Six.

267 8 0
                                    

Tahlyne.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni A kanina.Sino kaya yung kausap niya?

Binagsak ko yung sarili ko sa kama at pumikit.Kagaya ng dati eto na naman yung traydor kong luha na tumutulo nalang ng kusa sa tuwing naaalala ko si Twaine.

"Ganon ka ba kahirap kalimutan?" Bulong ko sa sarili ko.

Bakit kung sino pa yung totoo magmahal sa huli sila pa yung laging nasasaktan? Hindi ba pwedeng yung mga seryoso ang magkatuluyan at yung mga manloloko sa manloloko at hayaan silang maglokohan?

Masama na ba maging totoo ngayon? At masama na rin ba magmahal ng totoo? Hindi naman siguro diba?

"You don't deserve to be hurt by someone." Putspa naman eh! Yan na naman yung nasa isip ko na sinabi nya sakin dati.You don't deserve to be hurt by someone? Tss!tapos sya deserve na saktan ako ganern?! Kapal ah! Payou don't deserve you don't deserve ka pa sasaktan mo lang din naman pala ako!

Tumayo ako at kinuha ko yung phone ko sa sidetable ng kama ko.

Eto na naman ako umaasa na may message sya sakin...

Kaso eto bigo na naman ako.

Tambay na naman ako sa wall nya tinignan yung mga old posts nya.Nagbabackread sa mga  tweets nya.

Napahinga ako ng malalim.

"Ganito pala kami kasweet dati."

Inout ko na yung facebook ko at patuloy na nagbasa ng mga old tweets nya nung kami pa.Napapangiti nalang ako.May mga bagay talaga na gusto mo nang kalimutan kaso ayaw mo.At sya yung bagay na ayaw kong kalimutan.Hanggang ngayon sya pa rin ang laman ng puso't isip ko.Hindi na ata sya mawawala dito.

Nagshower ako saglit tapos humiga na ulit.Wala naman akong gana kumain eh.Matutulog na ko ng biglang tumunog yung phone ko at agad ko yung kinuha.

Tss!! Gm lang pala akala ko sya na. -_-

Siguro kung kami pa sa mga oras na to kausap ko na sya at gising na sya.Hmm gising na siguro sya? 8am na sa kanila eh.Nagbreakfast na kaya sya?Baka hindi rin kumakain yun tss.

Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog.Ayoko naman na imessage sya kasi ako na naman yung kawawa.Naaawa na nga ako sa sarili ko eh.Bat ba kasi ayaw nya ako kausapin?Gusto ko lang naman limawin yung mga bagay bagay saming dalawa eh.Umupo ako at niyakap yung unan ko.Tuloy pa rin sa pag-agos yung luha ko.

Nakakapagod na!Wala na bang katapusan tong pagbuhos ng lintik na luhang to?!Palagi nalang eh!Sa sobrang inis ko sa sarili ko binato ko sa sahig yung unan ko!

Kinuha ko ulit yung phone ko at kinalikot yun.Kung dati sobrang ingay ng phone ko na to ngayon halos hindi mo na maririnig na tumutunog.Kung dati hindi ko mabitawan tong phone ko ngayon naiiwan ko nalang kung saan saan.Kung dati nakangiti ako sa tuwing hawak ko to ngayon lagi akong umiiyak.Kung dati masaya ako sa mga oras nato at nakatabi sa saksakan dahil kausap ko si hubby ngayon 5days na hindi ko pa to naichacharge.

Pumunta ako sa gallery ng phone ko.Isa isa kong tinignan yung pictures.Malapit na pala mapuno yung memory card ko sa dami ng screenshots ha.ha.ha.

Destiny and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon