Chapter 3

92 70 5
                                    

"Sorry nga pala-"

"I don't need your excuses, besides, wala rin naman na akong magagawa," masungit na putol niya sa sasabihin ko.

Bakas sa mukha niya ang irita dahil siguro sa ginawa ko. Medyo nahihiya rin ako ngayon sa kaniya. Nayurakan tuloy ang pride ko.

"P-Paano ang asawa mo?"

Nag-aalinlangan kong tanong at baka bigla niya akong sigawan at baka masuntok ako.

"It's my friend's," maikli niyang paliwanag tsaka ko siya tinignan nang may pagtataka.

"Jireh Anderson is my friend, he just got married and this was supposed to be their honeymoon but something urgent came up."

Sayang naman kung ganon. Ang laki pa naman ng kwartong 'to at mukhang mamahalin. May king sized bed pa-Saan ako matutulog?

"S-Sir saan nga po pala ako hihiga?"

Tumigil siya sa paglagay ng mga damit sa cabinet at tinignan ako. Tinuro niya ang couch malapit sa kama at bumalik ulit sa ginagawa.

"And its Clint. Clint Viramontez," sambit niya nang hindi tumitingin sa'kin.

Biglang naalala ko ang mga Viramontez na may mga pag-aaring naglalakihang mga kompanya. Business partner yon ni Mommy at nag pull-out nung si Daddy na ang namahala. Carlos Viramontez, one of the most richest man in Asia and a business tycoon. Tinaguriang halimaw pagdating sa business industry, kaya malalago ang lahat ng pag-aaring kompanya. Related kaya si Clint sa kaniya?

"Leviticus Anderson, you can call me Lev or Levi."

Narinig ko ang mahina niyang tawa. May nakakatawa ba sa pangalan ko? Alam kong medyo pangit pero unique siya. Unique!

Ipinatong ko ang aking mga bagahe sa tabi ng couch at kumuha ng dalawang unan sa kama. Nagkatinginan pa kami at tinaasan niya ako ng kilay na ani mo'y para bang ninakaw ko iyon.

"Wala akong unan," nakasimangot kong sabi sa kaniya at bumalik sa couch.

Inayos ko ang aking hihigaan mamaya dahil malapit na ang haponan at matutulog na rin ako kaagad. Napagod ako sa biyahe kaya dapat akong bumawi ng pahinga.

Habang nag-aayos ako ng mahihigaan ay hindi ko mapigilang purihin ang angkin niyang kagwapohan. Matangkad siya at hula ko ay 6 footer ito. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakakatunaw kapag ika'y titignan. Makikita mo ring maganda ang pangangatawan nito dahil kitang hapit na hapit sa kanya ang t-shirt. He's like an alpha and a head turner. Siguradong pasok na pasok siya bilang isang model. At kahit anong soutin ng taong ito ay siguradong magsa-stand out siya sa lahat.

Bumalik ako sa katotohanan nang may kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo at binuksan ito. Nakita kong may pagkain at thermometer na nakalagay sa basket. Bawat room kasi ay may basket kung saan iniiwan ang mga kailangan kagaya ng pagkain upang maiwasan ang interaction.

Kinuha ko ito at pumasok na. Nilagay ko ang pagkain sa mesa at ang thermometer naman ay tinabi ko. Kailangang i-track ang temperature ko araw-araw dahil ito ang patakaran. May app silang pina-install sa amin kung saan ilalagay ang temperature at mga pagbabagong nangyayari sa katawan kagaya ng ubo at lagnat. Nakita ko ring may vitamin C kasama ang pagkain.

Bago ako kumain ay naligo muna ako. Ilang beses kong inaya si Clint na kumain pero palaging...

"I'm full...."

Ang sagot niya sa akin kaya hinayaan ko nalang siya dahil kanina pa siya nakababad sa laptop at paminsan-minsan ay may tumatawag din at ang hula ko'y tungkol sa trabaho ito. Pagkatapos kung kumain ay nag-cellphone lang ako at nanood ng tiktok habang kumakain ng stick-O.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mariing titig niya sa stick-O na hawak ko.

"Gusto mo?" Alok ko sa kaniya.

Inabot ko sa kaniya ang garapon ng stick-O at kumuha naman siya rito. Natawa ako dahil parang bata siyang nakatingin sa laptop habang kumakain ng stick-O. Mukhang brusko ang lalaking 'to at hindi mo aakalaing kakain ito ng stick-O.

Hindi ko namalayang sa tagal kong nakatitig sa kanya ay nakatulog ako. Nagising ako ng alas sais ng umaga at may kumot nang nakabalot sa akin at ang cellphone ko ay nakapatong na sa maliit na table. Napangiti ako dahil kaming dalawa lang naman ang nandito at siya lang ang may kayang gumawa non.

Nakita kong hindi siya komportable sa posisyon niya ngayon dahil pawis na pawis dita. Napansin kong nakapatay pala ang aircon kaya pinaandar ko ito.

Hinanda ko ang breakfast naming dalawa nang dumating ito at nakita ko ring kakatapos lang niyang maligo.

Nalaglag ang panga ko nang umupo siya sa harap ko at nagsimulang kumain ng naka topless.

Tumikhim ako at ibinaling sa pagkain ang atensyon at dahil medyo awkward ang katahimikan ay nagsimula ako ng usapan.

"Bakit nga pala pinatay mo ang aircon?"

"You're freezing to death kaya pinatay ko nalang at kinumutan ka. Kinuha ko na rin ang phone mo dahil masama 'yon sa katawan because of radiation."

Ito na ata ang pinaka mahabang sinabi niya simula nung nagkita kami.

"Thank you."

Tumango lang siya at ngayon ko lang namalayang tapos na pala siya sa pagkain. Dala ang kaniyang pinagkainan ay nilingon niya ako.

"By the way, thanks for preparing," aniya at ngumiti.

WTF?!

This rude man just fucking smiled at me!

Parang himala ang nangyari. Sa sungit niyang 'yan ay hindi ko aakalaing marunong palang ngumiti ang lalaking 'to!

Actually, his smile made my day:))

Hindi mapigilang magfiesta ang mga paruparo sa tiyan ko...

What's happening to me?

Under the Sun (Viramontez Series #1)Where stories live. Discover now