Azrael's POVMula sa aming paglalakad papalabas ng school eh hindi ko maiwas ang tingin sa kanya. Parang dati pa lang familiar na talaga ang mukha nya bago ko pa man sya napanaginipan. Hindi ko nga lang alam kung saan at kailan pero sigurado ako, nagkita na kami noon pa.
*PAAAAKKK!!!
(@_@)Arayyy, parang nabasag bungo ko dun ah.
"Tumayo ka!" Sigaw nya saka hinila ang kamay ko patayo. "Ano yung inaasta mo kanina sa loob ha? Hindi ako nakakaintindi?!?" Sigaw nya ulit.
"Aray ko, bawal naman talaga ko umabsent, tapos kay sir Enriquez pa favorite prof ko yon e." Dahilan ko habang hawak hawak pa rin sa pisngi na sinampal nya.
"Edi bawal, pero hindi mo kailangan sigawan ako! Naiintindihan mo ba? Sa susunod na gagawin mo ulit yan, patay ka talaga sakin!" Inis nyang sabi na may pang amba amba pa gamit ang kamao nya.
"Oo sorry na." Lambing kong sabi sa kanya. Ewan ko ba, sa panaginip kinakaya-kayahan lang rin yung best friend ni Tine bat pati hanggang dito? Bakit pati ako?! "Oo na, babawi nalang ako, saan mo ba gusto pumunta?"
"Aish, siguraduhin mong babawi ka ah!" Aniya pa.
"Oo nga saan ba? Coffee? Starbucks?" Tanong ko pa ulit.
"Coffee? Gusto ko mag nature trip ngayon. Kaso sawa na ko dito, gusto ko sa mas malawak, parang bukid tapos tutal nandon na ko gusto ko ang kinakain lang e yung nga tanim nila dong gulay. Tapos, teka ano pa ba..." Nagulat ako ng sinabi nya ito, seryoso naman sya at tila hindi nya magugustuhan pag pabiro ko syang tinanggihan.
"Ah sa probinsya ka lang makakakita ng mga ganong kalawak na palahid, eh ang kaso ang layo." Dinahilan ko nalang ito. Gusto ko syang samahan kaso college na'ko, hindi basta basta ang pagliliban sa klase. Gusto ko syang samahan, hindi ko man alam kung anong pinagdadaanan nya ngayon, kung bakit sya palaging masungit at bigla bigla nalang nagpapalipas ng oras sa kung saan saan bagay, pero gusto ko syang tulungan. Kung may sugat ang kanyang puso handa ko syang alagaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/261136057-288-k151905.jpg)