ᑕᕼᗩᑭTᗴᖇ 8

174 9 2
                                    


TᕼᖇᗴᗩՏIᗩ'Տ ᑭOᐯ

Masaya akong umuwi ng bahay. Napahiga ako at sumigaw habang takip ang unan. Ansaya ko at ayos na kami ni Paulo. Nag kagulo lang kasi dahil sa kiss na yun. Kahit naman crush ko siya ay hindi ko naman gugustuhin ang ganong pangyayari. Babae pa rin naman ako. Akala ko kapag sa mga teleserye nakakakilig ang ganitong bagay, hindi pala. Nakakakaba.

Nag iisip ako ng magandang gawin namin para sa intrams dahil may talent show kami. Tapos na rin kami sa exam kaya naman it's time para makapag isip ng pwedeng gawin at i practice.

Tinext ko si Pau.

To:Unknown number

San ka? Tara kape tayo?^_^

Hindi pa nag tagal ay nag replay siya kaagad.

From: Unknown number
G. Saan?

Pati ba naman sa message apaka tipid mag text back>.<

To: Unknown number
Diyan sa Unibearsity Café

From: Unknown number
Ge.

Napabuntong hininga nalang ako at nag ayos na nang gamit na gagamitin ko.

Nakalipas ang anim na put-pitong taon, joke 15 mins lang ay natapos na ako sa pag aayos. Naka oversized t-shirt ako at tokong na short sabay rubber shoes na puti tapos naka relo at body bag.

Kaagad akong nag paalam kay mama at binigyan niya ako ng extra pera.

Sinabi ko kasi na may date kami ng Boyfriend ko. Ayiieee ;)

Nang nandun na ako sa coffee shop ay nag plano na kami kaagad at mabilis namang natapos. First time ko tong gagawin, di pa ako gumagawa ng ganitong bagay lalo na sa talent show. Makapal ang muka ko pero may hiya din naman ako inside.

Nag pa practice kami ni Pau every friday sa park pag kauwian na namin. Dahil dalawang araw nalang ang natitira nung huli naming practice ay sinunod sunod na namin hanggang lumapit na ang araw ng intrams. Nag pa-practice pa rin kami. Hapon pa naman ang start. 8 o'clock kami nag pa-practice dito.

Nakahanda na lahat ng gagawin namin at gagamitin isang oras nalang ang natitira at mag i-start na ang talent show. Talent show sa umaga sa hapon ay intrams kung saan may laban kami ng volley ball at sila naman ay basketball. Hahaha match talaga kami. De joke lang.

Nang matapos na kaming mag practice nandiyan na sila mama at tita. Sumaglit lang dahil walang mag babantay kila lola kaya hinayaan ko na muna. Inaantay ko kung pupunta ang magulang nila Paulo pero iba yata ang nakita ko.

Kasama niya si Trina.

"Bakit ano bang problema mo ha? Kailangan ko nang umalis Trina, sige na" kumalas sa pagkakayakap si Paulo kay Trina. Nakasilip lang ako sa kanila habang hawak ko ang gitara niya. Ibibigay ko sana yun sa kanya e.

"Paulo please.." pag mamakaawa pa ni Trina sa kanya. Ano bang nangyayari?

Aalis na sana si Paulo at nang tinalikuran niya si Trina, biglang nagsalita si Trina.

"Gusto kita Paulo.!" Natigilan din ako nung paalis na din sana ako. Ayoko sanang makaabala at baka importante ang sasabihin ni Trina pero nagkamali ako. Nakasandal lang ako sa dingding malapit sa Dressing room habang nakikinig sa kanila.

"Ano bang sinasabi mo Trina? Hindi ako naniniwala baka infatuation mo lang yan-"

"Hindi ko infatuation to Pau! Totoo yung nararamdaman ko.!" Gusto kong umalis pero parang may pumipigil sa akin at sinasabing makinig pa sa usapan nila.

The Rugged Man That I Loved (Completed)Where stories live. Discover now