Chapter 5

16 3 0
                                    

Chapter 5: I found you or me?

Zoeh p.o.v

"Ano masarap ba ang pagkain rito?" Tanong ni Jayzent habang ako naman ay kumakain.

"Ohm masarap."

"Ano ba! Jhan-s kumain ka nga ng maayos tutusukin talaga kita ng hawak ko." Pagsasaway ni Guelly.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit ganyan si Jhan-s at dahil iyon sa akin.

"Bakit kaba nangingielam?" Sagot naman nito.

"Aba! Nasagot ka pa." Inis nitong sabi ni Guelly.

"Tumigil na nga kayong dalawa nasa harap tayo ng pagkain." Pagsaway ni Esta sa dalawang parang aso't pusa.

"Pasensya kana Zoeh ganyan lang talaga sila."

"Ayus lang."

Maingay rito sa loob ng canteen na para bang wala lang sa kanila ang nangyari kanina. Siguro dahil na rin sa matagal na sila rito.

At habang nakain ako napansin ko na lang bigla tumahimik ang buong paligid at yung iba ay nagmamadaling umalis. Hindi kaya may hindi magandang mangyayari na naman?

Mahigpit kung hinawakan ang tinidor para sa self defense ng mapansin ko ang isang grupo ang dumaan malapit sa pwesto namin. Sino ba sila at mukhang kinakatakutan ng lahat?

Nang makakuha na sila ng pagkain ay umalis na rin kaagad ng ikina balik ng atmosphere sa loob ng canteen.

"Sino sila?" Tanong ko sa kasamahan ko.

"Tutal nagtanong ka na sasabihin ko na sayo ang lahat ng gusto mong malaman. Actually Zoeh may apat na grupo rito sa eskwelahan na ito. Tinatawag silang the four fear at yung kaninang tinutukoy mo isa sila sa grupo na yun. Sila ang grupong killer chess ang namumuno naman ay si Jairex Kai Monteporal yung nasa unahan kanina." Paliwag ni Esta sa seryosong mukha.

"Sino naman yung tatlong natirang grupo?"

"Ang natirang grupo naman ay ang wall destroyer na pinamumunuan ni Claymax Vincent Ayamado, ang isa namang grupo ay ang silent mode na pinamumunuan ni Kajin Xick Nagasaki itong dalawa naman ay magpinsan." Paliwanag naman ni guelly.

"Parang mga hapon sila." Banggit ko.

"Half lang." dugtong niya.

"Sino pa yung isa na natira?" Tanong ko rito sabay inom.

"Right! yung last is yung missing piece na pinamumunuan ni Krypton Tale Sphint."

"Ack!- cough Ah! Ah! Ano?!" Halos mabilaukan ako ng marinig ko ang pangalan na yun. Imposibleng siya iyon siguro naman may kapareho si kuya ng pangalan.

"Hey! Ayus ka lang? Ano ba kasing pinag gagawa mo?" Nag aalala nitong tanong ni Guelly.

"Pwede bang pakiulit ng pangalan?"

"Sino? si Krypton ba?"

"Krypton pala ang pangalan ng pinuno ng missing piece."

"Bakit mo naman na itanong?" Sabat ni jhan-s gamit ang seryoso nitong mukha.

"Ka-kasi hindi ko marinig ng maayos kanina."

Mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko si Jhan-s. Kasi pinagmamasdan niya ng husto ang mukha ko na para bang may itinatago ako mula sa kaniya. Para maiwasan ang kaniyang titig ibinalik ko na lang ang atensyon ko kayla Guelly.

"Ano naman ang kanilang ginagawa?"

"Sila ang nagbabantay tuwing gabi at kung sino man ang nakita nilang lumabas at lumabag sa oras ay hinuhuli nila." Sagot ni jayzent.

The Dark JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon