CHAPTER 8

5.2K 99 4
                                    

Chapter 8

The past

"UMALIS ka na at hindi ka welcome dito sa isla ko," dagdag na sabi pa nito sa kanya.

Wala ng mas sasakit pa sa sinabi ng kanyang asawa kundi ang pagtabuyan siya nito.

Naubos na rin ang pasensiya niya. Sagad na sagad na at tila roon lang siya nagising. Nagising sa kahibangan niya. Nasayang ang effort niya, nasayang ang pagpunta niya sa isla at nasaktan lang siya.

"Diyan ka magaling, eh. Diyan ka magaling. Ang pagtabuyan lang ako sa buhay mo. Ang pagtabuyan mo lang ako ng walang sapat na rason kung bakit ka galit na galit sa akin," aniya at ramdam ni Elysian ang panunubig ng mga mata niya ngunit sinabayan pa niya ito ng mapaklang tawa.

"Do I need to explain my reason to you? It is a divorce papers wasn't enough for you to explain why do I hate you?" he asked and she looked at her husband, confused.

"That's. B-bakit...bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nakikipag-divorce sa akin ng wala man lang sapat na rason! Isa sa mga katanungan ko ang pakikipaghiwalay mo sa akin! For Pete's sake, Jaydel. Tatlong buwan pa lang tayong kasal!" she burts out.

"Shut up!" sigaw ng asawa niya sa kanya at tuluyan ng nahulog ang mga luha niya sa kanyang pisngi at dahil sa panghihina niya ay napadausdos na lang siya ng upo sa buhangin.

"J-Just tell me what you know, Jaydel. Nakakapagod na ang ganito. Nakakapagod ka nang hanapin. Pakiusap...sabihin mo na sa akin ang dahilan mo. S-sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ka sa akin. Pagod na pagod na ako," naiiyak niyang wika at napayuko pa siya.

Naguguluhan at hindi na makapag-isip pa ng matino si Jaydel. Para kasing may mali, para kasing may nangyayari na hindi niya alam. Ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ang sabihin ang katotohanan kung bakit siya nawala two years ago.

Two years ago...

Tuwang-tuwa si Jaydel habang may hawak siyang punpon ng bulaklak upang ibigay ito sa kanyang asawa.

Isusurpresa niya ito at balak niyang ayain itong lumabas. Third monthsary nila bilang mag-asawa at espesyal ang araw na ito sa kanilang dalawa. Kaya naman ay maaga siyang nag-off sa trabaho niya. And besides siya naman ang boss, kaya hindi 'yon naging problema sa kanya.

Ala uno pa lang ng hapon at nakahanda na ang lahat. Nasa Paradise restaurant ang surpresa niya para sa asawa niya. Inukupahan pa niya ang buong restaurant, kaya silang dalawa lang ang nandoon.

Ngiti-ngiti pa siyang i-pinark ang kotse niya sa gilid ng kalsada at tanaw na tanaw pa niya ang kanilang mansyon.

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon