ᑕᕼᗩᑭTᗴᖇ 5

297 11 0
                                    

TᕼᖇᗴᗩՏIᗩ'Տ ᑭOᐯ

August na at malapit na ang intrams hindi nanaman ako nakikinig dahil nag announce sila dati ng june. Akala ko naman ay dun na mag sisimula. Nasa basketball court ako sa Hall ng makita si Paulo na nag pa-practice.

Volleyball player naman ako at nag tu-turo din ng cheerdance, may schedule naman ako kaya di ako nahihirapan. Nag i-spend naman ako ng pag-aaral ko sa gabi. Yakang yaka naman

Yakang yaka means Kayang kaya.

Nag pa-practice kami sa bleachers ng court ng may biglang may umakbay sa akin.

"Tapos ka na ba?" Tanong naman sa akin ni Hanz.

"Hindi pa e at tsaka wag mo nga akong hawakan, ang pawis ko oh!" Banggit ko sa kanya pero napangiti lang siya at umiwas na sa akin.

Kalaban nila Hanz sila Paulo kaya nang mapatingin ako kila Hanz ay nahagip ng mata ko si Paulo. Madilim ang tingin sa akin. Ano nanaman kayang ginawa ko?

Simula nung sinabi niyang nasasaktan siya di ko pinagsawalang bahala ang bagay na yun. Parang hints sa akin ang salitang binitawan niya nung nag sabay kami papunta ng school.

Medyo nagkakailangan na rin kami pero gumagawa ako ng paraan para di kami maging awkward.

Nangungulit pa rin naman ako pero di na masyado. Medyo nahihiya na rin ang ateng niyo sa kapal ba naman ng kanyang muka.

"5,6,7,go! And 1...2....3...4... And 5...6...7...8.. ulet! Hindi na sabay sabay!" Sigaw ko nang nagkamali nanaman sila sa steps at hindi sabay sabay.

"Break muna!" Napaupo ako sa bleachers habang may hawak na pompoms. Malapit na rin to. 2 weeks nalang bago mag intrams. May gagamitin na rin ako sa lahat nang iyon kaya medyo na e-excite na ako.

Hindi ko lang alam kay Paulo kung excited na ba siya.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag lalaro sila ng basketball sa magkabilaang ring.

Tumingin muna ako kila Hanz at kumaway siya duon at tuwang tuwa. Nang mapabaling ako kay Pau inaayos niya ang headband niya at pinatalbog ang bola sabay sulyap sa akin. Ilang segundo lang yun kaya nginitian ko nalang siya.

Ano bang problema non?

Pumunta ako kila Pau nang makaupo sila sa bleachers.

"Tubig oh!" Binigay ko sa kanya yung tubig. Tinanggap niya naman yun pero pahigit niyang kinuha yun! Ay grabe ah siya na nga binibigyan e.. hmp!

Nasa harap niya pa rin ako ng biglang sumulpot si Hanz.

"Tubig Sia oh" kukuhanin ko na yun ng biglang agawin ni Paulo at ininom ang tubig. Di pa naman ubos yung binigay ko sa kanya bakit ininuman niya yung ibibigay dapat sa akin ni Hanz?

"Uhaw pa ako, salamat pre" napakibit balikat nalang si Hanz at bumalik sa grupo niya. Siring na napatingin ako kay Paulo pero parang wala lang sa kanya. Bumalik na ako sa pwesto ko at nagsimula uling mag turo.

Hapon na at natapos na ang P.e namin. Medyo maaga na ngayon ang uwi namin dahil sa gaganapin na ceremony.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at palabas na ng court nang nakita ko si Trina kasama si Paulo nag uusap.

Nagtago ako sa likod ng pinto. Pawisan pa naman ako. Maliligo na ako pag ka uwi.

"Magkano daw?" Tanong naman ni Paulo kay Trina

"5k.." tanging sagot lang ni Trina. Ano bang pinag uusapan nila.

"Basta siguraduhin mong mabebenta natin yan sa kliyente natin dahil big time yun, tigilan mo na muna yang pagiging basagulero mo at mag focus ka sa bentahan." Tinapik naman ni Trina ang balikat ni Pau at umalis na.

The Rugged Man That I Loved (Completed)Where stories live. Discover now