EPILOGUE

7.6K 99 10
                                    

Epilogue

Elysian Dominggo-Carter's POV

Limang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ako mula sa Black Island. Oh well, bumalik naman ako sa islang iyon na hindi nalalaman ng asawa ko. Hindi dahil babalikan ko siya.

Kapal niya. Siya nga ang nagkasala sa akin tapos babalikan ko pa siya? Tss.

I heard from his staff na bumalik na nga siya sa Manila. Nakibalita lang ako from his mom kung ano na ba ang ginagawa roon ni Jaydel.

And my mother-in-law said, pinapahanap daw ako ni Jaydel. 'Yong mga ginawa ko noon sa kanya ay siya naman ang gumagawa no'n para sa akin.

Ngayon, alam na niya ang pakiramdam na wala ako. Mararamdaman na niya ang sakit na noon tinitiis ko. Mararamdaman na niya kung paano ka halos ma-baliw sa kakahanap sa isang tao.

My husband deserves that, anyway.

Hindi rin nakaligtaan sa aking kaalaman na masayang-masaya na ang anak namin na finally nakita na niya ang daddy niya.

Gusto ko mang makita ang reaksyon ng anak ko ay hindi pa puwede. Maghihintay lang ako sa oras na handa na ako. Na wala na akong nararamdaman na hinanakit sa dibdib.

Na muli akong magpapatawad at masasabi ko ngayon na handa na ako. Handa na akong tanggapin ulit siya sa buhay ko.

Ganoon naman talaga kung mahal mo ang isang tao. Handa kang magpatawad, kahit ano pang kasalanan ang nagawa sa 'yo ay kaya mong magpatawad.

Kasi mahal mo. Mahal na mahal mo. Tanggap mo ang kamalian niya. Tanggap mo na hindi siya perpekto. At hindi lahat ng tao ay hindi nagkakamali.

Lahat tayo ay nagkakamali sa isang bagay, pero kung hindi mo kayang magpatawad ay hindi ka naman sasaya.

***

Pumasok ako sa loob ng mansion namin. Yes, umuwi na ako sa amin. To fix our relationship, alam ko naman na nagsisisi na si Jaydel. Dahil kung hindi ay hindi niya ako hahanapin.

"What do you want to eat, baby? I'll cook f-- honey? Elysian!"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Namimilog ang mga mata niya at napaawang pa ang mga labi. Buhat-buhat niya ang anak namin na ngayon ay parang inaantok pa.

Ang cute niya.

"Oh, God! Is t-that you, h-honey?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at hindi man lang kumurap. Na tila ba kung gagawin niya ay mawawala ako bigla.

Isang malapad na ngiti ang iginawad ko sa kanya at binitawan ko ang maleta ko saka ko itinaas ang dalawang braso ko. Open arms.

"I'm home..." nakangiting sabi ko at nakita ko pa ang pagtulo ng mga luha niya, malalaki ang mga hakbang na nilapitan ako saka ako mahigpit na niyakap.

Yakap na may pagmamahal. Ramdam na ramdam ko na na-missed niya nga ako.

"Dad--mommy!" masayang bigkas ni Sheyjane nang makita ako at yumakap din sa akin. Tuwang-tuwa siya.

Naramdaman ko naman ang paghalik sa akin ni Jaydel sa noo ko at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Na tila ba ayaw na niya akong bitawan.

Isang saglit pa ay narinig ko na ang paghikbi niya na ikinagulat ko.

"Jaydel?" nag-aalalang sambit ko sa pangalan niya.

"I'm s-so s-sorry, h-honey. I'm s-dorry," hinging paumanhin niya sa akin at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pamamasa no'n dahil sa mga luha niya.

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon