BALL - Chapter II

316 6 9
                                    

Author's Note: Napaaga kasi natuwa ako may mga nagbabasa pala :D Medyo mahaba yung chapter 2 so hahatiin ko sa ilang parts to :))

Enjoy! Picture nga pala ni Tristan sa side ------> with his cousin haha

-----------

BLAAAAAAAAAAAAG!


Oh nooo! This time malakas na talaga ung pagkakabunggo ko kung sino man yun. Denisse Sherazade Alvarez bakit ba naman kasi sa mga nagtitiliang babae ka nakatingin sa halip na sa dinadaanan mo diba? *_*


"DENISSE!!!!!!"


"Naku Miss sorry talaga. Okay ka lang ba?! May masakit ba sayo?!" Isa pang oh no, lalaki na ung nakabangga sakin. Nakakahiya! >_<


"Ah.. eh.. ok lang naman" Ang totoo masakit sa braso, pero syempre hindi yun ang sasabihin ko. Pa-demure ang lola nyo.


"Are you sure? I'm really sorry..."


"AUSTRIA! Bilisan mo, malelate na tayo" Narinig ko yung isang middle age na lalaki na tinawag yung nakabunggo sakin.


"Uhm una na ko miss. Sorry talaga. Eto nga pala ung notebook mo nahulog mo ata nung nabunggo kita. See you around sa campus and Welcome sa UST Denisse! ^_^" sabay ngiti sakin at nagmamadaling umalis.


"No ---" Hindi ko na natuloy ung sasabihin ko. Nabasa nya siguro ung name sticker sa notebook ko. Ganito ba ang welcome nila sa new thomasians? Halos hindi ko na maramdaman ung sakit ng pagkakabungguan naming kanina dahil sa ngiti na yun.


"DENISSE!!!!! Oh my gawd! Are you okay?!" Nagsisigaw na sabi ni Unique.


" Okay lang ako Unique. Don't worry. Si Tristan nasan?"


"Si Tristan? Nagpaalam satin kanina diba na magccr daw sa 2nd floor. I thought nasa tabi lng kita all the time. Sorry di ko napansin na nagkahiwalay na tayo nagtetext kasi ako ^___^" Ano bang mali dito sa bago kong kaibigan at ngumingiti ng parang sira ulo.


"Oh Unique okay ka lang? Bakit parang kinikilig ka ata? 0_0"


"Nakita ko ung nakabunggo sayo! ^_______^" Kinikilig nga siya!


"Nakita mo?" Nakakahiya. TToTT


"Parang nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saan. Mukhang varsity ng basketball. Infairness ang cute nya noh?"


"Growling tiger? Varsity? Kung tama ka nga, No wonder kaya pala nagtitilian yung mga babae kanina"


"Friend in fairness ang sweet nya syo kanina! ^_______^"


"Hay nako Unique tigilan mo ko, tara na nga, nasa gitna tayo ng daan, baka may makabunggo ulit sakin nito. Hanapin na lang natin si Tristan dahil gutom na ko"

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon