CHAPTER 2

5.2K 95 0
                                    

Chapter 2

Elysian

MASAKIT ang ulo ni Elysian nang pumasok siya sa trabaho niya at ng nasa opisina na siya ay kaagad na nagpatimpla siya ng kape sa sekretarya niya.

Umupo siya sa swivel chair at sumandal sa likuran nito. Nakapatong ang kaliwang braso niya sa table niya at nakahilot naman sa sentido niya ang kanang kamay niya.

Mariin na pinikit niya ang mga mata niya at napabuntong-hininga. Wala na yatang araw na hindi sumasakit ang ulo niya at palagi siyang stressed sa trabaho at maging sa bahay nila.

Pakiramdam nga niya ay palagi siyang pagod at kailanman ay hindi na siya nabigyan ng lakas.

Dagling naglaho naman ang bigat sa dibdib niya nang makita ang litrato nila ng asawa niya. It's a wedding picture.

Kahit papaano ay napapangiti siya at inabot ng mga kamay niya ang litrato at masuyong hinaplos iyon.

"Honey, where are you?" tanong niya at hindi niya mapigilan ang mapaluha.

Larawan ng kasiyahan ang litrato, dahil kuha iyon ng araw ng kasal nila. Ang espesyal na araw na kinasal siya sa lalaking mahal na mahal niya.

Pero pagkatapos ng isang buwan ng kasal nila ay biglang naglaho ito. Tila naging ibon ang asawa niya at lumipad ito sa malayong lugar.

Ni hindi niya mahanap-hanap kung saan ito nagpunta. Nang araw na iyon ay umalis lang ito ng walang paalam. Masakit sa parte niya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit umalis ito ng walang paalam.

Dalawang taon na itong nawawala at tila wala na ring balak na umuwi pa. Wala ng balak na bumalik sa buhay niya.

At ang masaklap pa ay nag-iwan ito ng papel na halos ikagimbal ng kanyang pagkatao. Ang divorce paper na kailanman ay hindi niya inaasahang mahahawakan.

Iniwan nito ang divorce paper na may pirma ng asawa niya. Kaya malaking katanungan kung bakit bigla-bigla nitong gustong maghiwalay sila. Gayong wala namang problema sa kanila at isang buwan pa lamang silang kasal.

Pero ganoon pa man ay hindi pa rin siya tumigil sa paghahanap kay Jaydel at alam niyang pinagtataguan lang siya nito.

Gusto niyang tanungin ito kung bakit ganoon na lamang ang desisyon nitong maghiwalay sila. Maraming katanungan sa isip niya at hanggang ngayon ay malabong hindi pa niya makukuha ang lahat ng kasagutan.

Simula nang umalis ang asawa niya ay siya na ang pumalit sa puwesto nito at siya na ang nagpapatakbo sa lahat ng mga negosyo nito.

Only child lang ang asawa niya at masyado ng matanda ang daddy nito para i-manage ang mga negosyo ng mga ito at maski rin ang parents ng asawa niya ay kumuha rin ito ng private investigator para hanapin ang posibleng lugar na pinuntahan nito.

Pero wala, milyon na ang nawaldas nila para lang sa paghahanap ngunit sadyang hindi nila nakukuha ang impormasyon nito.

Napaigtad siya ng tumunog ang cellphone niya na nakapatong lang sa mesa niya. Binaba niya ang litrato nila pero sa kasamaang palad ay hindi niya sinasadyang masagi ang isa pang litrato. Dahilan na mahulog ito sa sahig at narinig pa niya ang pagkabasag nito.

Ginupo kaagad siya ng takot at kumalabog nang malakas ang dibdib niya. Nanginginig ang mga kamay niyang pinulot ang litrato at nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

"Sheyjane..."

***

AKSIDENTENG dumulas sa kamay ni Jaydel ang basong may lamang tubig at sa hindi niya malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon