Kabanata 3

32 2 0
                                    

Azrael's POV

Time checked: 2:56pm

Malapit na ako sa address na binigay ng lalaki sakin na abutan ko pa ang babaeng hinahabol ko na nakatayo sa labas ng condo.

Mukhang hinihintay nya pa ang boyfriend nya. Pano ko kaya sasbaihin sakanya? Eh baka hindi din sya maniwala lalo na pag sinabi ko sakanya na panaginip yon.

Anim na metro na lang ang layo namin sa isa't isa hindi ako masyadong nagpapa halata na kunwari ay may hinihintay lang ako kaya hindi nya din ako napapansin habang hinihintay ko ang mga sumusunod na pangyayari. Sya nga si Tine hindi ako makapaniwala na nangyayari na ngayon ang napanaginipan ko.

Nakita kong may tatlong lalaking papalapit kay Tine, gustuhin ko man lumapit ay baka mapansin ako dahil tumitingin tingin din sa paligid ang mga kasama ng lalaki.
Biglang niyakap ng lalaki si Tine baka yun nga ang boyfriend nya. Kailangan ko na syang pigilan kaya naisipan ko ng lumapit.

"excuse me, pwede bang maki tawag saglit sa kaibigan ko. Hindi ko na kasi alam kung saan to" pagdadahilan kopa napatingin naman sila sakin.

"Ah, Pre, pwede sa iba kana lang maki tawag" sabi ng lalaking nangyakap kanina kay Tine saka hinawakan si Tine sa kamay at hinila ito papasok sa condo.

"Ah, sorry pero kayo nalang ang last hope ko, kanina pa'ko dito pero walang nagpapahiram" nagpapa awa ko pang sabi. Ng biglang napansin kong kumukuha si Tine ng cellphone.

"Oh. Anong number ng kaibigan mo?" Tanong sakin ni Tine.

"Ah akin napo. Ako na po ang tatawag" saka kinuha ang cellphone nya at dadali lumayo sakanila.

Dialing...

"Paul?"

"Aze ikaw bayan?"

"Ako nga. Ganto, pag hindi ako naka tawag ulot sayo after 20 mins tumawag kang pulis sa address nato"

"Ha? Bakit? Anong nangyayari jan? Pero sige tatawag ako."

Pagka baba ko ng call pumunta agad ako sa notes para sabihing "May sasabihin akong importante sa'yo pero hindi dapat marinig ng boyfriend mo" nasulat ko na sa notes kaya binigay ko na sakanya.

"Eto na, maraming salamat sainyo." Pagkabigay ko ng phone umalis na agad ako.

Hindi ko alam kung nabasa ba ng babae o baka nabasa nadin ng lalake dahil ilang minuto nakong naghihintay dito sa kanto wala pa rin sya.

Hay. Wala nakong maisip na iba kung paano sya pipigilan-

"Hoy, ikaw ba yung kanina? Rinig kong sabi ng babae gawi gilid ko.

Pagtingin ko sa babae sya si Tine. Buti naman nakita nya yung sinabi ko.

"Ah, Oo. Ako nga." Sabi kopa

"Sabihin mo na. Ano yon?" Naiinip nya pang tanong.

"Y-yung boyfriend mo?" Kinakabahan ko pang tanong.

"Pinapasok ko na sa condo. May sasabihin kaba o ginagago mo lang ako? May gusto kaba sakin, ha?" Sarkistong tanong nya.

Napa kunot noo naman ako sa sinabi nya. "Wala ah! Uh sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko sisimulan dahil hindi to kapanipaniwala pero totoo lahat ng sasabihin k-."

"Edi maniniwala ako. Sabihin mo na." Pagpipigil nya pa.

"A-ah, napanaginipan kita kagabi, tapos yung mga nangyari non sunod sunod na ng nangyayari ngayon-."

ewan ko eWhere stories live. Discover now