Chapter 1

30 4 0
                                    

Chapter 1: Dream

Zoeh p.o.v

Halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay nababalutan ng mga dugo at maraming mga patay na katawan. Hindi ko rin maintindihan kung paano ako napadpad dito sa lugar na ito.

"Anong nangyari? Teka nasan nga ba ako?"

Walang pumapasok na ideya sa isip ko kung anong klaseng lugar ito. Pero kung oobserbahan ang buong paligid mukhang nasa loob ako ng eskwelahan.

"Wait! Nasa eskwelahan ako?"

Tuwang-tuwa ako na marealize ko sa sarili ko na nasa loob ako ng eskwelahan. Pero agad din nawala ang kasiyahan ng mapagtanto ko na bakit may mga bangkay na nakakalat sa loob ng eskwelahan at bakit may mga dugo?

Aalis na sana ako kaso may narinig akong boses, hindi naman sa chismosa ako pero parang ganon na rin.

"So.....what are you going to do?"kalmado na sabi ng lalaki.

"Shut up! Naiinis na ako! Mga duwag sila ayaw nila magpakita." Galit nitong sabi.

"Calm down ok?"

"What?! Calm down. Are you insane?"

"Well let me help you how about kill them all.......i mean patayin mo sila kasi sagabal lang sila dito sa iyong plano and look.......lahat sila ay nagpapatayan na, kasi ang iniisip nila kapag naubos na lahat at kunti na lang ang natira ay makakatakas na sila.........but i think that will never happen."

Nagsisi ako dahil pinakinggan kopa ang kanilang pinag-uusapan pero sino naman ang tinutukoy nong isang lalake? Sinong sila?

"What do you mean?"

"Diba nahihirapan kang hanapin sila? bakit hindi na lang ganon ang ating gawin, right?"

"But....."

Gusto kong magwala sa sobrang inis at sipain ang taong nag-suggest non. Kasi hindi ako natutuwa sa kaniya sa totoo lang.Wala ba siyang awa sa mga inosenteng estudyante na nandito, well actually kasama ako doon. Pero kahit na ba! How can he say that na para bang ang buhay ay nabibili lang ng tig limang peso.

"Why? Kapag sumuko na sila ikaw na ang bahala kung anong gusto mong gawin at ako naman ang bahala sa mga patay na katawan na nagkalat rito. Pagkatapos mag invite ulit kung sino ang gusto pumasok sa paaralan and problem solved." Masaya nitong pagpapaliwanag.

Hindi ko alam kung anong gusto kung gawin dito sa hayop na lalake na ito, ipakain sa buwaya o sunugin ng buhay. Dahil ito lang naman ang gusto ko sabihin sa kanya wala siyang puso inaano ba sya at gusto n'yang patayin ang nandito.

"But-" hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng pinutol na nito ng isang lalake.

"Don't worry........ trust me."

Dahil sa hindi ko na kinaya ang kanilang pinag-uusapan gusto ko na umalis, iniisip ko palang na pinagpapatay na kami rito para na akong nawawala sa katinuan ko, bat ba kasi ako napunta rito.
Tsaka ayuko pa mamatay kasi may naghihintay pa sa akin si untie ma, uncle pa at si kuya krypton.

Aalis na sana ako kaso wrong move, naitulak ko kasi yung trash can at natumba ito ng sanhi ng pagtigil ng kanilang pag-uusap.

Im dead mukhang sa akin pa mauuna ang kanilang plano.

I need to run.

Pero saan? ngayon lang ako nakapunta rito. Argh! basta ang mahalaga makalayo ako sa kanila.

Takbo ako ng takbo pero kahit na anong gawin ko ay napakabagal ng takbo ko. Naiinis na ako baka ito pa ang dahilan ng aking pagkamatay dahil napakabagal ko kumilos. Nang maramdaman ko na may papunta sa akin direksyon, pinilit ko ang aking sarili na tumakbo ng mabilis kasi ayuko pa mamatay marami pa akong pangarap sa aking buhay tsaka gusto ko pa makasama si untie ma at uncle pa, gusto ko rin na makita si kuya.

Habang tumatakbo ako may nakita akong pintuan siguro yun na yung exit kaya mas binilisan ko pa ang aking takbo kaso palayo ng palayo ang pintuan.

Bakit kapag lumalapit ako palayo ng palayo ang pintuan? Kailangan ko na makaalis dahil siguradong hinahanap na ako.

Please huwag gusto ko pang mabuhay.

Huwag!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Huwag!!!" Kasabay sa paglaglag sa aking higaan.

Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang aking likod. Pagkatapos bumalik ako sa kama at sabay inat sa aking katawan. Grabe sobrang sakit para bang sampung malalaking tao ang nananakit sa akin.

"Argh! Kainis kay aga-aga bad luck na kaagad ah! ah! Ouch sakit."

Habang iniinat ko ang aking katawan bigla pumasok sa aking isipan ang napaginipan. Naalala ko pa naman lahat kaso diko makita ang mga pagmumukha ng mga tao sa aking panaginip, malalabo ang mga itsura nito.

Kung tutuusin parang totoo ang mga pangyayari sa aking panaginip pero panaginip eh so.....di totoo gets nyo? Basta kayo na bahala.

Dahil siguro sa kasabikan kung makapasok sa paaralan ay kaya ako nakapanaginip non. Well ganito kasi yun sabi nila simula daw nong ako ay highschool lagi daw ako nabubully, pagkatapos isang araw pauwi na daw ako sa bahay ng may dumukot sa akin at pinagbubugbog ako muntikan na nga ako daw mamatay.

At kaya lang naman daw kasi ako binubully kasi wala na akong magulang, namatay kasi sila sa car accident and then so ito na nga nong may nakakita sa pangyayaring pang-bubugbog sa akin may nagsumbong pagkatapos na kuha na ako ni untie ma at uncle pa at isinugod sa hospital.

Kaya pagkatapos ng pagka-graduate ko ng highschool hindi na ako pinapasok sa paaralan, home study na ako simula ng first year college hanggang sa ngayon fifth year college. Diba galing?

Alam niyo ba sa bawat kwento ko may kasamang daw?

Then let me explain.

Wala akong matandaan sa lahat ng kinuwento sa akin ni untie ma. Ang sabi niya kaya daw di ko maintindihan at maalala ang lahat ay dahil nasagasaan daw ako nong pagkatapos ng graduation ko, kasi gusto ko i celebrate ang aking pagka graduate at pagkatapos nangyari na ang hindi ko inaasahan na pangyayari.

Pag-gusto ko alalahanin lahat sumasakit lang ang ulo ko kaya hinayaan ko na lang kesa pilitin ko pa baka sumabog na yung utak ko.

Diba kung hindi ako natuluyan sa bugbug moments nasagasaan naman. Hayst! Life is full of surprise nga.

And back to the topic.

Nong matapos kona ang daily routine ko bumaba na ako para mag almusal.

Umupo ako sa harapan ni untie ma at uncle pa na nagsasayang dalawa ay hindi pala naglalandian.

Kay aga aga ganyan kaagad ang bungad sa akin. Nauumay na nga ako, kasi pag nagbubukas ako ng account ko mapa Instagram , Twitter and Facebook puro tungkol sa love  life.

Pero ako mas magugustuhan ko pa kung manga yan, anime, Thailand series at iba pa basta huwag ganon.

At kung sino man na nag sabi na bitter ako. Hindi no, nakakaumay lang kasi.





to be continued............

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon