Chapter 10

69 51 1
                                    

Tatlong araw simula nung malasing ang hinayupak na Clint at hindi niya pa rin ako pinapansin simula noon. Bwiset siya! May sinasabi pa siyang 'Akin ka lang, Leviticus'. Akin mo mukha mo! Nagpa-request pa ang hayop ng foam at sa sahig siya natulog na para bang diring-diri siyang tumabi sakin. Akala mo naman ay parang hindi niya ako kinain-

Kinalma ko ang aking sarili at inalis siya sa aking isip dahil maiinis lang ako kapag naiisip ko siya.

"Hello po! Ito na po iyong lunch niyo" Masiglang bati nung babaeng nagdedeliver ng breakfast, lunch, at dinner, araw-araw.

Si Clint ang tumatawag ng room service para padalhan ako ng pagkain at kahit ganon ay nalulungkot pa rin ako dahil mag-isa akong kakain.

"Thank you" Ngumiti lang siya sa akin bago umalis.

Pagkatapos kong kumain ay nagbasa lang ako ng libro at natulog. Pagsapit ng hapon ay naglakad-lakad ako papuntang dalampasigan para makapagrelax at makapagpahinga sa kakaisip kung nasaan si Clint. Gusto ko siyang hanapin at pagsasampalin pero ang sabi ko nga ay mas mataas ang pride ko kaysa sa height ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makitang mahigpit ang ang hawak ni Reige sa beywang ni Clint habang naka angkas ito sa jet ski.

"Lev!" Sigaw ni Reige nang makita siguro ako pagkababa niya sa jet ski at naglakad papalapit sa akin. Nakita kong napatingin si Clint sa akin pero agad naman itong umiwas ng tingin.

"Andito pala kayo" Mahina kong sambit at tumango naman si Reige.

Nag-aalala ako sa kaniya kung nasaan siya at makikitang magkasama lang pala silang dalawa ay sumasakit ang pakiramdam ko.

"Yep, I want to ride a jet ski but I don't know how to, kaya nagpasama nalang ako kay Clint"

Eh bakit di ka nagrent ng taong mag-aangkas sayo? Alam na alam ng babaeng 'to na sa iisang cabin lang kami ni Clint tumutuloy pero hindi niya ata alintana ang ibig-sabihin nun.

"Ah ganun ba?" Sagot ko at aalis na sana. Pinipigilang sumabog.

"Wanna join us?" Aya niya sa akin. Tinignan ko si Clint na ngayon ay tinignan din ako.

"Sorry, babalik na kasi ako sa cabin medyo napagod na kasi ako sa paglalakad next time nalang" Turo ko sa mga cabin.

Mabilis akong bumalik sa cabin at kinuha ang lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at luminga linga pa para siguraduhing hindi ako makikita ni Clint. Bakit pumapayag siyang magpahawak sa ibang babae?!

Pumunta ako sa cabin ni Nack at kumatok doon. Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Nack na mukhang kakagising lang dahil magulo pa ang buhok at naka topless pa.

"What are you doing here?" Paos niyang tanong. Galit pa ata dahil ginising ko siya.

"I should be the one asking you that. Saan ang babae mo? And knowing you, dapat naghahanap kana nang babaeng ikakama mo ngayong gabi" Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. Ngayon ay mukhan nahimasmasan na siya.

"You're so harsh! Hindi ko naman kinakama lahat ng babaeng makikita ko"

Nasanay akong palaging may kasamang babae si Nack. Akala ko ay dadatnan ko siyang may babae sa kama pero wala. Tuso ang lalaking 'to sa mga babae. Dahil sa taglay nitong kagwapohan at isa itong sikat na singer kaya walang tumatangging babae sa kaniya. Pero ngayon ay para siyang pinagsuklaban ng langit at lupa.

"Teka nga! Bakit kaba nandito?" Aniya na parang inis itong nandito ako.

"Papasukin mo kasi muna ako, ang bigat kaya nitong mga dala ko!"

Sigaw ko sa kaniya at nilakihan ang pagbukas sa pintuan para makapasok ako.

Pareho lang ang disenyo ng cabin niya sa cabin ni Clint pero mas makalat nga lang si Nack. Pwede niyang ipalinis 'to pero ayaw na ayaw niyang pinapakialaman ang gamit niya. May nakita pa nga akong isang box ng condom sa bed side table. Napailing nalang ako sa nakita. Nasa tamang edad na si Nack para magsettle at bumuo ng pamilya pero ayaw nito. Aniya ay kaya siya gumagamit ng condom ay para wala siyang madisgrasya at gusto niya pa raw i-enjoy ang pagiging binata niya.

"So, what happened? Nag-away ba kayo ni Clint?" Tanong niya sakin. Nakikita niya siguro sa mukha ko kung ano ang nangyari.

"Kasama niya yung Reige"

"For the first time in history! Leviticus Anderson is freaking jealous!" Sigaw niya na para bang gulat na gulat sa nalaman. Masama ko siyang tinignan at itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko tsaka umiling.

"Make yourself comfortable. May pagkain diyan sa ref" Huling sabi niya at tumalon sa kama at bumalik ulit sa pagtulog.

Habang natutulog si Nack ay nililigpit ko ang mga kalat niya. Hindi naman siya nagagalit kapag ginagawa ko 'yon noon. Sa tagal naming magkakilala ni Nack ay kilala na namin ang isa't-isa. Kahit magkatabi kami matulog sa kama ay walang malisya iyon. Naalala ko pang sinubukan naming maghalikan para malaman namin kung may mararamdaman ba kami para sa isa't-isa pero wala talaga. Parang normal na halik lang ang naramdaman ko. Ni hindi nga kami nahiya pagkatapos non. Wala ring nagbago sa pagkakaibigan namin pagkatapos ng nangyari . Oo, crush ko si Nack dati dahil sa gwapo siya, pero hanggang doon lang 'yon. Mabuti nalang at hindi kami nagkatuluyan dahil babaero ang kutong lupa na ito. Masi-stress lang ako kapag nalaman ko sa media na may kasama siyang babae at hindi lang 'yon, ang mga die hard fans pa niyang kayang pumatay kapag nalamang may girlfriend siya. Naaawa ako kay Nack at sa magiging girlfriend niya kung sakaling magseryoso man siya.

Gigisingin ko na sana si Nack para kumain nang may kumatok.

"OPEN UP, ANDRADA!"

Naririnig ko ang sigaw ni Clint mula sa labas. Mukhang galit na galit ito nang binuksan ko ang pinto. Nakita kong masama niyang tinignan si Nack na kakagising lang. Hinawakan niya ang palapulsohan ko at hinila  niya ako sa labas.

"Let's go back" Aniya pero binawi ko sa kanya ang kamay ko.

"Ayoko!"

"Bakit ayaw mo?" Medyo malakas niya iyong sinabi.

"Anong gagawin ko dun? Kakausapin ko ang sarili ko? Buong araw kang wala doon at ngayon pababalikin mo ako?!" Giit ko sa kaniya.

"I gave you space because you're mad at me! Akala ko mas lalo kang magagalit pag didikit ako sayo. God knows how much I want to be beside you every second" Sigaw niya pabalik

"No, nandoon ka kay Reige! You were enjoying her accompany!" Natigilan siya sa sinabi ko.

"Nagseselos ka kay Reige?" Tanong niyang hindi makapaniwala.

"What if I'm jealous, huh? What are you gonna do about it? Pinili kong tumahimik kasi putangina... wala akong karapatan sayo dahil hindi naman tayo at palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano tayo pero kahit ako ay di ko 'yon masagot!" Mabibigat ang bawat paghinga ko matapos kong sabihin iyon sa kanya.

"GOD DAMN IT! REIGE IS MY SISTER!"

_____________________________________________________________________
i'm really sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update. sobrang busy lang sa bahay at sa school. but i'll make it up to all of you.

stay safe.

Under the Sun (Viramontez Series #1)Where stories live. Discover now