isang hakbang pakanan..
Marahan lang ..
Isang hakbang pakaliwa..
Pasok!!!
"AAAAAHHHHHHH!!".
Malakas na tili ko habang nakataas ang dalawa kong kamay na magka Cross at nakatakip sa mukha ko na tila sasalubungin ang kung anong ibabato nila sa akin.
Tingin sa dalawang braso
Tingin sa katawan
Hawak sa mukha.
"Hehe wala pala" tugon ko.
Thank God walang binatong kahit ano sa akin pero hindi ako nakaiwas sa mga titig nila. Mga matang walang emosyon lahat sila. Ang awkward pinagpapawisan na ako kaya napayuko nalang akong tinungo ang assigned sit ko sa likod.
Dahan dahan na akong naglakad pakiramdam koy napaka layo nito. Sobrang kinakabahan na ako at ang bigat ng paa ko dahil ang bagal bagal ko. Sh*t
"Good morning class"
Sabe ng guro na bumasag ng katahimikan ng lahat napapikit na lang ako ng marahan. Bumalik na rin sa dati ang mga kaklase ko.
After an hour ago.
Lunch break*
Taimtim kong iniimis ang mga gamit ko at sinilid ito sa loob ng bag. Hinihintay ko muna ang lahat na makalabas magpapahuli na lang ako at baka matulak pa ako.
.
"Ah Sheena! Sabay na tayo maglunch?" Habol na pagkakasabi ni Drake sa akin at nakahawak pa sa kanyang batok."Ha? Ahmm ok sige" ngisi kong tugon dito.
Hindi na muna ako pupunta sa rooftop dahil nagtatampo ako kay kenji baka hindi rin naman cya pumasok.
THIRD PERSON'S POV
Sabay na naglalakad si Sheena at Drake patungong cafeteria ng school. Parang magkasintahan ang dalawa at masayang nagtatawanan pa, lingid sa kaalaman ni Sheena ay nakasunod lang sa kanya si kenji na tila inis na inis marahil ay nagseselos ito.
Nakasunod lang si kenji sa likod ni Sheena dahil baka makita siya nito "nakakainis!! Sino ba tong lalaking to , di hamak na mas gwapo naman ako dito. At di isa pa di sila bagay ng Sheena ko kami lang ang bagay kami lang!!!" Usal nito na tinitignan si Drake mula ulo hanggang paa.
Pagpasok nila ng cafeteria ay hindi nakaligtas sila Sheena sa mga titig at bulungan ng mga estudyante doon naiinis si kenji sa kanyang mga naririnig at nakikita.
"Baliw na nga flirt pa" narinig ni kenji ang isang grupo ng mga nagbubulungan doon "tama ka jan girl, lakas ng loob landiin ang papa Drake natin as if naman na patulan siya nito" rinig ulit nito at nagtawanan ang mga babae. Nagpanting ang tenga nya sa mga narinig "Flirt, malandi , baliw? Hoy kayo mas muka pa kayong malandi at baliw kay Sheena no mga loosers insecure ugly bitch. Kung sa tingin nyo ay ikakaganda nyo ang pagkukulay ng mukha sana kinain nyo rin yung make up para gumanda din yang ugali nyo!!" Pagtatanggol ni Kenji sa babaeng mahal niya sana lang ay naririnig cya nito.
"Wag na lang kaya tayo dito kumain Drake?"
Narinig nyang bulong ni Sheena kay Drake tila nahihiya ito."Akong bahala sayo nandito ako" narinig nyang bulong naman ng binata kay Sheena pero ang nakakakuha ng atensyon niya ay ang nakita niyang Pag hawak ng kamay ni Drake kay Sheena.
Biglang kumunot ang noo ni kenji galit na galit cya selos na selos wala syang magawa kundi tignan na lang ng masama ang dalawa.
Hindi na niya nakayanan pa ang nakikita sobra sobra na ang pagseselos niya kaya naman ay umalis na ito at nagtungo sa rooftop para magpalipas ng sama ng loob.
SHEENA'S POV
Kaninang pagkapasok namin ni Drake sa cafeteria ay nakaramdam nanaman ako ng kaba.Hindi nanaman ako nakaligtas sa mga titig at bulungan nila. Hindi ko alam na heart throb pa pala itong si Drake dahil kitang kita ko ang mga mata ng mga babaeng nagniningning na tumitingin sa kanya at tila irita naman na tumitingin sa akin.
"Wag na lang kaya tayo dito kumain Drake?" Bulong ko kay Drake, hindi ko kasi makayanan ang mga titig nila pakiramdam koy binabaon ako nito sa sobrang kahihiyan.
"Akong bahala sayo nandito ako" bulong naman ni Drake sa akin na nagparamdam sa akin ng safetyness. .
Lalo kong ikanagulat ng hawakan niya ang kanang kamay ko . Sobrang namumula na siguro ang pisngi ko ngayon na parang kamatis. Pero bakit ganun ang lamig hindi naman siguro ito kamay ni drake. At kumain nalang kami.
KENJI'S POV
Galet na galet akong umakyat paitaas ng Rooftop dun nalang ako maglalabas ng sama ng loob kay Sheena at sa lalaki niya."UUUUGGGGGHHHHH!!!!!!"
*BOGGSSHH*
sigaw ko habang sinipa ang upuan doon at sinuntok ang pader hindi niya alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. Damn!
"Nakakainis!! Nakakainiss sila!! Hindi niya ba alam na nagseselos ako bwiset.!!"
*BOGSSHHH*
"wag ka dito magwala ang ingay mo"
Teka nagkamali lang ba ako ng pandinig? O talagang may narinig akong boses ng babaeng nagsalita? Kung ganon ay nakikita niya ko? Nakaramdam ako ng kaba dahan dahan kong nilingon kung saan nanggaling ang boses at laking gulat ko ng makita siya.
Nakikita niya ko?!!!!!!! O____O
itutuloy...
Comment vote and share :)

BINABASA MO ANG
my crush is a ghost
Randomito ay storya ng isang babaeng matagal ng inlove sa isang lalake lingid sa kanyang kaalaman ang lalake ay matagal na ding inlove sa kanya hanggang isang araw ay pinagtagpo sila ng landas ngunit hindi nya alam na ang lalakeng nakakasama at mahal nya...