Prologue

43 6 2
                                    


Sa isang lugar na madahon at puro puno. May isang lalake na tumatakbo na walang ibang iniisip kundi ang kaniyang kaligtasan kung paano siya makakalayo sa mga humahabol sa kaniya.

Pagod at pawis ang kanyang buong katawan kasama narin ang malakas na pagbagsak ng ulan upang maslalo mahirapan siyang tumakbo dahil maputik ang kaniyang dinadaanan.

Naisip niya na baka naligaw na niya ang mga taong humahabol sa kanya. Oh baka nga hindi na ito tao dahil sa mga ugali na meron ang mga ito. Dahil Gustong-gusto siya paglaruan at patayin ang mga humahabol sa kaniya.

Dahil once na tumakas ka sa pinanggalingan mo kailangan muna ihanda ang iyong sarili.

"Hahaha nali...naligaw ko sila."

Habang nagmamasid siya sa paligid may nakita siya malaking puno at doon siya nagtago. Madamo at madilim ang kaniyang pinagtataguan kaya komportable siya sa kaniyang puwesto at sinisigurado din niya na hindi siya mahahanap ng mga ito.

Madaling araw na pero madilim parin dahil umuulan at natatakpan ng dahon ng mga puno.

"Mabubuhay pa ako, tama. Mabubuhay pa ako hindi nila ako mahahanap rito."

Dahan-dahan niyang inaangat ang kaniyang braso dahil ito ay nabalian nong nahulog siya habang hinahabol.

Habang inaasikaso niya ang kaniyang braso may narinig siyang kaluskos upang siya ay kabahan. Maslalo niya pa iginilid ang kanyang sarili upang hindi siya makita at habang pinagmamasdan niya ang paligid may nakita siyang pigura ng limang tao dahilan upang ikatakot niya ito.

Nagsisisi siya sa kaniyang desisyon na ginawa. Patuloy na nanginginig ang kaniyang katawan at halos maihi na siya sa kaniyang pants sa sobrang takot. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi makatakas sa mga humahabol sa kaniya.

"Potchi! Potchi! Pare mukhang nakatakas yung alaga mo, sabi ko kasi sayo talian mo para di makawala." Sabi ng isang lalake na may hawak na itak na ang tinutukoy ay ang lalake nagtatago.

"Naaawa kasi ako kaya ko pinakawalan." Nalulungkot na banggit na lalake na akala mo ay napakabait.

Natakot ang lalake sa kanyang mga narinig ayaw na niyang mahuli ulit dahil sa mga dinanas nito sa mga kamay ng mga demonyo. Takot at galit ang nararamdaman ng lalake na nagtatago. Dahil tinuring siya ng mga ito na parang isang hayop.

"Pare, diba tinuruan mo na iyon ng leksyon kanina? sigurado na natuto na iyon." Sabi naman ng isa sa kasmahan nito.

"Pero mabangis yung alaga ko." Sabay tawa kahit na wala naman talagang nakakatawa sa kanyang sinabi at nakisama narin sa pagtawa ang kanyang kasamahan.

Malapit lang sa kinaroroonan ng tatlong lalaki ang nagtatago at habang siya naman ay habol hininga dahil sa kaba na kaniyang nararamdaman. Sinisigurado rin nito na hindi siya makakagawa ng kahit ano mang ingay na makakaagaw sa atensyon ng tatlo.

Maslalo niya pa iginilid ang kanyang sarili dahil malapit sa kaniyang tinataguan ang tatlo. Hanggang sa nasagi ng kahoy ang kanyang sugat sa hita na dahilan upang matigil ang tatlo na lalaki sa pagtawa at napunta ang atensyon sa kanyang tinataguan.

"Shet!" Bulalas ng lalake sa kanyang sarili.

Ngiting demonyo naman ang tatlo sa kanilang narinig. Dahil sa umpisa pa lang ay alam na nila kung saan talaga nagtatago ang lalakeng hinahanap nila. Dahil sa totoo lang may isa pa silang kasama na nasa likod lamang na nagtatago.

Nag-isip naman ang lalake kung ano ang dapat niyang gawin upang hindi pumunta ang tatlo sa kanyang tinataguan pero kahit na ganoon wala pa ring silbi dahil may isa pang lalake na nasa likod nito na hindi man lang niya na pansin.

Kumuha ng malaking bato ang lalake at binato nito sa ibang direksyon upang doon pumunta ang atensyon ng humahabol sa kanya at doon nga pumunta.

"Boo!" Gulat ng lalake nito sa kanyang likod.

Dahil sa gulat ay lumabas sa kinatataguan ang lalake at napahiga sa putik.

"Sabi ko na nga ba at doon ka lang nagtatago." Masayang banggit nito sa kaniya.

"Nagmamakaawa ako huwag niyo po ako saktan gagawin ko po ang lahat?"

"Pre narinig mo yun, gagawin daw niya lahat?" Sabi ng lalake sa kanyang amo.

"Ganon ba...hmm.....sige ganito na lang tutal amo mo naman ako dilaan mo ang sapatos namin." Natawa naman ang lahat sa kanyang sinabi. Walang nagawa ang kawawang lalake kaya sinunod niya ang sinabi nito sa kaniya.

"Wait tahol ka nga para maganda hahaha." Baliw na sabi ng lalaki.

Sumunod ulit ito sa kanyang sinabi  at pagkatapos ay nilabas niya ang kaniyang dila na parang isang aso.

"Good dog......But you know what? wala ka ng kwenta." Dahil sa sinabi niya bigla napatigil siya sa kaniyang pinaggagagawa.

"Why? Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi niyo. Magpapakabait na rin ako."

"Ok." Napa ngiti naman ang lalake sa kanyang narinig pero doon siya nagkakamali.

(Grrrr grrrr grrr) pasensya napo kayo di ako marunong sa tunog ng chain saw.

Nakangiting demonyo ang mga ito sa kaniya. Natutuwa sila sa kanilang pinag gagawa at hindi pinapansin ang lalaking nagmamakaawa sa kaniyang kaligtasan.

"Anong...... gagawin.... niyo?"

"Ito? ahhh huwag kang mag aalala isa yang regalo galing sa kanyang mabait na amo ." Sagot nito sa kaniyang katanungan.

"Huwag! please! ginawa ko naman ang gusto nyo!"

"But you are useless now."

"Huwag please! huwag! huwag nyo gawin yan!."

"Bye bye."

"Please huwag! huwag! Hu- ahhhh!"










A/N: hai guys nagustuhan nyo po ba?sana magustuhan nyo yan.

Sana po ay mag enjoy kayo.

Comment and vote rin po kayo.

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon