"Levi, I-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at nasampal ko siya. Nakita kong napahawak siya sa pisngi niya na pulang-pula na ngayon. Kita ko rin ang gulat sa mukha ni Trish matapos kong gawin 'yon.
"Lev-"
Dinig na dinig ko pa rin ang tawag ni Clint sa akin habang naglalakad ako palabas. Isa-isang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at tumigil ako sa paglalakad para harapin siya.
"Totoo ba?" Nabasag ang boses ko nang itanong ko iyon.
"Lev, please-"
"TOTOO BA?!" Umalingawngaw ang sigaw ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ngayon, pagkatapos niyang sagotin 'to ay aalis na rin naman ako kaagad.
"Y-Yes" Naluluha niyang sagot.
Mas lalong sumiklab ang galit na aking nararamdaman dahil umaasa akong hindi totoo ang sinasabi ni Trish. Naalala ko ang seryosong usapan nila ni Nack na ayaw niyang sabihin sa akin. All this time ay alam ni Nack at hindi niya man lang sinabi sa akin.
Akala ko sa pagbalik namin ay magkakaroon ng sagot ang lahat pero mas lalo lang dumami ang mga tanong na kahit ako ay hindi ko masagot.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Ava sa akin.
Pagkatapos ng usapan namin ni Clint kanina ay pumara kaagad ako ng taxi. Sinalubong ako ng masayang mukha ni Ava at napalitan agad iyon ng pag-aalala nang makita ang namumugto kong mata.
Nilapitan niya ako at niyakap. Kumawala ulit ang malakas kong iyak at pinatahan niya naman ako. Habang ikinukuwento ko ang mga nangyari sa kaniya ay hindi ko mapigilang mapahikbi. Sobrang daming alaala ang naiwan at nasayang dahil sa isang kasinungalingan. Bakit hindi niya na lang sinabi kaagad sa akin? Ginawa niya akong kabit for fuck's sake!
"Maybe he's not the right man for you, beshywaps" Natawa nalang ako sa tinawag sa akin ni Ava at dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Nagpapasalamat ako at kahit papaano ay nasa tabi ko si Ava kapag kailangan ko siya. Hindi ko alam ang gagawin kapag wala siya at si Tita lalo na at ako nalang mag-isa.
"Eh sino ang para sa akin kung ganun?"
"Baka tayo talaga ang para sa isa't-isa" Natatawa niyang pang-aasar. Tinampal ko ang braso niya at tinignan siya ng masama.
"Tanga, hindi tayo talo!" Ngayon ay dalawa na kaming tawa nang tawa sa aming pinag-uusapan.
"Have you decided yet?" Seryosong tanong ni Daddy sa akin.
Isang linggo rin akong nagkulong sa kwarto ko para pag-isapan ang mga gagawin ko at para maayos ko ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Ang unang ginawa ko ay ang pumunta rito para sabihin ang desisyon ko dahil ito naman talaga ang rason kung bakit ako nagbakasyon sa Palawan. Kahit na palagi kaming magkasama ni Clint ay naiisip ko pa rin kung ano ang magiging desisyon ko. Humihingi rin ako minsan ng advice sa kanya kung paano niya hina-handle ang mga tao sa kompanya. Hindi ko kailanman ko rin kailanman sinabi nang direkta sa kanya na ako ang magmamana ng kompanya.
"I will take over the company"
Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Daddy sa sinabi ko. Tumayo siya at pumunta sa akin. Walang sabi-sabi ay niyakap niya ako at ako naman ay napako sa aking kinatatayuan. Parang may kung anong humawak sa puso ko nang ginawa niya iyon. Hindi ko inaasahan na niyayakap ako ngayon ng taong gustong-gusto kong yakapin noong mga panahong naghahanap ako ng kalinga ng isang ama.
"Thank you so much, Lev"
Ramdam kong biglang nanigas si Daddy nang niyakap ko siya pabalik. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ito ba ang ibig-sabihin ng pagpapatawad? Parang biglang naghilom ang mga sugat na dinulot ng kahapon. Pero sana ganoon kadali ang magpatawad upang lahat ng tao sa mundo ay maramdaman ang nararamdaman ko ngayon.
YOU ARE READING
Under the Sun (Viramontez Series #1)
RomantizmLevi immediately bought a ticket to Palawan when she found out that traveling is not restricted anymore. She wants to take a break from her complicated life, so she went on a vacation. Later on, she found herself staying in a hotel room with a compl...