Four.

286 6 0
                                    

Nauna ako nagising sa kanya ngayon kaya bumawi ako.

"Good morning! gwapo kong boypren!"

"Good morning impakto."

"Good morning babe!"

"Good morning baby (yuckk) XD" text ko sa kanya sabay tawa kadiri kasi pagtinatawag nya akong baby eh kinikilabutan ako. hahaha.

"Good morning hubby!ILOVEYOU!"

"Good morning lalaki!"

"Good morning singkit!!! wahaha belat!"

"Himala nauna ako magising sayo ngayon ah? wahaha XD "

"Nahawa na ko sa tawa mong wahaha hubby tsaka sa kaka XD XD mo wahaha XD"

"Gising naaaaaaaaaaaa~"

Maya maya lang narinig ko na tumunog yung selpon ko kaya dali dali akong tumalon pabalik sa kama ko.

"Sweetest morning wifey Iloveyou! "

*boogoshhhhhhhhhhh!*

"Aray ah!"batukan daaw ba ako?

"Tulala ka na naman dyan!Sya na naman ba iniisip mo?" diretsang sabi sakin ni Janne.

napanguso nalang ako at umubob sa kinauupuan ko.

"Walang balak kumain?" Tanong naman sakin ni Prince.

umiling iling nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Sakit na nga sa puso sakit pa sa tyan ang hanap neto." walang ganang sabi ni A.

paano ba naman kasi kung gaano ako katakaw at kung gaano ako kalaman ng caf dati ngayon hindi na ko pumupunta dun para bumili.Samantalang dati naman kahit kakapasok ko palang niyayaya ko na sila na diretso kaming caf kapag nagugutom ako.

"Sabi ko naman sayo Tahlyne pagnagmahal ka matuto ka magtira sa sarili mo eh." sabi sakin ulit ni A ngayon alam ko na kung bakit ayaw nila akong sagutin si Twaine dati.

"Naiinis talaga ako sa lalaki na yan ah! Nako kung nandito lang sya binalian ko na ng buto yan!" masungit na sabi ni Janne. Minsan lang magsalita yan kaya nabibigla kami kapag nagagalit sya natuto na nga rin magmura eh.

Nagulat ako ng yakapin ako ni A.Sobrang lungkot ng mukha nya.

"Sorry..." panimula nya. " Sana hindi nalang kami pumayag para hindi ka namin nakikita na nagkakaganyan ngayon. " naiyak na naman ako sa sinabi nya.

"Wag ka magsorry A... choice ko naman to.Ang mali ko lang binigay ko sa kanya lahat ng pagmamahal ko at wala na akong tinira para sakin.Ansakit sakit . Ganon ba talaga pagnagmamahal?" sabi ko hanggang sa sobra na naman ang paghikbi ko.

Tumakbo ako palabas ng classroom . At punta sa likod ng school namin . Umupo ako sa isang bench at pinatong ang ulo ko sa dalawang palad ko na nakatukod sa mga tuhod ko.Hinayaan ko nalang ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Putcha namin eh! wala na bang katapusan tong sakit na nararamdaman ko?! yung pagmamahal nya nga sakin nageexpired yung sakit na nadudulot naman sakin nito unlimited! Lagi nalang ba ko iiyak?

"Tahlyne naman eh! walang mangyayari kung tatakbo ka nalang palagi! Matuto kang harapin yung problema mo! Hindi naman masama magtry magmove on eh! Sana gamitin mo rin yang utak mo minsan hindi puro puso!" nagulat ako at sobrang tinamaan sa sinabi sakin ni A. pag angat ko ng ulo ko nakita ko silang tatlo na nakatayo sa harapan ko.Sinundan pala nila ako.

"A ang sakit sakit eh! Kung sana madali lang magmove-on ginawa ko na!Kaso hindi eh! Kahit anong pilit ko dito at dito!" turo ko sa puso at isip ko."Hindi sya mawala sa isip ko! kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan sya! hindi ko kaya..." tumayo ako at tumalikod sa kanila at nagpunas ng luha.

"Tanga! Kaya mo! Ayaw mo lang!" natigilan ako sa sigaw sakin ni A tagos hanggang buto ko yung mga sinabi nya sakin.

"Palagi ka nalang ba iiyak?" sabi naman sakin ni Prince.

"Nandito kami hindi ka namin iiwan." mahinang sabi ni Janne.

"Sampalin nyo nga ako." mahinang sabi ko sa kanila at humarap ako. "Baka sakaling matauhan at magising ako sa katotohanan." patuloy ko.

"Hindi ka namin kailangan sampalin Tahlyne."mahinahon na sabi ni A.

"Diba sabi mo choice mo to? Sana maging choice mo rin ang magmove on Tahlyne. Kasi nahihirapan kami na makita ka na nagkakaganyan sa isang lalaki." Sabi sakin ni Janne at lumapit sya sakin.

Ayoko na mag away pa kami ni A dahil lang kay Twaine.

Niyakap ko sya at humingi ng sorry dahil sa mga nasabi ko sa kanya kanina.

Niyakap nya rin ako pabalik at gaya ng ginawa ko humingi rin sya ng tawad dahil sa masasakit na salitang nasabi nya.

"Once na rin ako nasaktan Tahlyne kaya ayaw kitang magaya sakin." bulong nya sakin.

"Naiintindihan naman kita eh iniisip mo lnag din yung kapakanan ko."

After school dumiretso kami sa isang park na may sapa.

Binigyan nila ako ng maraming bato at nagtaka naman ako sa ginawa nila.

"Para san to?" tanong ko sa kanila.

"Alam mo maganda ka Tahlyne eh kaso medyo slow ka rin minsan." sabi ni Janne.

Complement ba yun o ano?

"Ibato mo yan sa sapa at isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw." paliwanag ni Prince sakin.

Umupo silang tatlo sa may paanan ng malaking puno at naiwan ako mag isang nakatayo dito.

Huminga ako ng malalim at tsaka kumuha ng bato.

"HAYOP KA TWAINE! MANLOLOKO!" sigaw ko kasabay ang pagbato ko sa batong dinampot ko.

"MAKAKAMOVE ON RIN AKO SAYO BWISET KAAAAAAAAAAAAA!" sabi ko at dumampot pa ko ng maraming bato. at sunod sunod kong binato yun sa tubig napaupo ako at heto na naman yung traydor kong luha.Tumayo ako at pumulot ulit ng mga bato at buong lakas na binato yun sa sapa.

"MAKAKALIMUTAN RIN KITA!" huminga ako ng malalim at kumuha pa ng bato.

"HINDI MAN NGAYON PERO SISIGURADUHIN KO NA HINDI NA ULIT AKO IIYAK PAG BUMALIK KA !!" tuluyan akong nawalan ng lakas at tumumba ako.

At the end of the day IM STILL INTO YOU...

Destiny and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon