Pinky Promise3: ATTRIBUTION ERROR
Matapos ng aming O.A. to the highest level ultimate bitches reunion ay isa-isa na kaming pumasok sa iba’t ibang klasi namin. Pumunta na ako sa College of Humanities at Social Sciences kasi may Liberal Arts subject pa ako. Malapit lang din naman sa college namin at ang next class ko.
I easily tip my toe and walk like a criminal inside my room. Hahaha. Deviant na kung deviant. Late na pala kasi ako.
“Good Morning to you Miss Adrianna Cordova.” Sarkastikong bati sa akin ng Social Psychology Professor kong si Maam Nesreen Mangorsi a.k.a Horsey. Hahaha. Wala lang, naatribute ko kasi ang apilyedo niya towards a horse.
“Good morning too Ma’am!” Maligayang bati ko sa kanya. Hehehe. Afer all, behind those sarcastic words is a motherly heart. Hahaha. Etchos! Feeling ko kasi spoiled much ako sa kanya kasi love love much niya ako. Feelingera much noh?? Isipin niyo na ang gusto niyong isipin. After all, I don’t care.
Umupo ako sa harap. Dun kasi talaga ako nakaupo. Katabi ko si Toffer tapos sa kabilang side naman si Mark. Mahal na mahal ko yang mga yan. Pinandidirian man sila ng iba dahil sa gender preference but I do admire them a lot. Masama bang magpakatotoo??? Si Christoper Reyes kasi na mas fond kong tawagin na Toffer ay isang proud BISEXUAL while Marky babe- Marko Rivas naman ay isang BECKYbelles.
“Ang tagal mo maam, di pwerke bet ka ng instructor aabusuhin mo na. Pero okay lang yan, lub parin kita. Mwuaahh..” Sabi ni Toffer sabay beso sa akin.
“Agree ako jan maam.” Seconded ni Mark. Bebesohan ko sana siya kaso umewas siya.
“Kaderder ka maam. You know di kita bet. You’re so kadire ever.” Pintas ni Mark.
“Whatever Marky babe. Ikiss kita diyan eh.” Ako.
Nilabas ko na yung Social Psychology book ko written by Ma’am Horsey’s bestfriend kuno na si David G. Myers. Tiningnan naman nila ako na parang isang allien.
“Kalurky ka talaga maam.. Nerdy much? Di uso ang ebook??? Less hassle... Less weight..” Puna ulit ni Mark. Anong bang problema nitong si Marky babe??? Isa nalang, iparape ko na talaga to kay Ruv.
“Oh? Mabuti naman at di ka umabsent Mr. Del Rosario. Alam mo namang ikaw lang ang cactus among these flowers.” Napalingon kaming lahat sa kakarating palang na si Ren sa likod.