"Nasa loob po si Mr. Anderson."
Ito ang sabi ng secretary ni Dad bago umalis. Nasa school ako kanina nang bigla niya akong nilapitan, ang akala ko'y nandito ito para sunduin si Trish pero sabi niya sa'kin ay pinapatawag daw ako ni Dad sa office niya dahil may importante itong sasabihin. Ilang beses na akong inimbitahan ni dad para kami raw ay makapag-usap ngunit palagi ko itong tinatanggihan. Pero sa pagkakataong ito ay nagdalawang isip ako.
Napagtanto kong panahon na rin siguro para pagbigyan ko si daddy. Iniisip ko rin na baka mabawasan ang lahat ng sakit na dinadala ko ngayon kapag nakausap ko siya.
Bumilis ang tahip ng aking dibdib pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kanyang opisina. Iniwan na agad ako ng secretary pagkatapos niya 'kong ihatid dito.
Dahan-dahan 'kong pinihit ang door knob at pumasok. Nakita kong nakatitig siya sa bintana kung saan makikita ang buong siyudad at mukhang malalim ang kanyang iniisip.
Napatayo siya nang marinig ang pagsara ng pintuan at iminuwestra niya sa akin ang upuan sa kanyang harap at umupo naman ako kaagad doon.
"How are you?" Tanong niya sa'kin.
Of course, he will ask that, sa tinagal-tagal ba naming hindi nagkita. Siguradong marami kaming hindi alam sa isa't-isa.
Mas lalong tumanda ang kanyang mukha at kita na rin ang mga puti niyang buhok. Pumayat siya at halatang pagod.
"I'm fine, Dad." He nodded. Medyo naiilang ako sa kaniya dahil sobrang tagal na naming hindi nag-uusap. I cut all my connections to him starting the day he rejected us.
"Salamat at sa wakas ay pumunta ka," happiness was evident on his face.
I missed him. I missed how he would spoil me with designer bags ang clothes. He is always treating me like a princess. Not until he lost time for me. Minsan ay hindi na siya umuuwi hanggang sa nalaman ko nalang na nasa iisang school na kami nag-aaral ni Trish.
"Dad... I want to know why did you call me here?" He then looked at me. "I'm sorry."
I looked at him, full of longing... Longing for a father. "There's no time for that, Dad. Your apology can't mend the damage you've done to me... to mom."
Akala ko, mapapatawad ko na siya kapag nagkausap na kami. Hindi pala gano'n kadali.
Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago magsalita."I want you to take over the company."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya at tumawa. "That's absurd! Kay Trish dapat 'yan since she's your legal daughter, too. That's a big responsibility. Baka sisihin mo pa ako kapag bumagsak ang kompanya nang dahil sa'kin."
"Look.... I want you to take over the company not because I want you to forgive me. I want you to take over it because you are far more eligible and responsible than your sister and I'm getting older...."
Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. Naiinis ako dahil ipapatawag niya lang pala ako para ibigay ang kanyang pasanin sa akin. Hindi niya ba pinagkakatiwalaan si Trish? Sarili niya 'yong anak. Kaya mas lalong nagagalit si Trish sa akin dahil akala niya'y inaagaw ko ang kaniya.
And speaking of the devil.
"WHAT THE HELL IS THIS?!" Biglang bumukas ang pintuan ng office ni dad at iniluwa nito si Trish na umuusok ang ilong at tenga. Halatang nagmadali itong pumunta rito nang mabalitaang ipinatawag ako.
I can feel that she is threatened. Siguro ay expected na niyang sa kaniya ipapamana ang company. Hindi ko nga alam na interesado pala siya sa business gayong nagmo-model siya.
YOU ARE READING
Under the Sun (Viramontez Series #1)
RomanceLevi immediately bought a ticket to Palawan when she found out that traveling is not restricted anymore. She wants to take a break from her complicated life, so she went on a vacation. Later on, she found herself staying in a hotel room with a compl...