EPILOGUE

273 8 16
                                    

Theasia's Pov

"Anak bilisan mo malalate Kana!!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan at kinuha ang bag ko. Kaagad naman akong nakahingi kay Mama ng baon at humalik sa pisngi niya.

"Teka yung pagkain mo baka maiwan mo, hindi Kana makakauwi dito.."
Kinuha ko ang hawak niyang lunchbox at hinatid ako at naghintay ng masasakyan.

"Ma, malapit na akong makapag trabaho, mag antay kalang ha. Konting tiis pa Ma.." napangiti naman si Mama at pinisil ang pisngi ko.

"Esus! Kahit naman wala pa e kaya pa naman kitang itaguyod. At tsaka senior high school ka palang noh? Wag kang mangarap kaagad Haha!" Napangiwi naman ako at sinimangutan si Mama.

"Eto talaga si Mama napaka kill Joy! At tsaka okay lang mangarap no! Libreng libre lang!!" Nang nakapara na si Mama ng masasakyan ko ay humalik ulit ako sa pisngi ni Mama at kumaway bago pa man makaalis ang sasakyang sinasakyan ko.

"Beshiee!!!!!"

"Beshiee!!!!"

Sabay kaming tumakbo ni Jaira at niyakap ang isa't-isa.

"Namiss kita! Buti nakalaya Kana sa lungga mo!!" Hinampas ko naman si Jaira ng marahan at natawa.

"Sa dami ng nangyari nung graduation, malamang mag kumulong talaga yan.." napalingon naman ako nang magsalita si Tristan kaakbay si Faith. Humiwalay muna ako kay Jaira at niyakap ng mahigpit si Faith.

"Kamusta Kana? Lalo kang gumaganda!" Pang bo-bola sa akin ni Faith.

"Ikaw naman di Kana nasanay sa kagandahan ko, e kayo ba? Kamusta? Mukang lalong lumalagkit ang pagsasama ah." Napatawa naman sa biro ko sila Tantan at Faith.

"Sana all.." napalingon ako sa likod ko at nagulat ng makita si Jay kaakbay si Jaira.

"Alam niyo ang sama niyo sa akin!" Tumawa sila nang paghampas-hampasin ko yung dalawang mag shota.

"Kelan pa yan?" Pinipigilan ni Jaira na kiligin pero hindi niya maitago at natawa naman si Jay.

"Nagka-aminan kasi kami, ayun niligawan ko na. Ano pa bang kasunod? Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa at baka maunahan din ako." Sagot naman ni Jay habang ginugulo ang buhok ni Jaira.

"Masaya ako para sa inyo.." ngumiti ako at nag group hug kami.

"Kayo ha? Dapat pala tatlo ang lalaking kaibigan natin para pinatos ko na rin yung isa!" Tawanan naman sila at natigilan si Jaira.

"E, si Paulo yung isa." Natigilan naman sila at napangiti ako.

"Okay lang Naka move on na ako, mahigit ilang buwan na rin ang lumilipas simula nung namatay si Paulo." Naging awkward naman sa amin yun kaya binago ko ang topic.

"Ano bang strand ang kinuha niyo ha? Ikaw Jay?"

"Humss ako e, ikaw ba?"

"Oh! Mag kaklase pala tayo e, bakit di natin hanapin yung classroom?"

"E! Tara na! Pare-pareho lang naman tayo ng Strand na kinuha kaya mag ka-kaklase pa rin tayo!" Aya ni Jaira sa amin pataas ng building.

At dahil May flag ceremony pa rin, nag linya na kami.

"Please form a line Class, I'm your Adviser for Humss.." nakayuko lang ako at hindi nakikinig sa sinasabi ng teacher kaya naman ng magsimula na ay tsaka na ako nag focus sa pagkanta.

Partida sintunado yan!

Nang matapos na iyon ay nakabalik na kami sa Classroom namin, as usual, iniisip ko na mag papakilala ulit kami. Habang naglapag na ako ng notebook sa desk ko ay May pumasok na teacher na siyang ikinagigil nang paghahalungkat ko sa bag ko. Natigilan din ang mga kaibigan ko Lalo na si Jay.

"P-Paulo..?" Napalingon naman sa akin ang lahat ng estudyante na nasa loob ng classroom namin dahil nakatayo ako. Napatingin din sa akin ang Teacher na nasa unahan ko.

"S-Sia? Right?" Huh? Di niya ako kilala?

"Ikaw yung kinukwento ni Kuya sa akin. Hindi niya ba ako nakwento sayo?" Sinong kuya?

Sa sobrang galak ko ay di ko siya mapigilang yakapin ng mahigpit kahit na maraming nakatingin sa aming estudyante. Alam kong nakakahiya pero wala akong pake.

Niyakap niya rin ako pabalik pero iba ang nararamdaman ko sa kanya, walang lakas ng tibok, parang isa lang siyang estranghero na niyakap ko.

Umalis na ako sa pagkakayakap niya sa akin. At tumingin sa kanya. May namumuong luha nanaman sa mga mata ko. Sa akala kong makaka-move-on na ako sa kanya ay hindi pa pala.

"Ah pwede ba kitang makausap?" Mabilis akong tumango at lumabas kami ng Classroom nasa harap na kami ng classroom ngayon.

"Bakit parang di mo na ako nakikilala Paulo? Nag ka amnesia ka ba?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay hindi siya umimik at napangiti nalang. Alinlangan din akong napangiti sa kanya.

"Threasia? Tama ba ako?" Inulit niya na-namang tanungin ang pangalan ko. Bakit ba parang walang nangyari sa amin non. I mean yung pinagsamahan namin, bakit parang wala lang sa kanya.

"Oo, Paulo? Anong nangyari sa'yo? Akala ko patay Kana?" Nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya.

"Sia.." kaboses niya talaga si Paulo gusto kong maniwala na siya talaga yun. "I'm so sorry pero hindi ako si Paulo, I am John Jeric Tan. I'm the John Paulo's twin."

Napaatras naman ako at parang ayokong maniwala. T-Twin? Ano daw? May kakambal si Paulo?

"Sorry to disappointed you, hindi yata niya sinabi noong nabubuhay pa siya."

Napayuko ako at hindi ko alam ang sasabihin.

"P-Pasensya na, A-akala ko May himala.." napahalakhak siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"You're the only one that make my Twin Brother Smile thank you.."

Napangiti naman ako at nagsalita.

"Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ko mahal ang kakambal mo, pasensya Kana pala sa ginawa ko kanina, nakakahiya, Teacher pa man din kita.

"It's okay, wala namang perpektong tao, lahat naman nagkakamali."

"So alam ko na kaagad ang pinagkaiba ng kambal mo at ikaw."

"A-Ano naman yun?"

"Ikaw makulit at masayahin.. Samantalang siya arogante at napakasungit.."

"That's the difference between us"

Bigla kong naisip

Kahit na May kamukha ang lalaking minahal ko, hindi pa rin mapapantayan ang ginawa niya sa akin at lahat ng ala-alang nagawa niya para sa akin.

Siya ang lalaking pinakamamahal ko...

Siya si John Paulo Tan.

THE END

-JAMOCHI

The Rugged Man That I Loved (Completed)Where stories live. Discover now