BALL - Chapter VII-c

195 5 2
                                    

A/N: Okay last part na po ito ng pov ni Carter. Again, nilagay ko po itong pov ni Carter para nalalaman nyo rin naman ang mga nasa isip ni Lance Carter Autria ^.^

Kung gusto nyo po ng POV ng ibang characters comment lang po kayo. Pero for the meantime si Denisse na lang po ulit. Pero once na may request talaga para sa iba, i won't hesitate to make pov for them.

I'm so overwhelmed sa mga nag-rl nitong story na to at sa mga nagcomment, nagvote at nag fan. Thank you so much! :)

Si Tristan pala nung Freshmen walk nung gabi ^.^ ---------->

Chapter VII-c

CARTER's POV

Nagsimula na nga ang movie. Sa totoo lang gusto ko rin naman panoorin yung movie na to since madami syang nakukuhang magandang review over the net. Hindi ako takot sa mga horror flick, at natutuwa ako sa mga concept ng ganitong story.


Wala pa sigurong 30 minutes, nakakatakot na agad ang mga scenes. Kakaiba itong movie na napanood namin kasi halos lahat ng scenes ay kinunan na parang yung mga bida ng story ang may hawak ng camera.


"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" narinig kong sumigaw si Tristan.


Grabe talaga itong si Tristan, kahit pala ngayon ay magugulatin at matatakutin pa rin sya. Ganyan na sya nung high school pa lang kami pero super bait nyan si Tristan at masarap kasama.


Napansin ko na natatawa si Denisse dahil na rin siguro kay Tristan. Sasabihin ko sana sakanya na kahit nung high school ganyan na si Tristan ng biglang...


"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" Sigaw nilang dalawa ni Unique.


Hindi ko napansin kung nakakatakot ba talaga ang scene na yun para mapasigaw silang dalawa ni Unique pero halos lahat ng tao sumigaw nung mga oras na yun kaya nakakatakot naman siguro. Kasi kahit si coach napasigaw ^.^


Nakita kong seryoso si Denisse sa panonood kaya nanood na rin ako.


Hindi masasayang ang binayad ni coach para sa movie na ito. Nakakatakot kasi talaga kahit ako ay hindi mahulaan ang mga susunod na mangyayari.


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!" sigaw ni Denisse sabay hawak sa..


Sa kamay ko? 0_0


Hindi naman sa ayaw ko na humawak si Denisse sakin. Siguro nagulat lang din ako. Tinignan ko si Denisse. Takot na takot siya. Alam ba nya na sakin siya humawak? Sakin ba talaga siya dapat hahawak?


"Ok lang yan Denisse, nandito naman ako ^.^" Sabi ko kasi mukhang takot na takot na talaga siya. Napansin ko rin kasi na si Unique kay Franz naman tumatago kaya siguro napahawak sakin si Denisse.


Hinayaan ko lng na humawak sakin si Denisse. Pagkatapos ng scene na yun ay tinanggal na rin nya yung pagkahawak sakin. Once in a while kapag nakakatakot at nakakagulat ang mga scenes napapahawak ulit siya sakin. Alam ko na hindi nya sinasadya at nahihiya siya dahil every time na hahawak siya ay nagsosorry agad sya.

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon