ᑕᕼᗩᑭTᗴᖇ 15

197 8 2
                                    

ᑭᗩᑌᒪO'Տ ᑭOᐯ

Nakaupo ako sa selda habang hinihintay si Jay. Sinabi niya kasi kahapon na pupunta siya dito pero wala pa rin hanggang ngayon. Siguro na traffic lang.

Isang oras na mahigit at wala pa rin siya. Nag aantay pa rin ako ng dumating si Mama May dala daw pagkain sabi ni Kuya. Hindi pa rin kami nag kaayos ni kuya hangga't hindi napapatunayan na wala akong kasalanan.

Nang lumabas ako ng selda at pumunta sa visitors room ay bumungad kaagad sa akin ang Mama ko at ang...

Bakit nandito ang Mama ni Jay?

Pagkaupo ko ay nakakunot ang noo kong tinignan ang Mama ni Jay.

"Anong nangyar-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla akong sinampal ng Mama ni Jay, or should I say Tita Alice.

"Walang hiya ka! Hayop ka! Ikaw ang May kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon ang anak ko at nag aagaw buhay!!"

Duon ako natigilan at di makagalaw. Pilit kong ipinapasok sa isip ko ang sinabi ni Tita Alice sa akin. Nasa hospital si Jay?

"Ano namang kinalaman ko dun Tita? E hinihintay ko nga siya dahil nangako siya na pupunta siya dito bukas!" Nanlalamig ang kamay ko habang nakikipagsagutan ako sa Mama ni Jay.

Kasalanan ko nanaman ba?

"Anak, galangin mo ang nanay ni Jay! Hindi kita pinalaki nang ganyan!" Napatigil ako at napaupo. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko.

"Tita kahit minsan naman tanungin niyo naman ako, hindi yung basta nalang kayo makapanghusga. Anong ginawa ko sa anak niyo? Nandito ako sa prisinto?! Wala akong tauhan o anuman dahil siya lang ang kaibigan ko..."

"Siguraduhin mo lang Paulo dahil hindi lang yan ang makukuha mo sa akin tandaan mo yan..!" Umalis na ang Nanay ni Jay at napabuntong hininga nalang si Mama ng tumingin sa akin.

"Anak, ano ba 'tong pinasok mong gulo? Hindi ka pa man laya makukulong ka nanaman ng matagal." Hindi ko inintindi si Mama at nag umpisa nang kumain inaalala ko kung anong kalagayan ni Jay.

"Anong nangyari kay Jay?" Tanong ko habang nakatingin kay Mama.

"Sinugod siya duon nang miyembro ng fraternity daw at walang awang pinagbubugbog. Kaya akala ng Tita Alice mo ay ikaw ang nag utos dahil ikaw lang naman ang nakakasama ni Jay."

Hindi na ako nagsalita dahil kilala ko na kaagad kung sino ang May pakana at May gawa nito.

Trina.

Nang maibalik na uli ako sa selda ay tumigil ako bago ako maipasok sa loob.

"Oh, bakit ka tumigil? Pasok na." Parang ibang tao kung ituring ako ni Kuya. Tinititigan ko lang siya.

"K-kuya?" Napatingin naman sa akin si Kuya. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

"S-sorry kuya, pero sana tulungan mo ako sa kaso ko. Nanganganib ang buhay ni Jay, nag aagaw buhay siya ngayon. Kuya, ikaw nalang ang alam kong makakatulong sa akin. Ayokong magsabi kay Mama dahil baka mapahamak siya. Nag aalala ako na baka May isa nanaman ang matulad sa sitwasyon ni Jay."

"Anong nangyari kay Jay? May alam ka ba kung sino ang May kagagawan nito?"

Nabuhayan ako nang loob at kinuwento kay kuya ang lahat habang nasa loob ako nang selda, nagtaka pa siya na baka makatakas ako pero nangako ako na hindi ko gagawin yun .

"Kung ganon baka mapahamak din si Dela Cruz, dahil siya ang testimonya mo, baka manganib din ang buhay niya. Hindi niyo na dapat siya isinali lalo na't minor de edad. Ang ganitong klaseng mga Gangs ay delikado."

The Rugged Man That I Loved (Completed)Where stories live. Discover now