Pumunta ako sa waiting shed sa labas ng village at naghihintay ng taxi patungong airport. Tinignan ko ang aking wrist watch at nakitang isang oras nalang ay lilipad na ang eroplanong sasakyan ko.
"Shit!"
Hindi ako makatulog kagabi sa sobrang excited kaya nalate ako ng gising. Nakalimutan ko ring mag-set ng alarm sa phone ko.
Hindi nagtagal ay may taxi ring tumigil pero nasa kabilang side 'yon ng kalsada kaya kinailangan kong tumawid. Tumingin muna ako sa kaliwa at kanang side para masiguradong hindi ako kukunin ni lord ngayon.
Tumawid ako nang makitang wala namang sasakyang paparating pero nung nasa kalagitnaan na ako ng daan ay may kotseng parang si flash kung mag-patakbo at ilang beses pa itong bumusina. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay para akong napako sa aking kinatatayuan kaya pumikit nalang ako at nanalangin.
Please.... Let me live. Ayokong mamatay ngayo-
"WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU ARE DOING?!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki kaya minulat ko ang aking mata.
Nakatayo ngayon sa aking harapan ang isang matangkad at gwapong lalaki na parang may lahi pa. Mas nadepina rin ang hulma ng kanyang mukha dahil siguro sa galit ito. He looked very expensive and... out of my league.
Bumalik ako sa katotohanan ng sumigaw siya ulit.
"WHY ARE YOU JUST STANDING THERE?!"
"Aba siyempre tumigil ako, alangan namang salubungin ko 'yang sasakyan mo?! Ano akala mo sakin? SI HULK?!" Ginagalit ako nito, ah. Siya na nga ang muntik nang makapatay, siya pa itong galit.
"Thanks to you, I'll be super damn late on my flight," paninisi pa niya sa'kin.
May flight din naman ako at di ko naman sinabi 'yon, tsaka napaka-eksaherado naman ng 'super damn late' niya. Kasalanan ko bang muntik na ako mamatay dahil male-late na siya?
"Huwag mo nga akong sigawan, naririnig kita! Ikaw nga 'tong muntik na akong masagasaan!" Sigaw ko sa kanya.
"Damn, how can you be so small and so loud at the same time?" Aba gago 'tong hinayupak na 'to, ah. Ininsulto ba naman ang height ko.
How can you be so handsome and rude at the same time?
"Ano?! Height ko nanaman ang nakita mo! Ang aga-aga, panira ka ng araw!"
"How much do you want?" Tanong niya sa'kin kaya natigilan ako.
Mayaman nga...
"U-Uhm 10k, ok na 'yon." Sisiw nalang sa kanya 'yan. Siya rin naman ang nag-alok. Sabi kasi ni Ava pag may blessing daw, grab the opportunity dahil sayang. Isa pa.. muntik na niya akong mabunggo kaya dapat lang niya bayaran ang pang-aabala niya sa'kin.
Ngumisi ako nang makitang kinuha niya ang kanyang wallet sa kanyang kotse at bumunot doon ng sampong tig-iisang libo at inabot sa akin.
YOU ARE READING
Under the Sun (Viramontez Series #1)
RomanceLevi immediately bought a ticket to Palawan when she found out that traveling is not restricted anymore. She wants to take a break from her complicated life, so she went on a vacation. Later on, she found herself staying in a hotel room with a compl...