BALL - Chapter VII-b

211 3 6
                                    

A/N: Ito na po yung part b ng chapter 7. Carter's POV po so may mga scenes na naulit from day 4. Comments and suggestions are very much welcome po. Ang tagal ko din po pinagisipan kung lalagyan ng POV ni Carter or hindi so maaappreciate ko talaga kung magbigay kayo ng critique nyo ^_^


Don't be afraid to comment hindi po ako nangangain ng mga readers na nagfifeed back hehe.


Carter ulit sa gilid nung nagmovie sila ^.^ ---->


Chapter VII-b


Carter's POV


June 19, 2008

Pagkatapos ng jogging session ng team namin nung umaga, pinaiwan kaming dalawa ni Franz sa gym dahil may sasabihin daw samin si coach. Nung una akala talaga namin ni Franz papagalitan kami pero it turned out itretreat pala kami ni coach. Nagawa na daw nya ito sa ibang teammates namin kaya turn naman daw namin.


Okay na okay naman kami sa idea ni coach na parang mini team building na rin namin ito. Nagyaya si coach magmovie at maglunch sa trinoma. Tamang tama kasi wala naman akong klase ngaung umaga dahil may seminar yung dalawa kong prof sa umaga so wala kaming meeting ngayon.


"Coach sunod na lang po ako, may class pa po kasi ako ng 9am eh" Paalam ni Franz.


"O sige, basta mga 10 o 11am nasa trinoma na kami Franz, wag kang malelate."


"Opo coach"


"Eh ikaw Carter sabay ka ba samin?" Tanong ni coach sakin.


"Ah coach sabay na po ako papunta pero kotse ko na lang po siguro yung gagamitin ko."


"Oh bakit kotse mo pa? Samin ka na lang sumakay para makatipid na rin ng gasolina hijo" Pagpupumilit ni coach sakin.


"Eh kasi coach ngayon po ang dating nya eh. Kaylangan ko po siyang sunduin sa airport"


"Ah ngayon ba yun hijo? Sige dalhin mo na ang kotse mo at ikamusta mo na lang ako sa mommy mo pagdating"


Oo mommy ko ang susunduin ko ngayon sa airport. Close kami ng mommy ko dahil na rin siguro medyo bata pa rin siya. Sa sobrang close nga namin minsan ayaw nyang lagi ko syang tinatawag na mommy.


Kung hindi nyo ko kilala pati na rin ang mommy ko pede nyo kami mapagkamalan na mag-pinsan o mag-ate. Sanay na sakin sina coach na hindi siya tinatawag na mommy pero syempre ginagalang ko pa rin naman siya kahit na ganun. Gumagamit pa rin naman ako ng po at opo pero madalas gusto nya kapag nasa labas kami parang ituring ko lang daw syang kapatid o kabarkada. Ewan ko ba dyan kay mommy medyo feeling teenager pa din.


"Salamat po coach" Sagot ko.


Since maaga kami nagjogging may ilang oras pa bago kami pumuntang trinoma. Nagshower lang ako saglit at nagayos ng gamit. Pagkatapos kong mailagay lahat ng mga gamit ko sa kotse ay dumaan na muna ako sa chapel malapit sa gym. Nakasanayan ko na rin ito araw araw na dumaan muna ng church at magpasalamat sa kanya.

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon