ᑕᕼᗩᑭTᗴᖇ 6

214 9 0
                                    

ᑭᗩᑌᒪO'Տ ᑭOᐯ

Naguluhan ako sa gawi ko.

Hindi ko naman sinasadyang gawin yun. Nabigla din ako.

Nang humiwalay ako sa labi ni Sia nakatingin lang kami sa isa't isa.

"S-sorry.." yun nalang ang nasabi ko. Nagpadala lang ako sa emosyon ko.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi nag sasalita.

"Okay ka lang?" Tumango siya at tumingin sa baba. "Ayos ka lang talaga?" Napaupo siya sa comforter.

"Hayop ka!!! Bakit mo ginawa sakin yun!" Nagulat ako ng sigawan niya ako at paghampas-hampasin niya ako gamit ang dalawa niyang kamay.

"Sorry di ko sinasadya nagpadala ako sa emosyon ko!" Pinipigilan ko pa rin siya sa pag hampas sa akin. Napatigil siya.

"Alam mo ba na ikaw first kiss ko ha? Sa tingin mo makakatulog ako nito?! "
Nagulat ako. Di naman talaga siya nagpapahalik ng ganon lang.

"Pero nagpakiss ka naman saken" pang aasar ko pa.

"Kainis!!" Pinagkrus niya ang braso niya at nag pout.

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya. Pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil lumalayo siya.

"Sorry na okay? Di ko naman sinasadya-"

"Di sinasadya? Ulol!" Tinulak niya pa ako palayo nang sinabi niya yun.

Nahiga siya sa comforter at napabuntong hininga ako.

At sa bleachers na natulog.

Ginising ko siya bandang alas-singko ng umaga para magpalit ng damit. May mga gamit naman siya sa hindi malamang kadahilanan. Nag aantay kami ng may mag bukas ng pinto. Nagulat ang sekyu sa amin.

"Na stock kayo?" Tanong niya.

"Obvious ba?" Taray naman na sabi ni Sia.

"Pasensya na, di ko chineck basta nalang ako nagsara ng pinto, wala na kasing lumalabas na estudyante e" dagdag pa ng sekyu.

"Sa susunod kuya matuto kang mag check! Buti nalang may mga gamit kami dito na magagamit namin. Kung hindi baka uuwi pa kami." Taray uling sabi ni Sia.

"Pasensya na talaga"

"Ayusin niyo trabaho niyo kuya kung ayaw niyong may mangyaring iba!" Nagulat ako sa idinagdag ni Sia. Di pa ba siya nakaka move on?

"A-anong iba ineng?" Inosenteng tanong ng sekyu.

"W-wala! L-lalabas na kami at kakain!" Bumilis ang lakad niya palabas ng pinto.

Umuwi ako ng bahay para mag palit ng damit. Wala akong susuotin kasi na kay Sia t-shirt ko. Sumama siguro ang loob niya sa nangyari sa amin kagabi.

Just one kiss!

Napangiti nalang ako habang nagbibihis. Nagkape ako at kumain ng tinapay. Medyo umaasenso sa kita ng kliyente kaya naman nakakaluwag luwag na.

"Kung marangal man yang trabaho mo walang dahilan para ikahiya mo yun. Para rin naman sa pamilya mo yun e"

Naisip ko yung sinabi sa akin ni Sia kagabi.

Tinawagan ko si trina.

[Oh napatawag ka? Kamusta ang kita? Meron na ba?]

"Ibibigay ko palang sa kliyente. Mag ka-cut classes muna ako ng dalawang subject"

[Sige antayin kita sa gate mamaya, may rambol nanaman tayo mamaya. Mag ka-cut ka ba mamaya pag ka alas singko ng hapon. Sa kanto yung kitaan daw e, hinaharap nanaman si jumbo!]

The Rugged Man That I Loved (Completed)Where stories live. Discover now