Kabanata 4

9 1 1
                                    

Azrael's POV

6:30 IN THE MORNING...

*RINGG!! RINGG!!

*Unknown Number

Akala nyo alarm no? Morning person ako kaya expect nyo ng alas singko pa lang ng umaga e nagpapakulo na 'ko ng tubig!

*Answer call

"Hello sino ito?" Sagot ko pa habang nagsusuot ng polo.

"Aze, hindi ka pa ba tapos? Tara na't baka wala nakong maabutan sa palengke ng gantong oras."
Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

Walang sumasagot. Ni animo'y kaunting tunog mula sa screen e wala. "Oh sige na kung trip mo lang tumawag ibaba ko na." Wala pa rin? "Bye."

*Call ended

"Palabas na po ma." Kalabas ko ng kwarto saka naman ako sinalubong ng napaka tamis na ngiti ni mama. Isa lang ibig sabihin nito, nakita nya na yung card ko. Hay life! Best part of releasing card is yung ganto, yung mga ngiti nya!

"Hay nako, Azrael Azrael Azrael." Nakangiti nyang sinasabi habang inaayos ang kwelyo ng polo ko. "Anak, saan ka man dalhin ng mga matataas mong grado sayong pagtatapos, sana huwag mo pa rin kalilimutan ang pangarap mo ha, dahil mawala na ang lahat ng sa'yo, ito lang ang magdadala sa'yo sa matagumpay na buhay." Malalim ang pagkakasabi nya ngunit nanatili pa rin syang nakangiti.

"Oho naman ma." Sagot ko naman.

"Osya, tara na. Saka naman nauna nang lumabas si mama at sumunod naman ako para sumakay ng tryk.

Alam ko. Alam ko ang lahat ng ibig nyang sabihin. Isa pa, bata pa lang ako lagi nya itong paalala sakin.

*Flashback

"Azrael! Halika nga dito anak" Sigaw ng mama ko habang papasok kami ng Police Station. Saka nya naman ako pinalo ng tatlong beses. "Anak, anong sinasabi nila na nag nakaw ka daw ha, nang dahil lang sa isang laruan sisirain mo ang pangalan mo." Habang napapaiyak na sabi ni nanay. "Alam mo naman hirap na si nanay at alam mong kahit labhan ko pa lahat ng damit dito sa baryo e wala pa sa kalahati ang pang pyansa sa'yo." Sermon nya sakin.

ewan ko eWhere stories live. Discover now