CHAPTER 9

5.7K 105 1
                                    

Chapter 9

Sorry

NAPAUPO si Jaydel sa isang upuan na gawa sa kawayan at nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa kanyang mga narinig.

Ngayon, mukhang siya ang may kasalanan. Nagkamali siya ng akala. Binigyan pa niya ng masamang kahulugan ang nakita niya.

"Ilang araw rin ang nakalipas at hinanap kita. Gulung-gulo ang isip ko at hindi ko mahanap-hanap ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ka sa akin. Hindi ko matanggap at hindi ko lubos na maisip na bigla kang naglaho na parang bula. Araw-araw, gabi-gabi, hindi ako makatulog at k-kamuntikan na rin mapahamak ang anak ko. I almost killed my daughter, Jaydel. Our daughter," aniya at namalisbis na ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jaydel ngunit nanatili lang siyang nakaupo at nakatitig sa asawa niya.

Ngayon ay mas nakikita niya ang sakit at pagdurusa nito.

"Jaydel, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Ikaw lang ang minahal ko ng buong puso at ang pagtaksilan ka ang huli kong gagawin. Mahal kita at kailanman," she paused, "ikaw lang ang puwedeng manatili rito," she added at hinawakan pa niya ang dibdib niya kung saan nakatapat ang puso nito.

Humugot ng malalim na hininga si Elysian saka siya dahan-dahang tumayo at naninimbang na tinitigan niya ang kanyang asawa. Pagsisisi ang nababasa sa mukha nito.

"Wala kang tiwala sa akin. Wala. You don't have trust and because of that, nasira ang relasyon natin sa maling akala mo. Nang dahil sa wala kang tiwala, parehas na nasaktan natin ang isa't-isa," walang bahid na emosyon ang mukha niya at malamig na rin ang boses niya.

"Elysian," tawag ni Jaydel sa pangalan niya at napatayo pa ito.

"Wala kang tiwala sa akin," paulit-ulit na bigkas niya.

Mabilis namang lumapit sa kanya si Jaydel at mahigpit na niyakap siya nito.

"I'm so sorry. I'm sorry, Elysian. K-kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat," umiiyak na sambit nito.

Bago pa siya maging marupok at makalimutan ang ginawa nito sa kanya ay malakas na tinulak niya ito.

Nagulat man ito ngunit muli siyang niyakap.

"Please...forgive me, Elysian. I'm so sorry," hinging paumanhin nito sa kanya at napahagulgol na ito.

Pero nakabuo na siya ng desisyon. Gusto niyang magpahinga. Gusto niyang mag-unwind. Iyong walang gumugulo sa isip niya at walang problemang kinakaharap. Gusto niyang hanapin ang sarili niya. Ubos na ubos na siya, pagod na pagod na. Kaya gusto niyang magpahinga.

"Nakakapagod ka ring habulin, Jaydel. Nakakapagod ang hanapin ang taong ayaw magpakita sa 'yo. And please... hayaan mo naman ako ang umalis, sa ngayon," naiiyak niyang wika at muli itong tinulak.

Nanatili na siyang nakatayo sa harapan nito.

"Kung ikaw ay nagawa mong iwan ako, kayang-kaya naman kitang iwan ngayon," aniya at tinalikuran na ito.

Dinig na dinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit wala na siyang pakialam.

Nasaktan na siya nito, at nakuha na niya ang kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip niya. Nalaman na niya ang dahilan at mas nasaktan pa siya lalo sa nalaman.

Ang malaman na walang tiwala sa kanya ang asawa niya. Iyon na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay niya.

Hindi ito naging patas sa kanya. Siya, binigay niya ng buong-buo ang tiwala niya sa asawa niya pero hindi ito.

Nagmamadaling bumalik siya sa hotel ngunit napahinto rin siya ng mahagip ng mga mata niya si Esterly. Ang pinsan ng kanyang asawa. May kasamang itong lalaki.

Isa si Esterly ang taong pinuntahan niya noon upang hanapin ang kanyang asawa ngunit hindi siya tinulungan nito. Sinabi lang nito na hayaan na raw si Jaydel, dahil batid daw nito na masaya ang kanyang asawa sa kung saan man ito nagpunta.

Siguro napansin nito na may nakatingin sa kanya kaya napalingon ito sa gawi niya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya nito. Gulat na gulat ito sa kanya.

Naglakad ito palapit sa kanya at may pagkabahala sa hitsura nito.

"E...Elysian," sambit nito sa pangalan niya at binigyan niya ng mapait na ngiti ang pinsan ni Jaydel.

"Simula't sapol ay alam mo na talaga kung nasaan si Jaydel. Pero hindi mo sinabi sa akin. Pinagkait mo pa iyon, alam mo naman ang nangyari sa akin matapos akong iwan ng asawa ko, 'di ba? But bullshit! Pare-pareho lang kayong mga walang puso!" galit na sabi niya at iniwan na niya itong nakatulala.

***

NAKAHANDA na ang bagahe niya at uuwi na siya sa Manila. Tutal naman ay nakuha na niya ang kasagutan mula kay Jaydel. Ang mga katanungan na matagal ng gumugulo sa isipan niya.

Minsan talaga ay kailangan mong lumayo mula sa mga taong mahal mo. Dahil sobra-sobra ka ng nasaktan. Pakiramdam mo ay mabigat na palagi ang problemang nakapasan sa mga balikat mo.

Hindi niya masisisi si Jaydel kung bakit ito lumayo sa kanya kung bakit kasi nakita sila nito nang sa ganoong ayos pa. Ngunit ang ikinagagalit ng puso niya ay ang pagbibigay ng masamang kahulugan sa eksenang nakita nito.

Hindi lingid sa kaalaman niya na pinagseselosan ito ng kanyang asawa. Pero matalik na kaibigan niya ang binata at hindi naman sila nagkaroon ng relasyon bago niya nakilala si Jaydel.

At alam niya rin ang nangyari sa kaibigan niya ng iwan nito ang fiancee para sana sa promotion nito bilang doktor at makapag-aral sa ibang bansa.

Ngunit hindi pa man ito nakakapagtapos at wala pang isang linggo ay namatay na ang fiancee nito.

"Aalis ka na?" Nagulat siya sa tanong iyon ni Jaydel.

Tiningnan niya ito. Kung dati-rati ay galit ito sa kanya ngunit ngayon ay tila naging bata ito a takot na iwan ng nanay nito.

"Uuwi na ako," malamig na sagot niya at naglakad na siya papunta sa yate niya.

"Elysian..."

Mariin na napapikit siya ng mga mata at humugot ng malalim na hininga.

"Let me go, Jaydel."

"I'm sorry..."

"Kung sana ay nakukuha ng isang sorry ang isang bagay ay maayos sana ang mundo ngayon, wala sanang magulo at wala sanang nasasaktan ngayon," aniya at tuluyan na niyang iniwan doon si Jaydel.

Sorry? Ganoon naman lahat ang mga tao kung nagkakasala sila. Akala nila ay ayos na ang isang sorry pero hindi.

Wala pa itong katumbas sa sakit na sila mismo ang dahilan. Hindi lahat ng kasalanan ay nakukuha sa sorry.

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon