Chapter 2

21 3 0
                                    

Chapter 2: Suspicious

Zoeh p.o.v

Kanina pa ako dito sa tapat nila at hinihintay ko na lang na matapos sila sa kanilang pinaggagagawa pero dahil sa gutom na ako kaya sumingit na ako sa kanilang dalawa.

"Ehem!" And then napunta ang kanilang atensyon sa akin.

"Oh dear! kanina kapa dyan?" Ngiting bungad sa akin ni Untie Ma.

"Hindi po."

Hindi pala ako napansin ng mga ito. Kanina pa kaya ako nasa harapan nila halos langgamin na nga ako sa pwesto ko. Napabuntong hininga na lang ako tsaka ngumiti sa kanila yung ngiting hindi natutuwa.

"Ikaw naman.... wag ka nga ganyan bitter ka lang eh." Pang-aasar sa akin ni Uncle Pa.

"Wait! ako pa talaga bitter? Hindi kaya!"

"Bakit kasi hindi kapa maghanap ng sa iyo para di kami madamay d'yan sa pagkabitter mo." I just rolled my eyes ng marinig ko iyon.

"Unang una sa lahat Untie Ma at Uncle Pa hindi ko muna kailangan yan. Pangalawa kailangan may permiso galing kay Kuya at pangatlo, sige nga paano ako makakahanap kung lagi na nasa bahay ako, ni hindi niyo nga ako pinapalabas kahit magtapon man lang ng basura."

Pagkatapos ko sagutin ang kanilang katanungan ay tumahimik na sila at umayos ng upo. Ganyan sila lagi kapag tungkol sa ayaw nila akong palabasin.

College na ako hindi na highschool para matakot sila kung ano ang mangyari sa akin. Hindi ko din alam kung bakit sila ganyan. Dahil ba sa kilala kami bilang isa sa pinaka mayaman sa buong mundo? Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo ang mga sinabi ko. Kilala kami bilang isa sa pinaka mayaman kaso hindi ko lang alam kung pang-ilan kami kasi wala rin akong pakielam at si Kuya ang successor kaso wala naman siya dito. So back to the topic.

Ano ba ang mga dapat kung gawin upang payagan akong umalis. Gustong gusto ko talaga pumasok sa university kung saan magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan, pupunta kayo sa canteen, pupunta sa library at iba pa na maaaring gawin ng magkakaibigan. Pero ako hindi ko magagawa ang mga bagay  na iyon kung di ako papayagan ni Untie Ma at Uncle Pa.

"Untie ma..... gusto ko po mag enroll this year." Pagbasag ko sa katahimikan.

"No, hindi pwede." Diretsong sabi nito na hindi na kailangan pa pag-isipan.

"Bakit naman? malaki na ako, kayo ko na ang sarili ko!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mataasan ng boses at magalit sa kanila. Kasi ano paba ang kinatatakutan nila? malaki na ako. Bakit gusto parin nila ako ikulong sa lugar na ito?

"Untie ma wala parin ba kayong tiwala sa akin?" Pagmamakaawa ko rito.

"Zoeh, kapag sinabi ko hindi, hindi. Tsaka utos rin yun ng kuya mo." Nang dahilan upang ikatigil ko.

"Si kuya sinabi niya iyon.......kailan pa?"

"Huwag na madaming tanong. Tsaka para rin naman iyon sa iyo."

Hindi ako makapaniwala na si kuya pala ang dahilan kung bakit hindi ako makalabas sa lugar na ito. Kailan niya sinabi kanila Untie Ma at Uncle Pa? nong araw na umalis siya?

Miss kona ang Kuya Krypton ko. Isang linggo ko lang siya nakasama pagkatapos ko ma-discharge sa hospital noong nasagasaan ako.

Saan ba siya nagpunta?

It's been four years na pero hindi ko pa rin siya nakita, kapag nagtatanong naman ako kay Untie Ma iniiba niya ang usapan.

Pero wala naman masama kung uulitin ko diba baka sabihin na niya.
"Untie Ma na saan po ba si kuya? Apat na taon na kasing hindi nagpapakita sa atin."

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon