CONFESSION.

251 6 0
                                    

// suggestion try nyo basahin habang pinapakinggan ang TELL ME WHERE IT HURTS BY:MYMP. Yun lang. .//

"Twaine.Alam mo ba yung masakit?
Yung iwan nalang basta? Ng walang kahit na anong rason galing sa taong mahal mo? Yung umaasa ako na babalik ka.Na magsosorry ka. Yung feeling na iwan ka ng taong mahal mo. At sa sobrang broken ko na hindi ko na alam kung pano pa magreresponse sa taong nagmamahal pa sakin. Oo nga tanga na kung tanga pero sana hindi mo ko ginawang mas tanga pa.Alam mo ba yung sinasabi ko sa isip ko palagi? Na kalimutan ka na! Kaso ano? Pilit ka pa rin pumapapasok sa isip at sa puso ko! Twaine please!Hayaan mo na ko. Ginawa ko na naman yung gusto mo ah. So sana ganon rin yung gawin mo.Ngayon lang ako hihiling sayo Twaine sana pakinggan mo ko. At sana ito na rin ang huli nating pagkikita. " sabi ko sa kanya at tumalikod na ko. Naramdaman kong niyakap nya ako galing sa likod ko kaya mas naiyak ako.

" Alam kong alam mong hindi ko kayang gawin yang sinasabi mo Cesstahlyne." Basag na rin ang boses nya at ramdam kong tumulo ang luha nya sa balikat ko. Mas naghihina ako ng marinig kong umiiyak sya. Pero. Pero. Shit lang! Sana maramdaman nya rin yung ginawa nya sakin dati!

Pilit kong inaalis ang pagkakayap nya sa akin.

"Ceestahlyne patawarin mo ko please.Ayoko ng mawala ka sakin. Sorry kung hinayaan kitang mawala sakin dati pero nung nakita ko na may ibang nagpapatawa at nagpapasaya sayo mas hindi ko kinayang makita yun Ceestahlyne.Forgive me please.I'll do everything. Para sayo. Mahal na mahal kita Ceestahlyne.Maniwala ka naman oh."

"Para saan pa Twaine?" Mas nabasag ang boses ko ng marinig ko ang mga sinabi nya.

"Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko 2 years ago.Cesstahlyne wala akong ibang nasa isip kundi ikaw.Hindi ko alam kung paano kita kakausapin ulit pagkatapos ng ginawa ko.Palagi kita napapaginipan.Palagi nagfaflashback yung sweetness natin.Miss na miss na kita Ceestahlyne.Pinagsisisihan ko yung dalawang taon na yun Ceestahlyne.Alam mo ba na palagi akong nagbabackread sa Twitter at sa Facebook natin.Yung iloveyou's miss na miss ko na.Tinatanong ko sa isip ko ako kaya mahal pa rin nya pagkatapos ng ginawa ko sa kanya? Yan ang lagi kong iniisip.Ngayon itatanong ko sayo.
Ceestahlyne mahal mo pa rin ba ko?"

Parang nangimay ang buong pagkatao ko hindi ako makagalaw yung feeling na sobrang sakit paggumalaw ako.Still yakap nya pa rin ako at anytime na bitawan nya ako tutumba ako.

"Ceestahlyne sumagot ka please?" Naramdaman ko na lumuwag yung pagkakayakap nya sakin kaya nalula ako.Sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot sa tanong na yan.Alam ko na magsisinungaling ako sa sarili ko kapag sinabi kong hindi.At hindi ko alam kung ano pa ang possibleng kalabasan kapag umoo ako sa kanya.

"Ceestahlyne." Yan ang huling salita na narinig ko sa kanya bago pa ko mawalan ng malay. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa tuwing babanggitin nya ito.

Pagdilat ko puro puti ang nakikita ko. Para akong nasa langit. Kinapa ko ang mata ko at basa pa rin ito. Walang tao sa palagid ko. Wala akong ibang makita. Ipinikit ako ang mata ko.
"Siguro sa mundong to akin ka Twaine." Pagpikit ko nakita ako si Twaine na nakangiti sa akin.

"Wifeyyy!!Hug mo kooo!" Napalingon ako kung saan nangaling ang boses at hindi nga ako nagkakamali si Twaine nga ang tumawag sakin. Namiss ko na tinatawag nya akong wifey ang sarap sa pakiramdam.

Nung papalapit na ako may isang babae tumatakbo patungo kay Twaine at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Slowmo lahat. Simula sa pagtakbo ng babae papunta kay Twaine hanggang sa pagngiti nilang dalawa.

"Twaine..." sambit ko at napaiyak na naman ako.

"Wifey,what do you want to eat?" sabi ni Twaine sa babae habang nakangiti syang nagsasalita.

Ang weak ng tuhod ko hindi ko sila malapitan. Hindi ko magawang ipagtanggol ang AKIN. Ang MAHAL ko. Akin si Twaine. Akin sya. Patuloy akong nanghihina at unti unting napaupo. Pinagmamasdan ko silang dalawa. Maganda yung babae. Kulot sya at maputi ang ang kulay ng balat nya. Sa nakikita ko mukha naman syang mabait. Kaya siguro sya ang pinagpalit sakin ni Twaine.

Ang sakit lang makita ang mahal mo na may mahal ng iba.

Pagmulat ko ulit ng mata ko nakita ko si Kobe at Daniel.Alalang -alala yung mga muhka nila.

"Ano bang nangyari bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nawalan ka ng malay Tahlyne nakita ka naming nakahiga sa field at basang basa sa ulan. Kung hindi ka namin nakita at nadala agad sa ospital baka ano na ang nangyari sayo." Paliwanag ni Daniel.

"E ano naman ang ginagawa ko sa field?"

"Aba ewan naman sayo kung bakit ka nandun."sabi naman ni Kobe.

Kahit kelan talaga mo sya makakausap ng matino. Psh! Sana panaginip lang ulit tong nangyari.

Everything is going to be alright, maybe not today, but eventually.

To be continued...

Yayyyy!! Updated! Sorry kung matagal. Yah know busy sa college life.

Thank you for continues reading my stories! Sarranghe!❤

Destiny and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon