Chapter 10

6 2 0
                                    

Chapter 10: Let's start the game

Zoeh p.o.v

Maaga pa lang ay ipinatawag na kami papunta sa stadium upang simulan ang laro. Hindi ko nga inaasahan na ngayon pala ang simula. Akala ko pagkatapos muna ng isang buwan doon palang sisimulan.

Hikab hikab pa akong pumunta sa stadium at tulala na nakatayo sa gilid.
At kung tatanungin niyo po ako kung nakatulog ako ng maayos kagabi.

Hindi.

Hindi ko parin kasi makalimutan yung nangyari kagabi. Hawak ni kajin ang aking kamay habang papunta sa aking dorm at binanggit ang aking pangalan.

Bakit di ako makatulog? Bakit masaya ako kahit na nanganganib na ang buhay ko sa oras na yun? Dahil ba sa first time kong may humawak sa kamay ko.

Natatawa na lang ako sa aking sarili kasi hindi ako pumunta rito upang makipag emek emek sa mga lalaki nandito ako para kay kuya.

"Goodmorning Zoeh." Ang inaantok na sabi ni Esta habang niyayakap ang sarili.

Malamig kasi sa loob lalo na napapaligiran ang lugar na ito ng mga matataas na puno.

"Goodmorning sa inyong lahat."

"Bakit ang aga natin lahat?" Ang tanong Guelly.

"Hindi ko alam." Ang sabat ni Jayzent.

"Magsisimula na ang palaro." singit nj Denezel sa usapan.

Naikinagulat naman nila.

Kinakabahan tuloy ako sa reaksyon nila na ipinakita. Syempre matagal na sila dito samantala ako baguhan. Tsaka nalaman ko din sa palaro na ito na bubunot sila ng numero kung sino ang mga kasali sa unang palaro. Kung mapasama ako sa nabunot baka ito na yung huling araw ko.

"Goodmorning students. Kaya kayo pinatawag ng maaga dahil may unting pagbabago sa laro pero huwag kayong mag-alala mas maganda ito." Ngiting sabi ng Vice habang nakatingin ito sa amin lahat. Nasa harapan rin namin ang apat na pinuno ng bawat grupo.

Napapaisip ako kung kasali ba ang apat na pinuno sa larong ito.

"Dene." Tawag ko kay denezel.

"Wow! dene i like it. So ano yun?"

"Kasali ba ang apat na nasa harapan natin sa larong ito?"

"Hindi, kasi sila ang maghahanap sa atin."

"What?!"

"So students ito ang unting pagbabago sa laro. Nong dati ay tatlong oras lang pero ngayon ginawa na naming 4:30 am ang simula at magtatapos naman ng 7am bukas."

"What!" Sigaw lahat ng mga estudyante.

"Tumahimik!" Ang sigaw din ni Vice Lily sa amin upang magsipag tahimikan ang lahat.

"At yung place naman na ginamit niyo nong dati ay Building E lang. So ngayon ay buong school na mismo gagamitin."

Nang matapos niya sabihin ang lahat. Doon lang nagsipag ingayan ang lahat. Puro reklamo ang naririnig ko sa aking paligid kahit ang mga kaibigan ko ay ganun din.

"Bakit naman ganon?"

"Mas ok na ang tatlong oras kaysa sa isang araw. Paano kami kakain?"

"Buong school? Paano yung mga hindi kasali na manlalaro? Saan sila dadalhin?"

"Hindi  bat sobra naman ata iyon!"

"Gusto na nilang ubusin tayo."

Ang hinding pagsang-ayon ng mga lahat na estudyante sa pagbabago ng laro habang ako clueless kasi ngayon ko pa lang ito naranasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon