CHAPTER 1

7K 105 0
                                    

Chapter 1: Black Island

JAYDEL's POV

NAGISING si Jaydel kinaumagahan, dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Humikab pa siya at marahan na kinusot-kusot ang mga mata niya.

Dagli na bumangon siya at dumiretso sa beranda ng Black Hotel. Wala siyang damit pang-itaas at nakasuot lang siya ng boxer shorts niya.

Kaagad na bumungad sa kanya ang masilaw at maliwanag na sinag ng araw, ang masarap at malamig na simoy ng hangin sa labas. Ang malaasul at malawak na karagatan, at ang asul na langit.

Napakagandang tanawin ang kanyang nakaharap sa mga oras na iyon at hindi siya magsasawa na panoorin ang magandang tanawin araw-araw.

Sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa kanyang isla ay iyon kaagad ang nabubungaran niya sa umaga.

Sumilay ang maganda niyang ngiti ng makitang marami ng tao ang naliligo sa dagat at kanyang nakikita rin ang maraming cottage mula sa kinatatayuan niya at sa ibaba nito.

That's his property, the Black Island. May hotel din na may 200 hotel rooms, one big restaurant, isang club house, isang malaking gym, 100 white cottage na hindi naman gaano kalakihan kaya dikit-dikit ang mga ito.

Yes, siya ang may-ari ng isla at maraming dumadayong mga bisita at nagmumula pa ito sa iba't ibang bansa. May isang yate rin siya, marami ring sasakyang pang-dagat.

Ilang minuto siyang nakatayo sa terrace at tahimik na pinagmamasdan niya lang ang mga ito. Bago siya nagpasyang umalis.

Muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto niya para maligo at nang matapos siya ay dagli naman siyang bumaba. Nagsuot lamang siya ng white sando and black board shorts, at saka pinarisan niya ng itim ng tsinelas.

Nadatnan niya sa pasilyo ng hotel ang isa nilang chambermaid na si Yannyvie Rochan. Simple lang ang dalaga kung mag-ayos, tahimik pero mabait. Masipag din ito sa trabaho at minsan na niyang hinangaan ito pero hindi umabot sa puntong gagawin niyang pampalipas oras.

Malaki ang respeto niya sa kanyang empleyado at marami pa namang ibang babae ang puwede niyang gamitin to satisfy his needs pero kailanman ay hindi niya ginawa ang bagay na iyon. Hindi niya mawari dahil palagi rin na may humahadlang sa kanya na gawin iyon.

"Good morning, Yan," nakangiting bati niya sa dalaga, nang pinagbuksan niya ito ng pintuan.

Napatingin ito sa kanya, "Good morning din po, Sir Jaydel," bati rin nito sa kanya at tipid na ngumiti.

Ito rin ang personal chambermaid niya kaya naging kaibigan niya ito. Naging malapit ang loob nila sa isa't isa. Yes, gusto niya si Yannyvie pero hanggang kaibigan lang. Iyon lang.

"Maglilinis na po ako sa kuwarto niyo, Sir Jaydel," magalang na sambit nito.

"Sige lang, Yan," sagot niya at nakapamulsang naglakad na siya palabas.

Dumiretso naman siya papuntang black restaurant para kumain ng agahan niya at bago pa siya makahanap ng puwesto nang tawagin siya ng kaibigan niyang si Bunker.

Nasa dulo ng restaurant itong nakapuwesto, kasama sina Oriphyn, Zuresh, Recinos, Ladonio at Wooben. Halatang inukupa nito ang pinakamahabang mesa para magkasya silang lahat.

Dahil may babae ring nakakandong sa mga kaibigan niya. Napapailing na nilapitan niya ang mga ito.

"Hey, dude. Good morning!" masayang bati sa kanya ni Zuresh at may kandong na babae.

Pinasadahan niya nang tingin ang kasama nito at maganda naman ito. Pasado sa taste ng kanyang playboy na kaibigan.

"Good morning," ganting bati niya at umupo sa katabi ni Recinos at iyon na lang din naman ang bakanteng upuan.

"How's your sleep, bud?" tanong ni Oriphyn sa kanya pero busy ito sa pagpapak sa leeg ng babaeng nakaupo sa hita nito.

Bumubungisngis naman ang dalaga at halatang kilig na kilig sa pinaggagawa ng kaibigan niya rito.

"Umagang-umaga, eh tao na ang kakainin mo," komento niya at mabilis na sinulyapan siya nito.

Ngumisi lang ang gago at bumalik ulit ito sa pinaggagawa. Walang pakialam.

"What is new to him, bro? Bago matulog at bago gumising ay talagang tao na ang kinakain niyan," nakangising saad naman ni Bunker.

"Yeah. Hindi ka pa nasanay riyan," segunda naman ni Wooben at ngumisi lang din sina Zuresh at Ladonio.

"Blah blah blah, parang kayo ay hindi," ani Oriphyn.

Napa-tsked na lang silang lahat bago nag-order ng makakain.

Ilang minuto lang ang hinintay nila at dumating na ang in-order nilang pagkain. Nagsimula na rin silang kumain nang lumapit sa kanila ang manager ng restaurant niya.

"Get a room, boys," malamig at mariin na saad ni Primie Chaney Valenciano.

Nang tingnan niya ang hitsura ng dalaga ay walang emosyon ang mukha nito pero maya-maya lang ay pilit na ngumiti rin ito sa kanila.

"Nagseselos ka lang sa baby Recinos mo, Ma'am Primie eh," komento ni Zuresh sa manager at ngumisi pa.

"I admit that, but I can't force him to stop what he's doing and besides, hindi 'yan mabubuhay na walang babaeng makain niya araw-araw," wala sa sariling sabi ng dalaga at muntik na silang mapatawa nang makita ang hitsura ng kaibigan nila.

Tumayo si Recinos at kamuntikan pang mahulog ang babaeng nakakandong dito.

"Enjoy your breakfast," ani nito at nagmamadaling umalis sa mesa nila.

"Kapag ako nagalit sa 'yo ay talagang hindi kita sasantuhin kahit babae ka pa!" sigaw ng kaibigan nila at tuluyan na silang napatawa nang malakas. Alam nilang maiksi lang ang pasensiya ng isang ito. Kaya hindi na sila magtataka pa na mabilis mag-init ang ulo ni Recinos.

Pero hindi nila maintindihan kung bakit pinatulan nito ang manager ng black restaurant at babae pa ito.

"Chill man, babae lang iyon," pagpipigil pa ni Ladonio kay Recinos at hinatak naman ni Bunker ito paupo. Umigting lang ang panga ng isa at halatang galit sa sinabi ng manager.

"Sagutin mo na kasi para hindi na magselos iyon," saad ni Ladonio.

"Ew, hindi ko siya type," parang nandidiri na sabi naman nito at ipinagpatuloy na lang din nila ang pag-aalmusal nila na may kasama pang pang-aasar.

"Baka malalaman na lang namin balang araw ay kayo na, ah..." ani Oriphyn.

"Masyado pa namang mabilis pagdating sa babae itong kaibigan natin," segunda naman ni Zuresh.

"I can't wait na lulunukin mo ang sinabi mong hindi mo siya type. Dahil alam natin pareho na maganda ang manager ko," nakangising pang-aasar ni Jaydel sa kaibigan at itinuro pa ang dalaga kanina, na ngayon ay may kausap ng ibang lalaki.

"Tang-na niya!" mura lang nito sa huli.

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon