Chapter 3

17 3 0
                                    

Chapter 3: Journey

Zoeh p.o.v

"Diba Zoeh sinabihan na kita na huwag kang pumasok sa kwarto ng kuya mo. Bakit ka nandoon?" Pag sasaway nito sa akin.

"Gusto ko lang po malaman kung saan ba talaga si kuya."

"May n-akita kaba?" Nauutal nitong sabi.

"Ah......"

"Zoeh!"

"Meron! Meron po akong nakita." Pasigaw kong sabi rito na ikinagulat nila.

Bakit ba ayaw nilang sabihin kung nasaan si kuya hindi naman sana aabot sa ganito ang lahat kung sinabi lang nila sa akin.

Iniisip ko rin na doon na lang kaya ako sa lugar na iyon mag-aral tutal nandoon naman si kuya.

"Zoeh, sinasabi ko sayo huwag mong itutuloy yang iniisip mo."Nagulat ako sa sinabi ni Untie Ma.

Paano niya nalaman? iniisip ko pa lamang iyon pero alam na niya.

"Makinig ka na lang sa akin dear
mapapahamak ka lang sa gagawin mo." pagmamakaawa nito sa akin sabay alis at pumunta sa kaniyang kwarto.

Pero bago pa ito tumayo may iniwan pa itong salita na nagpagulo sa aking isip.

"Ayukong mawala lang ng silbi ang sakripisyo na ginawa ng kuya mo."

Tumingin ako kay Uncle pa na mababakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"Zoeh makinig ka na lang sa sinabi ng Untie Ma mo at huwag kang mag-alala hindi siya galit sa iyo iniingatan ka lang niya. Sige na bumalik kana sa kwarto mo, tatawagin ka na lang namin kung kakain na tayo." Sabi nito bago pumunta sa kwarto kung nasaan si Untie Ma.

~~~~~~~~~~~~~~~

Nandito ako ngayon sa aking kwarto na tulala. Kasi hindi pa rin na proseso sa utak ko ang lahat ng problema. Kasama na rin yung mga na search ko tungkol sa Denchel Jill University.

Ayon sa aking nakuha na impormasyon sa internet at opinyon ng mga tao. Ang San Mount Cursed ay hindi talaga ito ang tunay na pangalan kundi San Mount Crisy kung saan itinayo ang Denchel Jill University. Sabi ng mga netizens ay napakaganda ang university na ito dahil dito mismo ma-challenge ang knowledge at physical body mo. Ang nagmamay-ari sa University ay isa sa lima na pinakamayaman sa buong mundo kundi si Charles Yuu. Mayroong itong dalawang anak na si Denchel Yuu na panganay na babae at Jill Yuu na bunsong anak na lalake.

Hindi na ako nagsearch kung ano ang ibig sabihin ng name ng university kasi halata naman kung saan kinuha.

At pagkatapos ikinataka na lang ng lahat ng bigla nagbago ang lugar na ito. Ayon sa gobyerno ay hindi na basta pwede pasukan ang San Mount Crisy dahil punong puno ang paligid nito ng mga iba't-ibang klaseng patibong. Kaya naisip na lang ng Gobyerno na tawagin ang kanilang anak kung nasa ayos ba ito ng kalagayan kaso sa kasamaang palad ay hindi nila makontak ang kanilang mga anak na maslalong ikina bahala ng mga tao at ng gobyerno.

At sa hindi rin inaasahan na pangyayari ay bigla na lang din idineklara na ang San Mount Crisy ay hindi na sakop ng gobyerno kaya hindi na nila pwede pakielaman ito. Maraming hindi sumang-ayon dito dahil nasa loob pa ang kanilang mga anak, pero ayun sa kontrata na pinirmahan na once na malaman na umapak ka sa San Mount Crisy, ay magkakaroon ka ng record na trespassing at makukulong ka ng sampung taon at hindi pa tapos magmumulta kapa ng Bilyon-bilyong halaga.

Sa sobrang takot ng mga tao ay wala sila nagawa pero may mga tao parin na hindi sumuko.

After that wala man lang balita na natanggap tungkol sa unibersidad na ito pero bigla na lang may sumulpot na invitation card kung sino ang nagnanais mag aral sa Denchel Jill University. Hindi lang iyon pati rin sa internet ay kalat na kalat ito kaya kung nais mong mag aral doon may permiso kang tumapak sa mapanganib na lugar na iyon.

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon