Panimula

54 2 0
                                    


Note: tsnginamo. okay, pwede ka na magbasa.

Panimula.

Gabi na't nasa kubo padin kami kung saan ay naka sanayan na naming puntahan pag wala ng magawa sa bahay o para mag kwentuhan lang. Ang kubo ito'y malayo layo pa saaming uuwian napaka daming puno sa palagid nito kaya't mahangin at komportableng pahingahaan.

"Naranasan nyo na bang ma inlove sa taong hindi ka gusto? Ako? Oo."

"Syempre ang pangit mo eh"

(O_O)

(・∀・)

(*≧∀≦*)

Humagalpak ako sa tawa ng marinig ko ang pang aasar na sagot ni Cal, sa kaibigan naming si Nic, na nagdra drama. Masyado kasing seryoso si Nic minsan misteryoso bigla bigla nalang nagmumukmok ng hindi namin alam.

Peroo kahit ganon sanay na kami sa mga ganong asaran siguro ay dahil bata palang, kami na ang magkakasama.

Ngunit matapos non bumalot ang katahimikan nung nakita naming wala pading imik si Nic sakanyang kinauupuan tila'y malalim ang iniisip. Ilang segundo ang lumipas bago ini harap nya ang tingin sa madilim na pwesto, sa labas ng kubo kung saan may isang lalaking biglang sumulpot out of nowhere. Ni hakbang na papalapit na tao ay wala kaming naririnig dahilan ng biglaang pagtaas ng balahibo ko

Isang matandang lalaki. Ang edad ay parang nasa otsenta na. Mahaba ang buhok at puro kulubot na ito. Disente ang pananamit ani mo'y may pupuntahan na pagpupulong ng isang negosyo. Hindi din pamilyar saamin ang mukha kaya't siguro ay nakatira pa sya sa kabilang baryo.

Habang humahakbang ang matandang lalaki papasok sa kubo hindi padin matanggal ang tingin ng mga kaibigan ko sakanya, bakas padin ang pagtataka at kaba sa mukha nila. Habang bumabalot ang katahimikan saamin ay isa isa kaming tini tignan ng lalaki, na parang nangingilala ang mga tingin nito.

"Lumalalim na ang gabi, mga bata, bakit hindi pa kayo nagsisi uwi sainyong mga tahanan? Tanong nya saamin kaya't naman nawala na ang kaba ko.

Hindi naman pala sya kung sino o ano na iniisip ko. Isang ordinaryong matanda siguro na napadpad dito.

"Ah Lolo, t- tama po kayo, kailangan na nga po naming umuwi." Kinakabahang boses ni Cal. Tumayo na sya sabay sensyas sakin. Tumango naman ang lalaki saka nginitian kami. Lumapit na saakin si Cal, kaya't magpapaalam nadin sana ko ngunit napansin kong si Nic ay dahan dahan tumayo at inarap ang lalaki. Walang emosyon ang tingin nya sa lalaki

"Lo, hindi ko na tatanungin kung san kayo galing pero pwede ko po bang malaman kung ano po ang ginagawa nyo dito?" Tanong ni Nic sa matandang lalaki.

Ngumiti ang lalaki at saka umupo. "Hindi mo nadin dapat tanungin yan." Saka sinenyasan kaming maupo ulit. "Sige, tara, samahan nyo akong maupo dito." Naka ngiti nya itong sinasabi at mukhang walang intensyon na masama saamin.

"Jayce, Nick, magpaalam na kayo." Pagpupumilit pa ni Cal saamin. Nagdududa parin siguro si Cal sa lalaki.

"Cal, kung samahan muna kaya natin si Lolo." Saka ngiti sakanya. Na unang na upo samin si Nick katabi ng matandang lalaki mukha ngang interesado si Nick sa lalaki. Dahilan ay na upo narin kami.

"Na miss kong bisitahin ang bahay ng Amo ko" sabay turo nya sa malaki at luma ng bahay "Ilang taon din akong nagtrabaho sakanila. Nakakalungkot mang isipin pero hindi ko na sila nakita matapos ang insedente limang taon na ang nakakaraan jaan sa bahay nayan." Pagmamasdan nya pa sa bahay.

Bakas sa mukha nya ang lungkot, parang napa mahal na sya sa Amo nya

"Gusto nyo bang i kwento ko ang storya nila?" naka ngiti nyang sinabi saka inakbay ang kamay nya kay Nick. Tumango naman kami.

Ang bahay na tinuro ni Lolo ay hindi nalalayo sa pwesto namin kaya kahit madilim ay makikita mo sa laki nito. Haunted house naman ang tawag ng mga nakatira dito sa baryo siguro ay nakakatakot itong tingnan. Lahat ng mga bata dito sinabihan narin ng mga magulang nila huwag papasok sa malaking bahay. Luma na syang tingnan pero kung pagmamasdan mo ay parang may mahiwagang kwento ang malaking bahay na ito.

" kung saan nanirahan ng labing apat na araw ang magka sintahan sa malaking bahay nayan." Sabay sumandal sakanyang kinauupuan. "Simulan natin sa kung paano at saan sila nagka kilala..."

ewan ko eWhere stories live. Discover now